*Day 15

6 0 0
                                    

April 30, Tue

Day 15 na namin at ni-rotate na kami ni Dane. In short, pinagpalit na kami ng sections. Napunta na siya sa raw materials section tapos ako, nasa products section na.

Maaga akong nasa lab at laking gulat ko na mas maaga si Dane sa akin. YES, MAS MAAGA SIYA! Nakakagulat na pagdating ko dun ay nagtatrabaho na agad si Dane which means na malamang kanina pa siya nandito.

Pagdating ko sa products section, pumunta ako dun sa lugar kung saan nagsi-stay si Dane nung nasa section pa siya na ‘to. Nilapag ko yung bag ko dun sa table at nilabas ang lab gown ko, aspirator, wash bottle, notebook, ballpen at marker. Sinuot ko yung lab gown ko at yung iba ko naman na gamit ay nilagay ko sa mga bulsa nito. Binuksan ko yung drawer nung table para ilagay yung notebook ko at nagulat ako sa nakita ko.

Hey Beautiful, I love you so much! <3

-Your Dane =)

At yan yung nakita ko na nakasulat sa papel na nasa loob nung drawer. As in sulat ng marker tapos ang laki. Medyo namatay ako. YES, MEDYO LANG. CHOS.

At dahil nga maaga ako sa products section, ako pa lang yung tao dito. Yes, ako pa lang. Mabuti na yun at walang nakakita nung kinilig ako kanina. At dahil wala pa nga akong mentor, nagbasa na lang muna ako nung procedures manual ng products section. Maya-maya pa, may nakita na lang ako na bote na nilapag ni Dane sa harap ko.

“Deionized water. Dito kasi, usually, deionized water ang ginagamit. Ayan, pinag-refill na kita.” sabay ngiti ni Dane. Jusko, mamamatay na ata ako.

“Thanks” sabi ko.

“Nabuksan mo na yung drawer nito?” sabi niya na parang excited na excited siya.

“Oo, why?”

“Nakita mo na?”

“Ang alin?” haha kunwari wala akong nakita. Hihihihi.

“Hindi mo nakita? Wala kang nakita na papel na may nakasulat?”

“Wala.” at umarte pa ako na inosente ako.

“Patingin nga.” at tinignan niya nga yung drawer. Yun nga lang, wala na talaga yung papel dun. Siyempre tinago ko na, nilagay ko sa bulsa ko. HAHAHAHA ;)

“Ayyy, sayang naman hindi mo nakita. Baka may nangialam.” tapos nalungkot siya. Siyempre nakonsensiya naman ako.

“Huy wag ka nga ma-sad! Nakukonsensiya ako eh! Eto oh, nasa akin na! Siyempre nabasa ko!” sabay pakita ko sa kanya nung papel na galing sa bulsa ko.

“Ikaw talaga! Pasalamat ka mahal na mahal kita.” at sakto dumating na si Ma’am Sam, yung magiging mentor ko sa products section, “Sige, balik na ako dun. Pag kailangan mo ng tulong sabihin mo lang sa akin.” sabi ni Dane at umalis na rin siya.

At nung dumating na nga si Ma’am Sam, nagsimula na agad ang trabaho namin. Ang dami ko nga agad ginawa sa kalahati ng araw. Nag-prepare ng reagents, nag-standardize ng reagents at nag-sulfur dioxide na analysis. Masaya kasi ang daming ginagawa. Ang dami ring samples na as in products na. Nung lunch break na, sabay sabay ulit kaming mga tao sa lab na kumain. Siyempre, kasama diyan si Dane.

And of course, sabay kami naglakad. Sabay kami um-order at tabi kami sa table. Kinikilig ako, in fairness. Eto pala yung sinasabi niya na maghanda daw ako. Jusme, dapat nga ata naghanda ako. Di ko kasi in-expect ‘to.

“Kamusta sa products section?” tanong ni Dane habang kumakain kami.

“Okay naman, marami rin palang trabaho dun. Pero masaya!”

25 Working Days [ONHOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon