Tinulak ko siya para makadaan ako tapos biglang....
"Tsk! Nahulog tuloy yung mga shirts!" -paul
O.O tumakbo ako pabalik. Naman! Sana hindi narumihan yung mga shirts! Kundi hassle nanaman to!
"Ba't ba ang clumsy mo?" -MJ
"Ako pa sinisisi mo na ikaw nga tong nanulak.... Ba't ba kasi ang sungit mo? Ha? PMSing? Mood swing? O sadyang ganyan ka lang talaga?"
"Wag ng tanong ng tanong, pulutin nalang natin tong mga shirts. Okay? Baka kung ano pang isipin ng mga tao, sugurin pa ako ni madam amanda"
"Hahahaha! Asus! Hinding hindi maniniwala si Amanda sa mga sasabihin ng mga yun! Alam niyang hindi ikaw ang tipo kong babae no!"
Inakbayan niya ako tas sabay sabing....
"Kaya wag kang mag-alala, ha? You're not my type :)"
Tinanggal ko kamay niya sa pagkaakbay sakin. At ano bang paki ko kung hindi niya ako type?! Bakit, akala niya ba na umaasa akong magkagusto siya sakin?! Pweee! Pwede ba! Wag siyang feeling! Tumatayo buhok ko sa leeg!
Nag ayos kami kaagad pagdating namin sa booth. Sa wakas! Malapit na rin kaming matapos! Super nakakapagod tong araw na to at di na ako makapag antay para bukas! Sana maraming bumili! Sana!!!!
"Yeees!!! Tapos na tayo! I can go home!" -chrissy
"Tara, uwi na tayo!" -everson
"8:30 a.m sharp bukas ah!!!" -MJ
"Yes ma'am!" -carl
Nag commute lang ako pauwi kahit nag iinsist si Nathan na sunduin ako. Buti nalang nga na may malapit lang na lrt station sa subdivision. Paluob na ako sa subdivison kaso hinarang ako ng guard.
"Miss, san po kayo pupunta?"
"Sa bahay po"
Malamang MJ! Anong klaseng sagot naman yun!
"Mukhang ngayon ko palang po kayo nakita rito ah. Kaninong bahay ba ho kayo?"
"Kanila Nick Santiago po"
"Andali lang ma'am ah. Icoconfirm ko lang po. Ano ho ulit yung pangalan niyo?"
"MJ Cruz po"
Manong guard.... Are you saying i'm a liar?! Amalayeeeeer?! Hahahaha! Mukha ba akong nagsisinungaling? Di naman ako mashadong nag-antay ng matagal, pinaluob niya rin ako at nag sorry pa nga siya sakin. Okay lang naman yun, di naman niya kasalanan na hindi niya pa ako kilala at namumukhaan.
Sinulit ko oras ko sa paglalakad, and sarap kasi sa feeling nung hangin tapos ang peaceful rin dito. Halatang puro mayayaman yung mga nakatira dito pano, ang laki laki ng mga bahay nila tapos ang rarami ring sasakyan. Nakarating na rin ako sa bahay, nakita ko si Nathan na nakaupo sa bench sa labas ng bahay tas nag guiguitara. Wala na bang ibang alam gawin yang lalakeng yan?
"Uy! Late ka na nakauwi ah!"
Sabay kuha ng mga gamit ko. Napaka bait talaga nitong step brother ko, sana ganito lahat ng mga lalaki!
"Siguro dun ka umuwi sa dati niyong bahay! Hahahaha!"
"Di ah! Sinulit ko lang kasi paglalakad ko"
"Ayaw kasi magpasundo"
":p andito na ba si mama tapos si tito?"
"Wala pa e"
Dumerecho ako sa kwarto ko tapos nagpalit after nun bumaba rin ako sa living room. Andun na si Nathan, nanunuod ng movie, I robot ata pinapanuod niya.