Chapter 9

9 0 0
                                    

[Cess POV]

Naghiwa-hiwalay na din kami sa court noong nagpaalam na si Ice dahil may practice pa daw siya ng basketball.

“Cess! Una na ko…sumama ako kina Angel at Mei para makita ka ng personal at mag-thank you sa ginawa mo.” ^__^

Dahil sa nasabi ni Ice,niloko na naman ako nina Angel at Mei. Na-awkward naman ako sa pangaasar ng dalawa dahil kasama parin namin si pinsan. Baka kasi sabihin nya kay mommy eh, alam nyo naman si Mommy ko hyper pagdating kay Ice.

“Shhhh! Tama na nga… hindi na kayo nahiya kay pinsan eh” bulong ko kina Angel at Mei

Maya maya pa ay nagpaalam na din si Jacob at nakisabay na si Mei at syempre hinatak nya si Angel, kasi kung hindi, hindi pa yun aalis kasi andito si pinsan.

Kami na lang dalawa ni pinsan ang natira at sumunod na umalis sa tennis court.

 Inihatid na ako ni pinsan hanggang bahay kasi madilim na sa daan.  Napagusapan namin ang mga nangyari sa amin sa araw na hindi kami nag kita, we catched up sa happenings sa schooling ko pati sa kanya. At habang naglalakad kami ay naitanong ko sa kanya kung bakit gusto nya ako makausap.

“Ahhh, wala naman. Na-miss ko kasi yung kwentuhan natin” ang sagot naman nya sa akin.

“Ah, akala ko naman kung anong seryosong bagay ang paguusapan natin”

…….

………..

Hanggang sa napagusapan namin sina Jacob, Ice, Angel at Mei.

[Chris POV]

“Si ice… ano yung sinasabi nya na nagawa mo sa kanya?” tanong ko kay Cess na para bang nagseselos na naman ako.

“Ahh, yun ba? Nagkaproblema kasi si Ice kaya dinamayan ko lang” ^_^

“Ganun? Ehh bakit inaasar ka nina Angel at Mei dun?”

“Nako, wala yun pinsan.. mahilig lang talagang mang-trip yung dalawang yun… AND best friend na ang turing ko kay Ice.”

--------------best friend? Pano na ko? :(

“ Ouch! May bago ka ng best friend”

“ Hahhaha,ikaw talaga pinsan. Kahit may bago na kong best friend ikaw parin naman ang pinaka the best na best friend/ pinsan.”

---------bwahahha! Mas lamang parin ako dun sa Ice na yun… ^__^

Napangiti ako ng abot sa tenga ko sa mga sinabi ni Cess. Wala naman kasi dapat ipagalala.. kaibigan lang ang turing ni Cess dun kay Ice na yun. Hindi na namin namalayan na nakarating na kami sa bahay nina Cess at pinagbuksan kami ng katulong nila.

“Pasok ka muna pinsan, matutuwa sina moomy at daddy kasi matagal ka na hindi nakakadalaw dito sa bahay.”

“Next time na lang, may gagawin pa din kasi ako eh. Bye. Goodnight”

Matapos iyon ay pumasok na si Cess ng bahay nila at ako naman ay umuwi na.

Royal PlayersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon