Chapter 10 Part 2

34 0 0
                                    

[Cess POV]

Pagkaalis ni daddy ay pumasok na si mommy at kasunod ang mga kasambahay namin.

“Anong ginagawa mo dito ha?” takang taka na tanong ko kay Ice.

“Sabi mo gusto mong matuto mag basketball. At tuturuan mo ako mag tennis di ba.?” Sagot ni Ice.

Bumalik sa isipan ko ang conversation namin na iyon.

|(Flashback)|

P.E time namin noond Thursday habang nasa classroom kami at nag di-discuss ang teacher namin ng naguusap kami ng pabulong, hindi kami nakikinig kasi rules lang naman ng teacher namin ang sinasabi pati na kung anong ma cocover na lessons namin,  kasi naman frist meeting namin ng araw na yun.

“Cess…” pabulong na tawag sa akin ulit ni Ice

“Bakit?...” pabulong na tanong ko sa kanya habang eye to eye kami.

Maybinigay siya sa akin na papel at nakasulat ang…

|Gusto mo matuto mag basketball? Kasi may basketball pala tayo sa P.E I’m just wondering if you want me to teach you before the lesson.|

“Ice…” pabulong kong tinawag si Ice at binigay ang papel na may sagot ko na…

|Sure, Thanks Ice. Ahm, tuturuan na lang kita mag teannis para fare. Gusto mo?|

Nakita kong ngumiti si Ice at tumango sa akin.

(End of paper conversation namin)

|(End of Flashback)|

“Pero, matagal pa naman bago ang basketball lesson natin ah, ang aga mo naman ata para turuan.” Giit ko kay Ice habang papasok ng bahay namin.

“Bakit may gagawin ka ba? Sige na nga next time na lang.” sumibangot ang mukha ni Ice at akmang aalis na  g bahay.

“Teka nga! ” pinigil ko si Ice gamit ang kamay ko na nasa braso nya. Nakita ko naman na ngumiti ito.

“Wala naman akong gagawin eh*pout*. Tara na pumasok na tayo sa bahay.” Agad kong binitiwan si Ice at tumalikod sa kanya habang nag inside smile naman ako.

[Ice POV]

Nang pigilan ako ni Cess ay hindi ko na pigilan na ngumiti hanggang sa pagpasok namin sa bahay nila.

Namangha naman ako sa mga nakita kong muwebles at kagamitan sa bahay nina Cess. Naisip ko na ibang iba ito sa Cess na nakikita ko sa school, simple lang siya kahit fashionista, Oo sa isang tingin ay mamahalin ang mga gamit pang eskwela nya pero simple pa din ang mga ito hindi katulad ng nakikita ko ngayon sa loob ng bahay nila. May fire place at chandelier sa may sala nila.

 Habang inililibot ko ang mga mata ko sa sala nila ay natigil ito ng kausapin ako ng mommy niya.

“Ice…? Right?” paglilinaw nito sa akin.

“Opo” tumango ako at ngumiti.

“Kumain ka na ba? Kung hindi pa magsabay na kayo ni Cess Kumain. Halika na kayo nagpahanda na ako.”

“Ah, Ma’am tapos na  po ako kumain.”

“Tita Irine o kaya Tita na lang ang itawag mo sa akin.” Sabay ngiti at tumingin kay Cess na parang kumindat pa dito.

“Ah. Ice kahit mag juice ka na lang, sabayan mo na si Cess. Nalulungkot kasi si Cess kapag walang kasabay.” Pabirong sabi sa akin ni tita.

Royal PlayersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon