Chapter 4: 4th letter

37 0 0
                                    

Pagka pasok ko ng classroom pinuntahan ko si Jess. Dahil loner ako at si Jess lang ang malalapitan ko.

"Nakakainis! Wala akong kotse ngayon! Commute lang tuloy ako. Asar."

"Haha. Yan bagay sayo Celine! Para di ka kotse ng kotse. Tamad ka na raw kasi eh."

"Ewan ko sayo! Kaburaot!"

"Ay, nga pala. Diba kahapon di nagpadala ng letter si Mister Admirer mo? Eh ngayon? Nagpadala siya?"

"Onga noh. Ewan ko lang. Di ko pa natitignan ang aking mahiwagang locker eh."

"Weh? Baka ayaw mo lang sabihin sakin.."

"Gaga! Edi sana nagch-change topic ako. You know me, biotch."

"Savagaaaay!" Tumingin nalang ako sa binatana. Ang dilim sa labas eh. Wala naman sa balita un ah? Lol. Baka nanuod ng balita.

"Ina mo Celine. Wag ka nga magsenti dyan. May tingin-tingin pa sa biinata epek. Ano ka? Nasa music video? Tantanan mo ako Cel."

"Ewan ko sayo! Andyan na si Sir. Makinig ka nalang. Fucha." Mabilis umikot ung oras dahil.. UWIAN NAAA!

Naglakad na ako papuntang gate, kaso nahulog ung locker key ko. Ang cool kaya ng locker namin. Pwedeng de pindot ung code para maunlock. Speaking of locker, ung letter nga pala. Dumeretso ako agad dun sa locker ko. Pagka bukas ko, isang bear ang nakita ko at sa may tiyan ng bear may letter. Kinuha ko ung bear tas hinug yun. Ang soft! Nakakagigil ng sobra. Sabay kinuha ko ung letter at binasa.

'Sorry kung wala. Alam ko kasi meron akong pinalagay eh. Well, eto pala ung advice.

               Ang love parang MRT. Di mo kailangan makipagsiksikan kung meron namang next. Kailangan mo lang magantay.'

Huwaw nomon. Antaray! Sabagay tama nga naman. Bakit kailangan makipagsiksikan kung may next naman. Kailangan lang ng mahabng pasensya. Oha! Nahawa! Hahaha. Kaya lumabas na ako ng school.

Umuulan naman. Wala namang nadaan na Jeep rito papunta samin at walang tricycle na nadaan dito para makapunta sa Sesame Street. Kaya no choice. Naglakad ako papunta sa may kanto kasi may dumadaan-daan rin namang jeep dun. Kanina nga anlayo ng binaba ko kaya naglakad pako papunta sa school.

Nagpara ako ng jeep. Di naman ako pinansin. Ts. Nagpara ulet ako. Kaso pagka rating nung jeep punong puno sa loob.

"Oh sakay na! Kasya pa dalawa!" -Driver

"Maghihintay nalang ulit ho ako!"

"Bahala ka iha!" Sabay umalis na siya. Eh ang sikip kaya! Alangan namang pagsiksikan ko sarili ko. Di na nga ako kumportable, nahihirapan pa ako.

Sabay may dumaan ulit na jeep. Nagpara ako, tumigil siya sa harap ko. Sa sobrang bilis niya magpatakbo tumalsik ung tubig sa harap ko. Eh kadiri nasa lupa na eh! Naging gray tuloy ung blouse ko. Buset!

"Sorry miss.. Sakay na!" Medyo binata ung driver. Nagpacute pa eh!

"Pacute ka pa dyan! Lul! Umalis ka na nga!" Taboy ko dun sa driver. Nakakaburaot eh! Buti nalang walang pasahero, walang nakarinig sa sinabi ko. Sayang nga lang kasi walang pasahero. Pero baka kung saan naman ako dalhin nun. Umalis na agad ung Jeep, May humintong kotse sa harap ko. Nice, ganda ng kotse. Kainlab. Biglang bumukas ung pinto sa may driver. May lumabas na lalake..

Ty-tyler.. O_______O

"Celine! Sakay na!" Ang pogi niya! "Huy Celine." Ang hot niya sa wet look. "Celine!" Bigla akong nagising sa katotohanan. "Sakay na!" Sabay sumakay ako sa kotse niya.

7 letters of love. :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon