Chapter 8 Part 1

9 0 0
                                    

PLEASE VOTE OR LEAVE COMMENTS ABOUT YOUR THOUGHTS FOR MY STORY THANKS GUYS. :D

(next day)

[Ice POV]

Nakita ko si Cess naglalakad magisa papasok ng school at naisipan kong sabayan na siya sa paglalakad.

“Good Morning Cess!” Binati ko si Cess na may malaking ngiti sa labi ko habang nagulat naman siya at napabulaslas ng

“OH!!! Ikaw pala Ice. Kamusta? Parang hindi ka pa okey ah.”

-------------nakakatuwa talaga si Cess kapag nagugulat..ang cute… Sh*t, yan na naman ako kay Cess ehh! Hindi okey? Halata ba na malungkot ako?

“I’m Okey, teka bakit mo naman nasabi na hindi pa ako okey?”

“I can see it in your eyes…”

Diretsong nakatingin sa mga mata ko si Cess habang patuloy kami sa paglalakad.

“Talaga? Well I think wala ako maitatago sa iyo ah, lalo na sa mga emotions ko.”

Napatingin naman ako bigla sa mga mata ni Cess at agad din namang tumingin sa dinadaanan.

“So, will you tell me? The story behind your actions yesterday?”

……

Habang patuloy parin kami sa paglalakad...Ikinuwento ko kay Cess na na-busted ako ng nililigawan ko kaya ganun na lang ang pangangaylangan ko ng kaibigan at sya lang naman ang nandun that time. Mahal ko na kasi talaga si Anne matagal na, kaya naman ang sakit nung sabihin nya sa akin na kahit maghintay ako sa kanya ay wala pa din mangyayari dahil hindi nya ako priority.

“Wow! Really? Ikaw na busted?! Ang tinitilian ng mga babae dito sa campus?”

Halata naman na nagulat si Cess sa kinuwento ko tungkol sa nangyari.

“Sa kasamaang palad, Oo” iyon na lang ang naisagot ko sa kanya.

“Hay nako…hindi alam ng babaeng yun na sya ang nawalan at hindi ikaw.”

Nagulat ako sa sinabi ni Cess at hindi na namalayan na nakarating na kami ng room sa pagkukwentuhan naming iyon.

[Chris POV]

Ang sakit na nga na makita si Cess kahapon sa Cafeteria na may kausap na iba tapos makita pa ba ngayong umaga na may kasabay na naman siya na ibang lalaki? Hindi ko na alam ang mararamdaman ko…

Ito ang naiisip ko buong umaga sa klase kaya naman masasabi ko na wala ako sa sarili, ang isip ko ay nasa mga nakikita ko.

*Recess Bell*

“I need to talk to her… hindi muna ako sasabay sa inyo..” nag-nod lang yung mga kabarkada ko.

Umuna na ako sa mga kaibigan ko na mag punta sa cafeteria para hanapin si Cess dahil sa ilang araw na din kami hindi nagkikita at para tanungin sa mga nakita ko pero in a cousin way baka makahalata siya eh.

(Cafeteria)

*student’s Chats*

Ganito lagi sa cafeteria ng Royal Academy parating magulo sabay-sabay kasi yung recess ng all grades pero hindi naman kami siksikan,Malaki kasi yung cafeteria namin…hinahanap ko si Cess at… Bingo! Kadarating lang nya at kasama nya yung dalawang babae na I think friends nya na. Lumapit ako sa kanya…

“Hey, Pinsan!”

Nag high five kami… napatingin naman ako dun sa dalawang babae na kasama nya at halatang nagulat sa nakita nila… hindi ko na lang pinansin at nag order na kami ng pagkain namin. Magkatabi kami ni Cess sa upuan kasama ang mga kaibigan nya na sina Mei at Angel ..ang weird nga eh gulat na gulat parin sila at naiilang ako dun kay Angel, tulala sakin simula nung umupo kami sa table. Nawalan na din ako ng chance para itanong sa kanya… but before kami maghiwalay sinabi ko sa kanya…

 “Can we talk? Just the two of us.”

“Ah, pwede mamaya na lang pinsan? May practice ako ng tennis mamayang pagka-awas, dito sa school, hindi kasi ako na ka practice kaninang umaga tinanghali ako ng gising eh. Okey lang?”

“Ahh, Okey.Bye pinsan” Pagkatapos kong sabihin yon ay ginulo ko ng bahagya ang buhok nya at naghiwalay na kami.

Royal PlayersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon