*Day 5

20 0 0
                                    

April 16, Tue

Another day para mag-work. Busy na naman ako. Ang daming dapat asikasuhin. Ang dami ring utos. At ang dami ring nag-uutos.

Busy rin si Dane kaya di rin nagtagpo ang landas namin. Ni hindi niya rin ako nagawang asarin kasi nga marami siyang ginagawa. Hay, buti naman. Isang mapayapang Martes.

Pero etong si Lester ang madalas naman manggulo sakin. Well, hindi naman niya ako pinipeste. Tinutulungan pa nga niya ako minsan e. Medyo magaan lang daw kasi yung ginagawa niya sa Microbiology section kaya medyo marami rin siyang free time. Tsaka magkatabi kasi yung sections namin kaya ako yung mas madalas niyang makasama.

Haha. Weird naman kung sila ni Dane ang magkukulitan. BROMANCE ALERT HAHAHAHA.

Chos, di naman sila bading e. At walang halong silang bahid ng kabadingan.

“Lester, pakuha ng tissue.”

“Yes Ma’am!” see? Ang cute diba? Masunuring bata.

“Ako na magdadala niyan.” Sabi ni Lester nung nakita niyang marami akong bitbit na glasswares.

“Ay, salamat Lester!” DIBA? ANG BAIT BAIT!

Nung nag-ra-run naman na ako ng aking analysis eh medyo napahinga na ako. Pwede naman kasing iwan yun nang mag-isa at balikan na lang maya-maya.

“Uy, Lester! Salamat kanina ha!” oo, nakatambay pa rin siya sa section ko.

“Walang anuman. Basta ikaw! Malakas ka kaya sakin!”

“HAHAHAHA. Ilibre mo nga ako mamaya!”

“HUH? Hahaha joke! Saan mo ba gusto?”

“Nako, joke lang ‘no. Anyway, masabi ko lang. Swerte magiging girlfriend mo.”

“Talaga?” at nakita ko na naman yung pamumula ng cheeks niya.

“OO! Lester, don’t tell me kinilig ka dun!”

“Huh?” at hinawakan niya yung pisngi niya. “Teka, babalik na ako sa Microbio, baka may iuutos na sakin. O siya, sige. Alis na ako. Bye.” At nagmamadali siyang umalis.

PROBLEMA NUN?

Anyway, at least may time na ako para mapahinga ang bibig ko. Ang daldal kasi ni Lester eh!

Hayyy. Pero totoo yung sinabi ko kanina, swerte ang magiging girlfriend ni Lester. Mabait siya e. Gentleman. Sweet. Matalino rin. Masaya kausap. Syempre, masaya rin kasama. Marami rin kaming pagkakatulad gaya ng taste sa movies, books, pati point of views namin parehas.

May naaalala nga ako kay Lester e. May kakilala ako na ganyan din.

Pero dati pa siyang naging ganun.

Haha. Siyempre, walang iba kundi si Dane.

Oo, ganyan si Dane dati. Mabait, gentleman, sweet. Masipag rin yan. Ewan ko nga lang kung bakit naging tamad na yan. Parang simula nung nabarkada sya dun sa batchmates namin na sobrang tamad din. Buti na nga lang di na sila close nung mga yun ngayon, nagkagulo ata sila.

Ewan ko. Break na kasi kami nun nung parang nag-away away sila.

And now he’s back in his original set of friends. Bumalik na yung barkadahan nila ni David at Ken.

At paano ko nga ba nalaman yung mga ganitong scoop? HAHAHA. Eh di sa girlfriends nila David at Ken na mga best friends ko. LALALALALA.

Well at least masaya na ako na nakabalik na sa good side ‘tong si Dane. Sobrang bad influence kasi talaga nung sila Jack at Jenssen eh.

25 Working Days [ONHOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon