03: Once

235 4 0
                                    


I covered my face using a pillow. I can't sleep.

Tumagilid ako ng higa at inalala ulit ang pangyayari kanina. Kung paano siya nagalit pero hindi obvious kasi ang cold niya. Kung paano niya pinipigilan ang pagmura sa sobrang inis.

Napabuntong hininga na lang ako at dumapa sa kama.

Sinabi pa niyang "Don't expect me to be good to you." Nye.. Nye.. Nye.. Whatever. Tsaka siya nag-walk out.

Haaisst! Kung bakit kasi nagbago pa ang tulugong Marcus na yun eh. Hindi naman siya ganun dati. Asar. Tsk!

Inayos ko ang pagkahiga at tumitig sa kisame. Inimagine ko na lang ang nakangiting Marcus at ang masayang pagtanggap niya sa akin sa pamamahay niya.

Ayiieeh.

Napangiti ako at nagpapadyak padyak sa kilig. Kung sana ganun lang eh. Kaso hindi kaya agad akong napasimangot.

Ang cold niya at wala man lang sinabing masaya siyang nakita ako. Pisti! Dumapa ako at pinagsusuntok ang unan. Bwiset! Tarantado talaga siya. Aiish! Pasalamat siya mahal ko siya.

"What do you think you're doing?" Ani ng isang malamig na tinig.

Agad akong napabangon at inayos ang buhok bago siya tiningnan ng nakangiti.

"Doing? Wala. Wala. Hehe. Anong ginagawa mo dito?" Hindi ko alam kung bakit ako hinihingal. Nilagay ko ang ibang buhok na nalaglag sa likod ng tenga ko at ngumiti sa kanya.

"Just checking my unwelcomed visitor."

Agad na nawala ang ngiti ko at napasimangot.

"Grabe ka! Para tayong walang pinagsamahan." I pouted saka lumapit sa kanya.

"Pero seryosos ano nga?" I asked him at tumigil na sa paglalakad ng ilang dipa na lang ang layo ko sa kanya.

"Dinners ready." Sabi niya at tumalikod.

Napatango ako.

"Arc!" Tawag ko ng may naalala.

Lumingon siya sa akin. Wala pa rin bakas ng emosyon sa mukha niya. Sa isip ko ay tinitiris ko na siya ng pinong pino sa inis dahil sa ginagawa  at pinapakita niya.

"I don't eat dinner." May pagalangan kong sabi.

Humarap siya sa akin at tinitigan ako. Parang nahiya naman ako at umiwas ng tingin habang nakakagat labi sa pagpipigil ng ngiti. Nang tingnan ko siya ulit ay tumaas baba ang tingin niya sa katawan ko.

Tumaas ang kilay ko sa ginawa niya. Pinagnanasahan ata ako ng lalaking ito eh.

"No wonder." Aniya at napailing iling.

Nagdikit ang kilay ko sa pagkalito. "No wonder what?"

"You're too skinny."

Napasimangot ako. Grabe siya.

"Hindi kaya ako plakitut." Asar kong sabi. Eh totoo naman eh. Sakto lang kaya ang katawan ko. Hindi mataba at hindi rin payat. I'm sexy with a curve. Flat ang tummy ko at hindi ang aking chest. Although hindi din naman ganun kalaki ang boobs ko. Pero sakto lang nga. Yung hindi matatawag na flat-chested or watermelon. Tsk!

Nagulat na lang ako ng maramdamang pumalibot ang isang kamay niya sa braso ko. Hinila niya ako palabas ng kwarto at patungo sa hagdan. Nang nasa hamba na kami nito ay binitawan na niya ako at pumanguna na sa paglalakad.

Siguro nang maramdaman niyang hindi ako sumasabay sa kanya kaya siya lumingon dito sa akin. Tumaas ang kanyang kilay. 

Napangisi na lang ako at bumuntong hininga saka bumaba na rin para kumain. Nilampasan ko siya at pumunta na ng kusina.

Umupo lang ako at iniextend ang braso sa mesa saka pinatong dito ang aking pisngi. Wala talaga akong ganang kumain.

I sigh.

Nakita ko si Marcus kaya ngumiti ako na nawala din kasi umiwas din siya ng tingin.

Pinalitan ko ang pwesto ng ulo ko para makita si Marcus. Napangiti ako ng makitang kumukuha siya ng dalawang plato. Pumunta siya sa harap ko kaya tiningala ko siya at ngumiti.

"Move."

Parang masunuring bata na gumalaw ako para malagay niya ang isang plato sa harap ko. Amoy na amoy ko siya habang inaayos niya ang plato para sa akin. Saglit lang niya akong tiningnan at bumalik na siya ulit sa counter para kumuha ng utensil.

Umayos na ako ng upo at hinintay siyang matapos sa ginagawa. Walang imik siyang umupo sa harap ko at nagsimulang kumain.

I smiled saka kumuha na din ng akin. Konti lang talaga ang kinuha ko.

"Add some rice."

Napaangat ako ng tingin sa kanya. But then ay nasa pagkain pa rin ang atensyon niya so I just shrugged it off.

"I said dagdagan mo ang pagkain."

I sigh. Ang pinakaayaw ko talaga ay ang inuutusan ako. I feel damned that's why I prefer giving orders.

"Dadagdagan ko kapag maubos ko ang nasa plato. Kung gusto ko pa dadagdagan ko. Kung kulang pa dadagdagan ko."

Nang maganagt ako ng tingin ay nagtama ang tingin namin. He looked cold while I look tired. Nauna akong umiwas ng tingin at pinilit ang sariling sumubo.

I don't know what suddenly flicked my emotion to say that. I sigh. Madali talaga akong mainis kapag nauutusan.

But then dahil nanatili pa rin ang tingin niya sa akin ay wala akong magawa kundi kumuha na lang at ngumiti para sa kanya. Madali talaga mabali ang prinsipyo at paniniwala ko pagdating kay Marcus.

Tinuloy niya ang pagkain nang makitang madami na ang nasa plato ko.

"Marcus?"

Sandali siyang tumingin sa akin saka ibinalik ulit ang tingin sa pagkain.

"Why did you leave that time?" Tanong ko na ang tinutukoy ay ang pagalis niya ng walang paalam nung kami ay 16 pa lang, 12 years ago to be exact.

"Let's not talk about that." Walang ganang aniya.

Thinking he must have reasons for that, I decided not to pursue the topic any further. Mukhang ayaw niyang pag-usapan at hindi pa siya handa rito.

"Okay. So how are you these past few years?" I diverted.

"Hell."

"Hell? Ganun ba kamiserable ang buhay mo nung wala ako?" Nakangiti kong tukso sa kanya.

Tiningnan niya lang ako kaya mas nilaparan ko ang pagngiti but then binalik niya na agad ang tingin sa pagkain kaya napasimangot ako.

Inalis ko ang tingin sa kanya at matamang tinitigan ang pagkain. Tinusok tusok ko ito at napaisip. "Hey Arc?" I said without diverting my eyes from the food.

I heard him hum as an answer.

Walang gana kong tinusok ulit ang pagkain. "Minsan ba......ay naisip mo rin ako?" Tiningnan ko siya, and waited for an answer.

Tiningnan niya ako, I don't know what he saw in my face para ikabuntong hininga niya. Our eyes met, and he said, "Yeah."

Parang biglang tinigil ng puso ko ang pagtibok kaya medyo nahirapan akong huminga. I inhaled some air at binuga ito pagkatapos. I stifled a cry and held it in.

Just a word from him can turn my whole world upside down. Ganun ang epekto ni Marcus sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 02, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Cold CEO (OS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon