Spoiler

1.6K 33 2
                                    

Unang kita ko palang sayo, nasabi ko na agad sa sarili ko na, "Siya na! Si FOREVER na toh!" Ang kaso ang sungit mo dre! Daig mo pa ang taong pinagsakluban ng langit at lupa! Nagpapansin na nga ako sayo lahat hindi mo pa rin ako pinapansin. Hindi pa man ako nangliligaw ay parang busted na agad ako. Ay hindi pala parang, dahil busted na pala talaga ako.

Tanda ko pa ang unang tingin mo sa akin.

Ang saya ko! Grabe! Dahil sa wakas tiningnan mo rin ako. Kaso sandali nga lang. Hindi ata yun umabot ng 2 seconds man lang dahil umiwas ka na agad. Pero masaya pa rin ako dahil kahit na simpleng glance lang yun ay nakita mo pa rin ako.

Kuntento na sana ako sa ganun.

Hindi ko alam na darating pala ang oras na gusto ko sa akin lang lahat ng oras at tingin mo. Mayaman ako at lahat ng gusto ko nakukuha ko. At kung hindi ka makuha sa matinong pag-uusap dadaanin kita sa santong paspasan.

Ansaya natin.

Lagi na kitang nakikitang ngumiti na ako ang dahilan.

Masaya na tayo.

Kaso hindi ko alam na hindi pala totoo sayo ang lahat ng yun. Akala ko okay lang sa akin. Tanggap ko naman eh. Ayaw mo sa akin. Pinilit kitang sumama sa akin. Tanggap ko naman.

Kaso ansakit na.

Totoo pala ang sabi nila na dadating talaga tayo sa punto na kapag sobrang sakit na ay isusuko mo na lahat.

Okay lang.

At least nakasama naman kita kahit sa sandaling panahon lamang.

--------

_PS46 :)

The Cold CEO (OS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon