[1] Subject code

623 15 11
                                    

araw araw umaasang mapansin mo...

araw araw nagdarasal na sana makausap ka kahit nga simpleng "Hi",solb na solb na ako..

lagi na lang akong hanggang nakaw tingin...

lagi na lang ikaw ang napapansin...

lagi na kitang inaabangan,baka sakaling makakasabay pauwi...

baka sakaling makakaepal ng isang eksena..

alam ko favorite color,food,super hero,palabas sa tv,inumin,celebrity,song...motto,ambition,address,most embarrassing moment at maging happiest day mo!

kahit ako na magsagot ng slam book para sa'yo...

scratch papers,notebooks kahit saan puno ng flames ng pangalan nating dalawa...

IKAW NA! IKAW NA TALAGA John Yosef Tamayo

 ang nakapana sa puso kong tahimik lang na tumitibok!

Bawat araw sinusundan 

'Di ka naman tumitingin 

Ano'ng aking dapat gawin

Kailan, kailan mo ba mapapansin ang aking lihim 

Kahit ano'ng aking gawin, 'di mo pinapansin 

Kailan, kailan hahaplusin ang pusong bitin na bitin 

Kahit ano'ng gawing lambing, 'di mo pa rin pansin

"Sammia...Sammia..Sammia Rae Cabrera"

BINGO! nahanap ko rin ang pangalan ko. Akalain nyo yun sa section 1 ko lang pala to makikita. 

Lorielle Sanchez

Carissa Dianne Libanez

Georgiel Zarosa

YES! kumpleto kami ng tropa ko. Akalain nyo yun? Hindi ako makapaniwalang SECTION 1 kami.

Ganito kasi...sa Academy namin, pag highschool, ang freshmen at sophomore sections nyo ay base sa first come first served basis nung enrollment...random ang mga magkaklase. Pag tungtong ng 3rd year saka na kayo irarank.

THANKFULLY eto kami nadaan sa sipag ang pagkakalagay sa FIRST SECTION. AMAAAZING.

Sammia Rae Cabrera at your service! Tahimik sa unang tingin pero madaldal sa mga taong kaclose nya talaga. Super kalog inside, kung pakikingan nyo ang mga sinasabi ng utak ko TIYAK MABIBINGI kayo sa sobrang daldal nito ! 

Pero...tawag sa akin ng tropa ko ay QUEEN SHY kasi sobra daw akong mahiyain, na totoo naman. Ewan ko ba kulang lang yata ako sa self confidence, ayaw na ayaw kong tinititigan ako ng maraming tao pakiramdam ko matutunaw ako!

Lalo na kung ipakakausap mo sa akin si John Yosef Tamayo,ang dance floor king ng aming school,pilosopo,joker (SOBRANG LAKAS NG SENSE OF HUMOR NYA),maputi,may katamtamang tangkad,charismatic,track and field runner at ang aking long time crush. Pero yung pagkakacrush na yun ay on and off, nawala yun nung naging girlfriend nya si Jenna,yung co-dancer nya na kyut. Wag na nga natin yung balikan,nabibitter lang ako friends e,ang masaya single na ulit sya! Para namang may pag asa ako no kahit pa single sya? 

i have to confess...stalker niya ako -______- ,sabi ko nga..kayang kaya kong sagutan slam book niya. HAHA

Teka...teka.... JOHN YOSEF TAMAYO...

hanap...hanap...A,B....H,I,J.....S...T..TAMAYO! 

JOHN YOSEF TAMAYO nga! Pigilan nyo ko...pigilan nyo ko baka mapatalon ako sa sobrang saya....SA WAKAS! SA TINAGAL TAGAL ko ng hinihiling na maging classmate sya. FINALLY! TOTOO na to >.< 

CRUSH 101 [ slow updates ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon