Continue..
"Sharlene!" -red
"Oh, kamusta Joaquin? Okay na ba kayo ni Jairus?" tanong ko.
"Ah, oo. Kanina lang sya nakipagbati. Nasa grupo na ulit ako." -red
Red - nickname ni Joaquin.
"Buti naman. Sige, alis na ako. May klase pa ako eh. See you around." -shar
"Hatid na kita!" -red
"Di na :)" -shar
"Hatid na kita, wag na pasaway." -red
"Sige na nga! Ang kulit mo eh." -shar
Naihatid na ako ni Joaquin dito sa classroom ko.
"Salamat, Red." -shar
"Red?" -red
"Oo! Red gusto mo itawag sayo nang iba diba?" -shar
"Ahmm, oo. Sige, sige. Alis na ako ha? Ingat ka. Bye" -red
"Sige, ikaw din. Bye" -shar
Naka-alis na si Joaquin ng may mga babaeng bumato ng mga binilog na papel sakin.
"Aray! Ano ba?! Sino..." -shar
"Oh, ano? Malandi ka! Pinagaaway mo si Jairus at si Joaquin. Muntik pang masira grupo nila dahil sayo!" -girl1
"Dapat sayo, sinusunog eh. Malandi ka kase!" -girl2
"Tumigil na kayo. Ano bang ginagawa nyo?" -shar
Umalis ako at tumakbo nun. Iyak ako ng iyak at pumunta sa bodega ng school. Di ako makatahan kasi hindi ako sanay na may nagsasalitang iba sakin ng mga ganung salita.
Jai's POV
Papunta na ako ng room. Nakita kong nagkakagulo at nagsisigawan yung mga babae dun sa harap ng room nila Sharlene. Nagalala ako kaya nagmadali akong pumunta pero may nakita akong 2 babae na kung maglakad, pang kontrabida.
"Anong nangyayari?" -jai
"Yung girlfriend mo, pinagbabato at pinagsabihan ng mga masasakit na salita." -girl
"Huh? Sinong gumawa?! Nasan si Sharlene?!" -jai
"Tumakbo. Di namin alam kung saan pumunta." -girl
"Puta naman oh! Sharleneeeee! Sharleneee!" -jai
Dumating si Joaquin.
"Pre, nasan si Sharlene?! Anong nangyare?" -red
"Hindi ko nga alam eh. Tumakbo daw palayo pero wala namang nakakita kung saan tumakbo." -jai
"Alam ko, ikaw may kasalanan lahat neto eh! Pag may nangyaring masama kay Sharlene, humanda ka sakin." -red
"Ako pa?! Ako pa talaga ha?! Wala kang karapatan! Tingin mo gusto ko 'to? Magbabayad talaga nagpasimuno lahat ng 'to!" -jai
Hinanap ko si Sharlene pero diko talaga nakita. Sobrang nagaalala na talaga ako. Magsasarado na itong school pero wala pa rin sya.
---
Shar's POV
"Ayoko na. Jairus, ititigil ko na talaga 'to. Ayoko na! *sniff*" -shar
May narinig akong tumatawag ng pangalan ko.
"Jai? Joaquin?" -shar
Bubuksan ko na sana yung pinto pero naka'lock na. May naglock sakin dito.
"Jairus?! Jai, tulungan mo ako! Jairus, nakulong ako dito sa bodega!" -shar
---
Jai's POV
Hinahanap ko parin si Sharlene pero hindi ko talaga mahanap.
"Sharlene! Nasan kaba? Magsalita kana oh. Nagaalala na ako sayo!" -jai
Pero may nadinig akong sumisigaw malapit sa ilalim ng hagdan sa bodega.
"Sharlene?" -jai
Pumunta ako sa bodega at nakita ko nga si Sharlene.
"Jai, tulungan mo ako. Nakulong ako." -shar
"Paano ka nakulong dyan?! Kukunin ko lang yung susi. Intayin mo ako." -jai
"Bilisan mo Jairus, natatakot na ako." -shar
----
Shar's POV
Umalis si Jai kasi kinuha nya yung susi nitong pinto. May narinig ulit akong sumisigaw. Akala ko si Jairus na.
"Jairus! Bilisan mo, natatakot na ako." -shar
"Sharlene? Anong ginagawa mo dyan?" -red
"Joaquin, tulungan mo ako. Natatakot na ako." -shar
"Sige, ako bahala. Lumayo ka sa pinto, sisirain ko." -red
Nabuksan nga ni Joaquin yung pinto at agad ko syang niyakap sa sobrang takot ko.
"Salamat, Joaquin. Takot na takot ako." -shar
Iyak talaga ako ng iyak. Halos hindi na ako makapagsalita.
---
Jai's POV
Ayos, nakuha ko na yung susi.
"Sharlene, ito na yung su...." -jai
Nakita kong magkayakap si Sharlene at Joaquin.
"Ano 'to? Sila na ba? Bakit ganun? Joaquin, kaibigan kita." -jai
Umalis na ako at tumakbo sa kotse ko. Sharlene, mahal na mahal kita.
Kinabukasan...
"Joaquin, salamat sa pagligtas sakin mula sa nakakatkot at madilim na bodega na yun ha? Sorry, nayakap pa kita." -shar
"Ano ba kasing nangyari?" -red
"Ah, wala! Wala namang nangyari eh. Tara na, male-late pa tayo. Bilisan nati lakad." -shar
Huminto si Red at sinabing..
"Sharlene?" -red
"Ano? Tara na!" -shar
"Anong nangyari?" -red
"Maiiyak lang kasi ulit ako eh. Sige na nga! May 2 babae na bumato sakin ng papel at sinabihan akong malandi dahil kayong dalawa ni Jairus, pinapatulan ko." -shar
"Sino sila?!" -red
"Sabi ko na nga ba eh. Dapat dko na sinabi sayo. Hayaan mo na sila." -shar
"So anong balak mo?" -red
"Wala. Normal life ulit." -shar
"Sharlene! Bilisan mo, may kailangan kang makita!" -girl
"Huh? Ano yun?" -shar
"Basta tara na!" -girl
Nakita kong nakaluhod yung mga babae na bumato sakin at nagsabing malandi ako.
"Sorry Sharlene. Napagutusan lang naman kasi kami eh." -girl2
"Sinong nagutos sa inyo?" -shar
Naghilian pa yung dalawa kung sino magsasabi.
"Sino?!" -shar
"Ah, eh. Si ano kasi eh. Si ano... Si Alexa!" -girl1
"Bakit?!" -shat
"Hindi namin alam eh. Pasensya na talaga Sharlene. Sorry na please?" -girl2
"Sige, tumayo na kayo dyan. Okay na sakin yun." -shar
"Slamat, Sharlene!" -bothgirls
Tumakbo na sila pagkasalamat nila.
---