I just don't want to be friends with you. Gets mo?
Harsh na kung harsh pero ayoko talaga na maging friends kami ni Paul. Ano ba to, nung isang araw si Carl ngayon naman si Paul, ano to.... Bukas si everson? Anyways, so much for that. Nasa kanto palang ako, nakita kong may nakapark na car sa harap ng bahay. Mukhang nasa bahay nanaman si tito nick, siya yung boyfriend ni mama. Oo, you read it right. Boyfriend siya ni mama, okay lang naman sakin yun since di namin alam kung asan na si papa and super duper bait naman ni tito nick. He's a dentist and at the same time businessman rin. Meron siyang sariling resort, oh bongga diba! Di ko alam kung pano sila nagkakilala ni mama, ayoko tanungin e hehe :D May asawa si tito nick pero namatay na, may 1 silang anak na lalaki, si Nathan, Nathan Christopher Santiago, magka age lang kaming dalawa and we get along very well naman. Minsan sinasama siya dito sa bahay ni tito nick, minsan rin kumakain kami ng lunch or dinner sa labas basta we treat each other as a family na talaga. I like them very much and gusto ko si tito nick para kay mama :D
"Hi MJ!" -tito nick
"Hi po tito!"
"San ka galing?"
"Alam mo naman kung san yan tumatambay palagi" -mama
"Hehe :D sige ma, punta muna ako sa kwarto ko"
Brrrrrrr.... Naiwan kong bukas yung aircon sa kwarto ko. Ang lamig..... Umupo ako sa kama tapos tinanggal sapatos ko ng biglang.
"MJ!!!!!!!!"
"Ay tipaklong!"
Lumabas galing sa cr ko si Nathan, ginulo gulo pa buhok ko.
"Nathan naman! Alam mo namang magugulatin ako! Woooh! Sheeeet!"
"Hahahahaha! Peace! Ba't ngayon ka lang? Kanina pa ako nag aantay, nga pala, binuksan ko aircon mo ah :D"
"Pansin ko nga. :p tumambay ako sa starbucks e, di ko naman kasi alam na pupunta kayo ni tito dito sa bahay, di ka naman kasi nagpaparamdam"
"Tintext kaya kita!"
"Lokohin mo mga mata mo! Di ka nagtext! :p"
"Hahaha! Uuuyyyy namiss niya ako!"
"Haha! Oo no! Wala kasi akong kakulitan dito sa bahay. Andali, magpapalit lang ako ng pang bahay"
"Una nalang ako sa baba, ang alam ko nagluto si tita and dad ng dinner. Baba ka nalang ah"
"Okei dokei"
Bumaba agad ako after ko magpalit. Andali, idedescribe ko muna itchura ni Nathan. Height? Mga 5'10 maskulado na lalaki, well.... Di naman siya ganung kamaskulado yung mga tipong sakto lang naman. Buhok? Korean style. Haha! Naka braces, may piercing sa left ear and mahilig mag suot ng cap. Basta i can say na gwapo siya kasi nung una ko siyang nakilala aaminin ko na nagkacrush ako sakanya. Hahahaha! Sana pala hindi nalang nagkatuluyan si mama and si tito nick para kami nalang ni Nathan yung nakatuluyan >:)))))