[3] Operation LATE

230 8 5
                                    

Ewan ko ba kung bakit ako pumayag sa pakana nina Lori na magpalate daw ngayon. Naman oh, siguraduhin lang nilang makakasabay ko si Yosef kundi,naku makakatikim talaga sila sa akin. Praning kasi ako, yung tipong sobra sobrang di mapakali kapag malala-late na katulad ngayon. 7:10 na! Kanina pa akong 6:50 nag iintay dito (mga ganung banda kasi si Yosef napasok...ayon kay Cian) , wala man lang dumadaang jeep na maluwag. Saksak ka na SAM! 

7:12 na, wala pa ring jeep.

7:15..balisang balisa na ako. Sa susunod talaga hindi na ako magpapalate!

7:17...wala pa ring jeep at ang masaklap pa nito wala pa rin si Yosef.

7:20...LAGOT KAYO SA AKIN LORI!

Lord,sana may jeep ng dumaan.please.please! Pramis po hindi na po ako patagong kukuha ng pagkain sa ref. Makikinig na po ako ng mabuti sa mga teacher ko pag nagtuturo sila kahit pa super boring ng klase. Magtatapon na rin po ako ng basura sa tamang basurahan. Please Lord, please lang po sana makasakay na ako =_______=.

At wala pa ring jeep na dumaan..pero..may puting sasakyan na super cool ang tumigil sa harap ko. Ano naman kayang drama nito? 

Pang asar lang ha, dito pa tumigil, paano na ko nyan papara ng jeep?

Makalayo na nga!

"Sam!",hala may sumisigaw, yun atang galing sa puting sasakyan. Manghuhula ata si koya, kilala ako? Baka naman hindi ako tinatawag.

"Sammia!", shongga ako nga! 

Kinakabahan ako...baka kasi kidnaper. Layo Sam..Layo!

"Hui!"

"Ay kabayong tumalon!"

Nagulat ako nung lumapit si koya. Pag tingin ko...shongga ka talaga Sam! Si CIAN pala yun!

Si Cian? Teka..lingon lingon baka andito si Yosef.

"Hinahanap mo ba si Yosef?"

Mind reader ka ba? Hala!

"Ay,hindi ah. Ano nga palang ginagawa mo dito?"

"Hindi ka naman kabado no?"

"Kabadong?"

"Nagtext na kasi sa akin si Yosef---"

Hindi ko makakasabay si Yosef? Sabi na eh! LUGI AKO. LUGI! WALA NA NGA SYA! LATE PA AKO. Late? 

"Hala...late na nga pala ako! Sige Cian babay na maghihintay pa ako ng jeep dito."

"Nakakatawa ka talaga kahit kelan, kaya nga kita tinigilan dito para isabay ka na paschool."

Isabay pa school? YES! Thank you LORD! Makakapasok na ako.

"Sure ka?"

"Ako pa? Tara na dali...late na late na tayo."

Dininig ni Lord ang aking mga dasal. Ibig sabihin nito, magtatapon na ako ng basura sa tamang basurahan.

Cool naman ng sasakyan ni Cian, sa kanyang kuya Lander pala 'to. Yaman lang, ginagamit pala to ng kuya nya sa mga car show. 

Astig. Minsan lang naman daw sya ihatid ng kuya nya,nagkataong nalate ng gising si Cian kaya sa kuya na niya sya nagpahatid.

At si Yosef...wrong move yung operation L.A.T.E ko kasi maaga syang pumasok. Nandito na kasi Papa nya eh medyo mahigpit yun kaya no choice si Yosef kundi ang pumasok ng maaga!

Dali dali kami ni Cian pagkababa na pagkababa namin ng sasakyan nila. 7:30 na kasi -_____-. Halos magkandadapa na nga ako. 

YES! nasa harap na kami ng aming room. Okay, game, inhale exhale...sabay kaming pumasok ni Cian.

"YIEEEEEEEEEEEEE!"

"Ehem.Ehem.Ehem."

o.O

Tinutukso kami ng aming mga kaklase?

"May namumuong low pressure area!", boses yun ni....Yosef. Yosef naman wag mo akong asarin sa kanya hindi sya crush ko.Ikaw! 

Ikaw! Ikaw!

Ganitong eksena dapat yung plinaplano naming mangyari kaso PALPAK.

Operation LATE = EPIC FAIL

CRUSH 101 [ slow updates ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon