*Day 10

11 0 0
                                    

April 23, Tue

“Good morning!” bati sa akin ni Lester nung dumating ako sa lab. Aba, nauna pa siya sa akin.

“Ang aga mo ah! Good morning din!” sabi ko.

“Siyempre, gusto kasi na kitang makita.”

“Uy ang aga aga, nagliligawan kayo diyan!” singit ni Sir Nat sa usapan naming dalawa. Ngumiti lang si Lester.

“Uyyyy si Tricia nag-blush. Kayo haaa.” dagdag pa ni Sir Nat. Di nga? Nag-blush ba ako? Jusmiyo. Sumasakit ang ulo ko.

Kaya eto, para makaiwas sa intriga at kay Lester na rin, nagpaka-busy na lang ako. Medyo marami rin akong tinrabaho.

At oo, umiiwas ako kay Lester ngayon dahil nga dun sa nangyari kagabi. Siyempre kasi kailangan kong pag-isipan yung offer niya at kakailanganin ko ang medyo ma-distansya sa kanya para malaman ko kung ano bang nararamdaman ko. Tsaka medyo naiilang rin ako. Ayokong masaktan si Lester kasi kahit papaano alam ko naman sa sarili ko na ayoko munang mag-ka-lovelife.

“Di nga Tricia? Ayaw mo muna or sadyang wala nang space diyan sa puso mo?” bulong ko na naman sa sarili ko habang gumagawa ng reagent. Hay jusko, nababaliw na naman ako.

Okay fine, aaminin ko na. Nandito pa rin naman si Dane sa puso ko. Mahirap siyang alisin lalo pa ang tagal namin. Halos tatlong taon rin kami at three months pa lang naman ang nakakaraan nung sinaktan niya ako at makipaghiwalay sa akin.

At the same time, aaminin ko na rin, pwede naman na si Lester sa akin. Kaso kung ‘oo’ ang isasagot ko sa kanya sa tanong niya, malamang dahil lang yun sa gusto kong kalimutan si Dane. Yun nga yung sinasabi ko na ayaw ko siyang saktan. Ayoko siyang gawing rebound.

Hay nako, napaka-stressful naman nito. Akala kung nung una magiging okay ‘tong summer na ‘to. But first, andyan si Dane, second, andyan si Lester.

PWEDE PA BA MAGPALIPAT NG LAB??? Hayyyy.

Habang nag-we-weigh ng chemical para sa reagent na gagawin ko, napansin kong na naman ‘tong si Dane. Eh kasi naman, yun na naman ang ginagawa niya. Nakaupo na naman siya at sa tapat niya eh napakaraming magkakapatong na envelope. Tapos lahat yun binubuksan niya at may papers siyang nilalabas. Pagkatapos nun ay tatayo siya at pupunta sa kung saan dala-dala ang papel na yun. Parang ang hassle ng ginagawa niya ah.

Oh well, lahat naman ata kami dito eh naha-hassle sa ginagawa namin.

Buong araw na naman busy ang buong lab. At dahil sa napagod ako, uuwi na ako. Oo, ako lang. Ayoko na muna kasi makisabay kung kanino. Pero bago niyan, tinawag ako ni Ma’am Gilda,

“Tricia, bukas eto yung gagawin mo,” at may inabot siya sa aking papers. “I-check mo kung match ba dito yung date of calibration at maintenance nung instruments at equipment ng raw materials section. I-update mo na rin yung files dun sa drawer natin. May mga envelopes dun, nandun yung mga files na sinasabi ko.”

“Ah sige po.” sabay ngiti. Siyempre, hindi naman ako pwedeng magreklamo ‘no. In short, gagawin ko yung ginawa kahapon at kanina ni Dane.

Speaking of Dane, nasulyapan ko siya at nakita kong nililigpit na niya yung envelopes sa drawer. Mukhang tapos na siya. Wow.

“Ay Ma’am, nasaan nga pala yung drawer?” tanong k okay Ma’am Gilda.

“Ah, ayun. Yung nasa products section, yung pinaglalagyan ni Dane. Yung drawer natin ay yung nasa first and second layer. Yung para sa products section, nasa third and fourth layer. Yung microbio section, nasa fifth layer.”

“Ah okay po.” and then umalis na ako.

OMG. Nasa labas na ako ng lab nung na-realize ko na buong araw ko makikita talaga si Dane. YUNG AS IN. Eh nasa teritoryo niya yung trabaho ko bukas eh. Hay nako naman talaga!

Nasa loob na ako ng elevator at pasara na sana yung pinto at biglang may kamay na pumigil sa pagsara nito.

Wow ha, natatandaan ko ‘tong scene na ‘to. Don’t tell me si Dane ‘to?

“Iniwan mo ko!” sabi ni Lester habang nagpa-puppy eyes kuno.

Ooopsie. HOPIA ANG TITA NIYO! Langya. Hay.

“Uy, hindi ah!” sagot ko kay Lester.

“You don’t need to lie. Alam ko naman na naiilang ka.” sabi niya. Pero oo, alam niyo naman na naiilang ako sa kanya diba? Partly, talagang nauna na akong umalis para di siya makasabay. Pero bukod dun, gusto ko na talagang umalis nang maaga kasi napagod ako.

“Etooooo. Masyado namang matampuhin! Let’s just say na oo medyo naiilang ako pero I’m tired din kasi kaya nauna na ako. Akala ko kasi marami ka pang ginagawa.”

“Ooohhh okay. I understand. Pero sana, Tricia, wag kang mailang. Ayoko namang masira, or maudlot, yung nabuo nating friendship.”

“Of course,” sabi ko.

After nung elevator conversation namin, hindi na ulit siya nagsalita. Hindi rin naman ako nagsalita. Pagod kasi talaga ako and di ko rin naman alam kung anong sasabihin ko sa kanya eh. Nakarating kami sa gate nung planta at nagpaalam na siya agad. Hay, I’m so sorry Lester.

Ako naman, sumakay na ng jeep, umuwi, pumasok sa kwarto at natulog. Well, ilang araw na akong kulang sa tulog at kailangan na kailangan ko na talaga ‘to.

25 Working Days [ONHOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon