01: Change

386 10 1
                                    

I can't believe I'm meeting him today. Nanginginig ang kamay ko. Naluluha din ako dahil sa excitement.

I smiled to myself. Para na tuloy akong baliw.

Tiningnan ko muli ang phone ko. Nakalagay dun ang address ni Marcus.

Gariosa Village. Tanging mga taga alta syudad lamang ang nakakatira dun. As expected from my future husband.

Malapad akong ngumiti. Ayiiieh. Future husband daw.

Binilisan ko pa ang pagdadrive. Kaunti lamang naman ang mga sasakyan kaya okay lang.

May nakaharang na malaking gate pagkarating ko sa village. Mukhang private talaga ang place na toh. Nagkibit ako ng balikat saka dumiretso sa pinakamalapit na guardhouse. Binuksan ko ang bintana.

Sandaling natulala ang lalaki. May paghanga sa mukha niya habang nakatitig sa akin.

Malinis naman ang lalaki at may itsura. Syempre may itsura talaga, pero what I mean is yung gwapo. Pwede na. Ganon.

Ngumiti ako ng malapad dito kaya nabalik naman siya sa isip niya.

"Si-sino po ang hinahanap nyo ma'am?"

I mentally shrugged sa pagkautal niya. Nakakaintimidate ba ako?

"Marcus De Vega."

Naalis ang anumang paghanga sa itsura niya. Napalitan ito ng takot at napapalunok siya. Nagsalubong ang kilay ko sa reaksyong ipinakita niya.

He looks so afraid. Kay Marcus ba? I don't think so. Napakabait kaya nun. Siya yung tipong boy next door. Tapos kapag dumadaan siya para siyang nasisinagan ng araw. Ang kalma kasi ng aura niya. Mapapangiti ka na lang ng walang dahilan.

I smiled when I remember our first meeting. It's not actually 'our' first meeting. Mukhang sa kanya lang.

Matagal ko na kasi siyang crush. Bago kasi ako tumuntong ng high school crush ko na siya. Crush at first sight, ganon. Tapos naging stalker niya ako. Napunta pa nga sa punto na inaaway ko na ang mga babaeng pasimpleng tsumansing sa kanya. Then I fell in love along the way.

So back to real first meeting. Yung pagkakakilanlan na talaga. Sa roof top yun ng school. Natripan ko kasing kumain dun kasi naiinis ako sa kaibigan ko daw. Inaway niya kasi ako. At ang malala pa, ang babaw ng dahilan.

Bakit ko naman kasalanan kung brineakan siya ng boyfriend niya just because that asshole like me?

Like what the hell!

Sa sobrang inis ko sa babaeng yun napisa ko ang coke in can at tinapon. At saktong pagbukas ng pintuan ng rooftop at natamaan sa chin ang isang lalaki base sa uniform na suot nito.

Nakailang ulit talaga ako nagsorry, tapos tatawa tawa lang siya. And when I looked at him saka ako napatulala. Nasa harapan yung forever ko. Tumatawa ng dahil sa akin.

Natulala ako sa kanya.

I could see his lips moving but I can't understand what he was saying. Para akong nawalan ng kaluluwa at sandaling bumisita sa heaven. He was shining in front of me.

Bumalik ako sa ulirat nang may naramdaman akong sakit sa noo ko kaya nakapa ko yun.

Marcus flicked my forehead. Nang tingnan ko siya ay nakangiti lang ito at nakapamewang.

And that's when we started as friends. Then I eventually admitted my feelings, and of course, tinanggihan niya ako. Mabuti ang pagkakatanggi niya kaya tinanggap ko.

I tried to forget my feelings for him and focus on our friendship. Mabuti na ang ganon, malapit, kahit na hindi nasuklian ang feelings ko, at least diba?

The Cold CEO (OS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon