[2] Lesson 1: Be Yourself

433 17 10
                                    

"Earth to Sam...earth to sam! Girl hanggang kelan mo ba balak umubob dyan?"

Kunware wala na lang akong naririnig.Sensya na Georgiel,hiyang hiya pa rin talaga ako.

"Girl,kanina pang nakapag alisan ang mga kaklase natin.Ano san na tayo tatambay?"

"Wala akong ganang tumunghay...una na kayo." sagot ko kay Carissa.

Eh kasi wala naman talaga akong gana,minsan na nga lang akong magkalakas ng loob na kumanta sa harap ng madami napapahiya pa. Take note sa harap pa ni crush. Yun yung pinakamasaklap!

"Pauunahin mo na kami? A-ah naman friend,ang babata pa namin para lisanin ang mundo."

"Mga baliw..."

"Ano na?tara! Dali tyak na nasa SM na naman ang grupo ni Yosef. Siguradong nagsasayaw na naman ang mga yun sa Dance Central. Tara panuodin natin."

"Echos ka Lorie,si Cian lang naman ang gusto mong makita."

"Luka,dali tara stalk na natin ang crush mo."

"Ayaw ko..uuwi na lang ako."

"Hays naman,ang hirap mo talagang kausap. Wag mo na kasing dibdibin yung nangyari kanina...napakaliit na bagay lang nun. Wag mo na kasing isipin yun."

Kanina pa nila akong inaamo,kanina pa ring nagdismiss si mam pero ako heto nakaglue ang ulo sa desk. Mas gugustuhin ko pang umuwi na lang mag isa para masolo ko ang aking kahihiyan. 

Oh,natahimik ata yung tatlo? Siguro sumuko na rin sila sa pagkukumbinse sa akin. YES!

"Naku girl,pagbalik namin dapat ok ka na ha. Sige ccr lang muna kami."

Ay...akala ko pa naman aalis na sila,paCRlang pala. MGA PAASA!Haha...ang bad ko no?Ako na nga yung pinapasaya nila ako pa yung matigas. Wala e ganyan talaga ako. 

Hindi naman todo todo ang pagtawa ng mga kaklase,nabigla nga sila sa pagkaripas ko ng takbo sa aking upuan pero....talagang hiyang hiya ako!Kelan ba paulit ulit ko yung sabihin?

Tama si Lorie,sure akong nasa quantum na naman sina Yosef. Gusto kong sumama...pero...

may kumikiliti sa tenga ko? 

Ano na namang ginagawa nila? Ala...nakakakiliti...ano ba kasi yun?

"Ang kulit nyo naman oh!" with matching tunghay pa. 

YOSEF?

o.O 

Hala,nasigawan ko si YOSEF!

"Sorry..sorry sorry." 

Pigilin mo ang pagblublush mo Sam! Pigilin mo ang pagkakautal! Wag kang kikiligin dyan...baka maihi ka pa mas nakakahiya yun.

"Haha,sensya ka na. Nabulabog ko ba pagtulog mo o baka naman... iniisip mo pa rin yung nangyari kanina."

"Ah..eh..."

Teka? Totoo bang kausap ko si crush. Kyaa~~~

Sam hinga ng malalim baka makairit ka pa dyan.

"Naku,wag mo na yung isipin. Napakaliit na bagay lang ang mapahiya sa loob ng classroom. Ang iba nga sa harap ng buong mundo napapahiya pero nagmukmok ba sila? Hindi naman di ba? Madaling makalimot ang tao,yung nangyaring pagpiyok mo...kuh,limot na yun ng lahat."

"Sure ka? eh bakit tanda mo pa?"

"Iba namang usapan to."

"Pramis.batukan mo ako pagnagkamali ako."

CRUSH 101 [ slow updates ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon