[4] The Killer Game

229 10 4
                                    

Recess. Biruin nyo yun, bugnot ako hanggang ngayon kasi epic fail ang plano ko. Ang pangit kaya ng feeling na galawin sa maling tao. </3

Huhubels.Chos.

''Hoy Sam! Magdradrama ka na naman ulit?'',sigaw ni Georgiel. Biglang kinalog kalog pa nya balikat ko. Grabe talaga ang isang to.

''Kasi naman eh..'',sagot ko.

''Move on na teh.Next plan tayo!'',sabi ni Carissa na animoy may lightbulb na lumabas sa may ulo. 

Ano na naman kayang naiisip ng isang to? -____- 

''Alam ko na! Kunware napatid ka sa harap nya! Ayun sya oh kumakain sa kabilang table!'',excited na excited na sabi ni Lorie.

Ngekokekok. Hindi naman ako ganun.

''Sira ka Lorie. Ang pangit ng plano mo! Lapitan mo na lang tapos tumabi ka na agad sa kanya.Go girl!''

''Mas malupit naman ata yan.Hindi ko kaya,Georgie.''

''Sa expert kang kagaya ko makinig. Eto ang tubig alukin mo sya kasi wala syang inumin baka mabilaukan!'',sabi ni Carissa sabay hinila nya ako patay. Pwenersa nya sa kamay ko yung bote. Tinulak nya ako papalapit sa table nina Yosef. Waaaaaah! TULUNGAN NYO PO AKO! Utas na sa katatawa yung dalawa. Yan na malapit na! Napatingin na sa akin si Yosef.

>///< Ang ganda ng mata nya.

*KRIIIIIIIIIIIIINGGGGGGGG*

Saved by the bell! Whooshooooooooooo. Buti na lang si Mam Soriano,math teacher namin ang sunod. Terror yun kaya karipas na kami ng takbo papunta sa room bago pa maghalo ang manga sa tinalupan. EKSDI.

Buti na lang talaga!

Hays salamat natapos din ang time sa Trigo. Nakahinga na rin ng maluwag ang lahat. Ramdam talaga kasi ang tensyon pag si mam Soriano na ang nagtuturo. Alam nyo bang may nickname dun si Yosef? Sya daw si Mam Menopause. Laftrip nga ako dun kasi nga lagi yung galit.

Ang kyut ng mga iniisip ni Yosef no? Este...ang bad nya no? JOKE

Filipino time.

''Pips,wala daw si Mam Cervantes may faculty meeting daw!PARTY PARTY!'', pag aannounce ni Yosef.

As usual, maligayang maligaya ang lahat. Syempre favorite part to ng mga studyante pag natapasok. Yung tipong ingayan grande na naman sa room kasi wala ang teacher. Kanya kanyang bilog ang lahat, mind your own business ang peg.

May nagigitara, naglalaro ng I wanna be a tutubi, may nagkwekwentuhan, may nasa kantin at merong nagkakaribok sa labas pero meron ding mga geeks na todo buklat ng notes nila. Idol ko nga ang mga ganun.

Bigla akong nilapitan ni Cian.

''Babawi ako.'', bulong nya sa akin with matching kindat.

Ang gwapo ng kindat ni Cian, kung hindi ko lang crush si Yosef baka kinilig na ako. KIRE! Ano kayang ibig sabihin nya doon sa babawi ako thing?

''YOSEF! Halika rito!''

o.O

Anong ibig nyang sabihin.

''Yiee,ano kayo na ni classmate?Gusto mo iannounce ko na yun?''

-____-. DYAHE ka YOSEF! Ikaw ang gusto ko! Sa maling tao na naman ako ginalaw. Saklap.

''Baliw ka tol. Laro tayo ng killer kasama sina Sam.''

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 21, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CRUSH 101 [ slow updates ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon