Chapter 10 Part 3

14 0 0
                                    

[Ice POV]

After ako turuan ni Cess ng Tennis at makapaglaro ng isang set of game ay nagpahinga na muna kami at saktong dinalhan na kami ni Tita Irine ng kaluluto lang nyang cookies.

“Guys mag merienda na muna kayo, masarap to.” Sabi ni tita habang kasunod ang mga katulong na may dalang orange juice at iba pang snacks.

“Wow! Thanks Mommy.” Sabi ni Cess na may matamis na ngiti.

“Ah, maiwan ko muna kayo ha, Okey lang ba?”

“Saan po ang punta nyo tita?”

“Ah, yung mga natira na pagkain ibabahagi ko na sa mga batang nasa langsangan, natapos na din kasi kami sa pagbabalot.”

“Ah… Ingat po kayo tita.”

“Ingat mommy”

“I’ll be back before lunch para maipagluto kayo. Cess take charge kay Ice, if you need anything ibinilin ko na kayo kay manang.” “Okey bye” sabay halik sa noo ni Cess at kumaway sa akin.

“Bye Po” napasabay kami ni Cess.

Naubos namin ang cookies sa ilang saglit lang dahil sa nagutom agad kami.

“Ready Princess?”

“Sure Prince”

---------------napaka- coincident ng mga pangalan namin ni Cess.

Sabay kaming napangiti at tumayo sa kinauupuan namin.

Tinuruan ko muna siya ng mga basic una sa dribbling ng bola. Mabilis din naman si Cess maka-pick-up ng sinasabi ko kaya nasabihan ko tuloy siya ng genius , kasi ang bilis nya matutunan ang mga sinasabi ko sa kanya, fast learner talaga itong si Cess.

Matapos ko siyang turuan ng iba’t ibang dribbling sa basketball ay biglang namang pagbagsak ng malakas na ulan.

“Ice yung mga gamit natin!”

We run towards to the bleachers kung saan namin iniwan yung mga rackets, tennis balls and my sweat jacket…. and we finally got their as we mainly lose our breath.

“Ice! Pano yung mga plates?”

“ Iwanan na muna natin! Let’s go! Baka magkasakit pa tayo”

Hinawakan ko kamay ni Cess at sabay na tumatakbo pabalik sa bahay nila pero lumalakas na yung ulan kaya ginamit ko yung sweat jacket ko as improvised umbrella, hinigit ko siya sa tabi ko para atleast hindi sya mabasa ng sobra. We run as fast we can and finally nakita kami ng mga katulong nila at pinayungan kami hanggang makapasok na kami sa loob ng bahay nina Cess at nagpunta sa living room.

”My Princess, towels po?”

Inabot ng kasambahay nina Cess ang isang malaking towel kay Cess at inabutan din ako.

“Manang salamat po, ah,.. hindi na po namin na kuha yung mga plato at baso sa labas, pasensya na po” sabi ni Cess habang pinapatuyo nya ang buhok nya gamit ang towel nya.

“Okey lang My Princess, ipapakuha ko na lang kay Alyssa.” Ngumiti ito at kaagad nagpakuha ng hot chocolate.

“My Princess?” tanong ko sa kanya habang nagpapatuyo din ako ng buhok.

“Ganun talaga ang tawag nila sa akin, halos sila na kasi nag palaki sa akin kaya mahal na mahal nila ako, at ganun din naman ako sa kanila.” Pagpapaliwanag ni Cess sa akin.

-----------------Not bad.. maswerte talaga si Cess sa mga taong nagmamahal sa kanya.

“Ah… My Princess…” pabulong kong inulit para hindi nya marinig.

Nakita ko na nilalamig pa din si Cess at ikinikiskis ang dalawa nyang palad. Kasabay nito ay dumating na ang hot chocolate na dala ni manang. Kaagad kong inilapat ang dalawa kong palad sa tasa, hindi naman sobrang init ng tasa kaya tolerable naman ang init. Pagkaalis ko ng palad ko sa tasa ay…

“My Princess…” inabot ko ang kamay nya at hinawakan ang mga palad nya para mainitan ito.

“Ah…” napangiti si Cess dahil sa mainit init ang palad ko, ramdam ko sobrang lamig ng kamay nya na para bang kabado.

“Thanks Ice…” may sasabihin pa sana siya ng biglang nagulat kaming dalawa dahil sa asa may pinto na pala ang mommy at daddy nya.

Napatayo kami ni Cess na hindi alam kung anong i-rereact at sasabihin dahil sa naabutan nilang hawak ko ang kamay nya.

“Mommy, Daddy” “Tito, Tita” sabay namin na pa bulaslas dahil sa kaba at sa kagustuhang mag paliwanag.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 04, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Royal PlayersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon