Chapter 5: Knowing the Boys

87.4K 1.4K 77
                                    

Dedicated to Lalabz08 hihi siya kasi ang kauna unahang naka-chat ko sa wattpad :))

CLOUD's POV

Grabe sino ba yung mga babaeng yun? lalo na yung kausap ni sky (si nana tinutukoy ni cloud) grabe aaminin ko mejo nakaramdam ako ng takot dun sa huling sinabi niya.. lalo pa siguro kung sakin siya nakatitig, nakita ko kung paano namutla si cael kanina..

Sino ba kasi sila??

Aisssh! kakainis naman! ay onga pala! di pa nga pala ako nagpapakilala sa inyo ako nga pala si Cloud Gonzales. 19 years old. pang 12 ang family ko sa pinaka mayaman sa buong mundo. Ako ang nagpapaingay sa grupo namin, ibig sabihin masayahin ako, madaldal at mejo maiksi ang pasensya haha! lahat kami takaw gulo pansin niyo naman kanina, pero hindi naman talga sasampalin ni sky yung nerd kanina panakot lang nya yun hindi kami napatol sa babae, minsan may inuutusan lang kami para turuan ng lekson yung babae kaya masasabi kong hindi kami nananakit ng babae.. kaso umepal bigla yung mga hero na yun tss.. gangster nga pala kami kaya kami kinatatakutan sa school kami ang Death Gang, rank 2 sa buong mundo rank 1 yung Royalties Gang, hindi pa namin sila nakikita kahit kailan.

nandito pala kami sa room namin hinihintay yung prof tss antagal nga eh 2nd year college nga pala kami taking Business Management lahat kami eto ang course para mahandle namin yung business namin pag ka graduate namin.. habang wala pa ung prof papakilala ko yung mga tropa ko..

Prince Kurt Gregory. 19 years old. 2nd richest family in the whole world. Cold, masungit, suplado heartbreaker din yan hahah! mayabang din, maangas, madalang tumawa yan pero pag kami kami lang nakikiride din sa amin yan, mahilig din man trip yan, my pagka playboy. Meron siyang naging first love kaso iniwan siya non 5 years ago. umaasa siya na babalikan siya non pero hanggang ngayon wala pa din kaya siya naging ganyan. Prince tawag namin sa kanya, at kung gusto mo pang mabuhay wag na wag mo siyang tatawaging Kurt hindi ko alam kung bakit ayaw niya nun. Siya pala ang leader namin Duze ang tawag namin sa kanya pero sa gangster world kilala siya sa codename na Black Heart kasi pag nakikipaglaban kami wala siyang sinasanto kahit nagmamakaawa na yung kalaban, para sakanya kasi kung manghahamon ka tapusin mo hindi yung susuko ka. kaya yan ang bansag sa kanya meron siyang tattoo sa right shoulder niya. at ako na nagsasabi sainyo na malakas siya.

Sky Buenavista. 19 years old. 5th richest family in the whole world. Masungit, Hot headed, snob, cassanova din to. Never pa siyang nagkaroon ng serious relationships. siya ang kanang kamay ni Prince. Sa gangster world kilala siya bilang Dark Angel bale siya ang rank 2 sa gang namin. Meron siyang tattoo sa left arm niya.

Mikko Saga. 19 years old. 6th richest family in the whole world. Tahimik, Mahilig matulog, matalino, bookworm, suplado, hindi interesado sa mga babae pero hindi siya bakla hahaha!! Sa gang namin rank 3 siya. Kilala bilang Silent Death alam niyo na siguro kung bat ganyan codename niya no? hahah! Meron siyang tattoo sa right arm niya.

Ako ang rank 4 sa gang namin :) Silent Killer ang code name ko, kasi pag nasa laban kami wala kang maririnig na kahit ano sa mga nkakaharap ko at bigla bigla din akong sumusulpot. May tattoo ako sa may bandang wrist sa right pero sa ibabaw hanggang elbow ang laki ng tattoo. gets niyo? AHAHHAH! sana naman hirap kasi mag describe eh

Josef Cullen. 19 years old. 13th richest family in the whole world. Sef ang tawag namin sa kanya. Maangas, Mahangin, playboy, prank master, pasaway. Rank 5 siya sa gang namin. Dark Killer ang codename niya. Meron siyang tattoo sa baba ng collar bone niya.

Black Rose Shooter (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon