*Day 14

6 0 0
                                    

April 29, Mon

“Tricia, magpapa-check ako ng chemicals and glasswares sa chemical room.” salubong sa akin ni Sir Andrei pagkapasok na pagkapasok ko sa lab.

“Ah sige po,” sabi ko.

“Sa 6th floor yun, sasamahan ko kayo.”

“Ah may makakasama po ako?”

“Oo naman, para naman may makatulong ka.” sabi ni Sir Andrei. “Ayan, nandito na pala siya.”

Nagulat naman ako na si Dane pala yung tinutukoy niya na makakasama ko.

“Tara na, samahan ko muna kayo. Eto nga pala yung susi.” at inabot niya yung susi kay Dane.

Pagka-tour sa amin ni Sir Andrei dun sa chemical room, umalis na rin siya at naiwan kaming dalawa ni Dane.

“So…?” sabi ni Dane. Parehas kasi kaming natahimik.

“Tara let’s start. Maghati na lang tayo nung listahan. Sa akin na lang yung glasswares at sayo na lang yung chemicals.”

“Okay.” at nagsimula na kaming magtrabaho.

Jusme. Ang dami palang glasswares dito. Tapos yung iba nasa pinaka-top na shelf. Tapos ginagamit pa ni Dane yung nag-iisang ladder. T_T

“A-a-aachhhhooooo!” patay. Inatake na naman ako ng allergy ko. Di ako pwede sa dusty na environment eh. Yung iba kasing glasswares inaalikabok na.

“Tricia, okay ka lang?” tanong ni Dane na nakatuntong sa ladder.

“O-okay lang ako.”

“In-a-allergy ka na naman. Ako na diyan.” sabi niya.

“Hindi, ako na dito. Ikaw diyan.”

“Eh paano yung hindi mo maaabot na top shelves?”

“Ako nang bahala dun.”

“Hay nako,” sabi niya at bumaba siya sa ladder. “I have an idea. Ako na lang ang magchi-check nung chemicals at glasswares. Ikaw na lang yung tumingin sa masterlist kung match ba yung shelf at yung quantity nung chemical at glassware. I-dictate mo na lang sa akin.”

“Pwede din. Pero diba unfair yun sayo?”

“No, hindi naman. Besides, mas kaya ko yung alikabok dito tsaka yung umakyat sa ladder. Tsaka alam mo naman na hindi ako organized pagdating sa pag-check ng masterlist, right?”

“Well,” at natuloy yung plano niya.

Wala pang lunch break at natapos din namin agad ni Dane ang pag-audit ng chemicals at glasswares sa chemical room.

“Haaayyyy, natapos din natin!” at nag-apir pa kaming dalawa.

Wow. Awkward pa rin. At hindi na lang sa side ko, pati na rin sa kanya. Ano ba namang summer ‘to, punung-puno ng awkwardness?!

Natahimik na naman tuloy siya. Samantalang kanina nung nagwo-work kami parang bonding moment yun na para bang wala kaming masamang nakaraan.

“T-tara na. Bago pa may magselos at hanapin ka sa buong building.” sabi ni Dane.

“Huh?”

“Huh ka talaga nang huh. Na-miss ko yan.” tapos ngumiti siya nang slight. Anong sinasabi nito?

“What do you mean?”

“Well, hindi ba magseselos at mag-aalala si Lester kapag nalaman niyang kasama ng girlfriend niya ang ex nito?”

“Si Lester? May girlfriend na? Hindi ko ma-gets! Linawin mo kaya!”

“Kayo na ni Lester diba?” sabi niya na halos pasigaw na. Nairita na ata sa akin sa sobrang ka-slow-an ko.

25 Working Days [ONHOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon