Prologue

929 21 2
                                    

"Maa.. I'm not going to marry him." Mahina kong ani sa Mommy ko. Pagod na ko sa pageexplain kung bakit ayaw ko.

Mukha ba akong collateral sa business? May business ako, but it's a cooking school for children. I don't need to sell my freedom and myself to save their business. Hindi porke't nalulugi na ang business nila gagamitin nila ang freedom ko para umahon. Yes, I owe everything to my parents. Mahal ko sila. Pero wag naman sa ganito.

Marriage is sacred for me. I don't want my marriage life to be loveless.
I know love can be taught kapag ang tao ay matagal mong makakasama. Pero paano kung kahit anong pagpumilit ko na mahalin ang mapapangasawa ko, ay hindi pa rin? We'll both end up hurting each other.

Paano pa kung nagkaanak kami? Edi sila ang maaapektuhan? Ayoko ng ganun.

Exagge man ang mga iniisip ko but then I'm a realist.

I heard Mom groan at napahilot sa kanyang sentido.

"Kailangan mo siyang pakasalan, Atheera. Please do this for us."

But then I know no one can force me now. Ayokong magpakasal. That's it.

"I'm sorry Mom." I stood up saka dumiretso patungo sa pintuan.

I heard her sigh bago pa ako makalabas.

Napabuntong hininga rin ako. Masama ba akong anak?

I feel so ungrateful.

Pero tama naman ang naging desisyon ko. I don't want to end up blaming them for a broken family kung sakali man.

Lumabas ako ng bahay at tumungo sa garage. I saw my car na nangingintab pa sa gilid. I was about to go there pero napatigil nang nakita ko ang paparating na tatlong black cars patungo sa garage.

I sigh. I hope dad won't discuss about that marriage thingy.

Tumungo ako sa gitnang kotse. Sumandal ako sa gilid ng nakaparadang kotse and waited for daddy to come out.

Lumabas siya na may ngiti sa labi at mukhang may kausap sa phone. He smiled at me nung nakita niya ako. Lumapit ako sa kanya nang binaba niya na ang kanyang phone at hinalikan siya sa pisngi.

"How was your conversation with your mom?" He asked as he ruffled my hair.

Napasimangot ako bago ko inayos ang hair.

"Good." I simply said.

"Oh, yeah?" Nagdududang tiningnan niya ako. Nakataas ang isa niyang kilay habang nakangiti sa akin.

"What? It was good really." Maang mangan kong sabi.

"Ah-huh?" Nilapit niya ang mukha sa akin. Mas lalong tumindi ang pagdududa sa mukha niya. Sumimangot ako at lumayo sa kanya.

"Ok, fine! It was never good. Arrgh."

Malawak siyang ngumiti sa akin saka ako inakbayan papasok ng bahay.

"I was about to go to my condo." Protesta ko.

"Stay for lunch honey."

"I don't want to talk with mom." Simangot kong sabi.

"Your mom is good. Masyado lang siya naii-stress sa kumpanya. Just understand her."

Dad squeeze my shoulder. Napabuntong hininga na lang ako at tumango sa kanya.

"Pero may kailangan pa po akong gawin sa condo."

May kailangan naman talaga akong gawin dun. Hindi yun palusot.

"I have something to tell you after lunch, sweetheart. I'm sure it's worth it." Anito na may proud na ngiti sa labi. Kumpyansang kumpyansa siya sa sinasabi.

The Cold CEO (OS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon