Chapter 3

6 0 0
                                    

Nagdikit ang kilay ni James.."kilala mo sya?"

"Oo, actually, nakikita ko sya tuwing may party. Nung mga bata pa kami. May gusto nga ako sa kanya nun."

"May gusto ka sa kanya?"gulat na tanong ni James.

He smiled."Yes, I like her. Who wouldn't. She's very beautiful."

"Babeng-babae ba sya?"

"Zoey is like that. Kahit nung bata pa kami. Ang tagal ko syang hindi nakita. Bukod sa ilang taon din akong nakatira sa US, hindi talaga sya mahilig makihalubilo."

"Parang mas mahal pa yung Nike air-max nya kesa sa rubber ko ha!"natutuwang sabi ni James at naalala ang neon pink nike airmax na suot ni Zoey.

"Ganun lang talaga yun. Pero aminin mo, maganda sya diba?"

Bigla ay parang kumislap ang mata ni James. Ngumiti na parang nangangarap. Naalala ang magandang mukha ni Zoey kahit na walang make-up. at sumagot kay Bryan ng "Oo, maganda sya."

"Pare, wag mo na akong taluhin."nakatawa si Bryan.

"Tsss. Hindi no."sabay ngiti.




NEXT DAY (PE)

"Ngayon naman, have a meeting with your partner. Kakausapin nyo kung anong dance type ang gagamitin nyo. And after our class, each pair will report their decision to me."sabi ng teacher nila.


Wala pa ang partner nya. Sige, maghihintay pa sya ng konti.


After 30 minutes....


"Miss Montanez, where is your partner?"ang PE teacher nila.

"He's not yet here, ma'am."

"Hindi mo ba kinuha ang number nya kahapon?"

"Hindi po eh."

"Kunin mo nalang sa kanya mamaya. Kung ganyan lang baka pareho kayong bumagsak."



Nainis pa tuloy sya lalo. Bumagsak??? Hindi pwede. Nakakahiya. Si Zoey Montanez na valedictorian grumaduate, babagsak sa PE subject??? Hindi yun pwede.



Bumukas ang pintuan na para bang matatanggal na ito sa hamba nito. Pumasok si James na tinanggal ang jersey.... nagtilian ang ibang babae na ikinangiti naman nya.

"Quiet!"sabi ng PE teacher nila.

"I'm sorry for being late ma'am."si James na nagmamadali.

"Iaabsent na sana kita, Mr. Herrera. Buti nalang at discussion lang ang araw na ito with your partner. At please magdamit ka nga."


Sa tingin nya ay galing ito sa basketball court, at sa corridor nalang nagbihis dahil sa pagmamadaling makaabot sa klase nila.


Tumabi ito sa kanya na isinusuot palang ang damit.

"What's the agenda for today?"pagbati nito sa kanya.

"Marunong ka bang bumasa ng oras?"naiinis nyang tanong.

"Yes. Why?"

"Eh, bakit palagi kang late? At halos patapos na ang klase saka ka lang papasok."

A Girl Who Don't Believe in LoveTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang