Tumakbo sakin si Joaquin pagka'baba ko sa kotse ni Jai.
"Anong ginawa sayo ng mokong na yun?" -joaqy
"Wala naman. Pinakiusapan ko syang wag kang tanggalin pero nagmatigas sya." -shar
Nanghihinayang ako. Dahil skin kaya nasira ng grupo nila
"Okay lang yun, Shar." -joaqy
"Hindi okay yun e. Kasi ako yung dahilan ng pagtata...." -shar
"Sssssh!" -joaqy
Nagulat ako ng bigla syang nag ganun. Naging seryoso kasi sya sa pagtingin sakin.
"Sharlene, may sasabihin ako. Alam ko hindi ka maniniwala pero totoo 'to. Sana hindi ka lumayo sa sasabihin ko." -joaqy
"Nakakakaba ka naman! Ano ba yun?" -shar.
"Sharlene, gusto ko sanang sabihin sayo na g....." -joaqy
Sasabihin na dapat ni Joaquin yung gusto nyang sabihin pero bumusina si Jairus. Nandun pala sya kanina pa sa gilid ng puno.
*Beeeeep, beeeeeeeeeep!*
"Ay! Sino ba yun?" -shar
Nagulat ako at si joaquin naman, nagalit sa naka'kotse.
"Ano ba?! Anong problema mo?" -joaqy
"Ikaw! Ikaw problema ko Joaquin. Layuan mo na girlfriend ko." -jai
"Baka nakakalimutan mo, hindi mo totoong girlfriend si Sharlene? Nagpapanggap lang kayo!" -joaqy
"Tumigil na kayo, pwede ba?! Aalis nalang ako magisa para hindi na kayo nagkakagulo ng ganyan! Nakakainis na kayong dalawa! Lagi nalang ganito." -shar
Nagulat nalang ako nung nasabi ko yun sa sobrang inis. Puro dada! Nakakarindi na sa tenga.
*Sa bahay..
Tumatawag si Jairus.
"Ano?!" -shar
"Sorry na, Shar. Walang ititigil na pagpapanggap ha? " -jai
"Nagsasawa na ako Jai sa kakulitan nyo ni Joaquin." -shar
"Sige, lalayo na ako sa kanya, wag lang ganito. Lalo't malapit na natin mapakita kay Alexa na hindi sya para saken." -jai
"Sige, pero wag mong tatanggalin si Joaquin sa grupo nyo at makipagbati kana sa kanya." -shar
"Ayoko!" -jai
"Ayoko na din! Bye" -shar
"Teka lang uy, oo na. Sige na!" -jai
Nakipagbati na nga si Jairus kay Joaquin sa school. Hindi na din natanggal si Joaquin. Kaibigan ko yun. Malapit ang loob ko skanya kaya ayokong may kaaway sya.
-TO BE CONTINUED