Chapter 8: I am not freaking jealous!

97 3 0
                                    

Napamulat ako dahil sa sakit ng aking ulo.

"Shit. Fuck this hangover." Ugh. Umungol ako dahil sa kirot.

Napahilamos ko ang aking mukha saking mga kamay.

Dahan-dahan akong bumangon at tumayo patungong banyo.

I glanced myself in the mirror.

Eto na nga ba ang sinasabi ko.

Binuksan ko ang kabinet at kumuha ng dalawang Advil sa box ng Medication kit. Dali-dali ko naman itong ininom.

Naghilamos muna ako bago bumalik at naupo sa gilid ng kama.

"Nick! Gising na! Malalate ka na!" Narinig ko ang malakas na pagkatok ni Ate sa labas ng pinto ng aking kuwarto.

Nang hindi ako sumagot, marahas niyang binuksan ito at pumasok.

Nakita niya akong pinipisil ang aking templo.

"O ano? Hangover? Sabi sayong wag nang ubusin yung beer kagabe eh. Hindi ka kasi nakikinig. Yan tuloy!"

Pumikit ako ng mariin.

This is what I hated the most, kapag naparaming inom ko, kinabukasan, hangover ang kapalit nito.

Tumayo ulit ako.

"Papasok ka pa ba?" Concern na tanong niya.

"Oo. Mas gusto ko pang makinig sa klase kesa makinig sa mga pangaral mo." Pang-aasar ko sa kanya.

She glowered at me. "Ewan ko sayong bata ka! Pagkatapus mong magbihis, lumabas kana para kumain. Nag-luto ako ng almusal."

Tumango lang ako at pumasok ulit ng banyo upang maligo.

Ayokong umabsent ng klase. Hangover lang 'to. Mapapawi din naman to mamaya. At kahit noon paman, gan'to na 'ko. Alam kong walang problema yung mga magulang ko pagdating sa pag-aaral ko.

Matapus kong magbihis, lumabas na 'ko dala yung bag ko.

"Pasok na ho ako Ate!" Pagtawag ko sa kanya.

"Hoy!" Lumabas siya galing kusina at may dalang pitsel na puno ng tubig. "Kumain ka muna bago umalis, ayokong magutom ka!" Inilapag niya yung dala-dala niya sa mesa na lahat ay nakaready na.

Tinignan ko ang aking orasan. 7:08. Kelangan ko pang bumiyahe. Kapag kumain ako, malalate na ko neto.

"Wag na Ate. Late na ho ako." Pagpapaliwanag ko. Aakmang aalis na sana ng pigilan niya ulit ako.

"Wag matigas ang ulo, Nickolai!" Nagagalit na 'to.

Bumuntong-hininga ako.

Bigla naman sumimangot mukha niya. Dahil siguro nahalata niyang napipilitan lang ako. "Sige. Umalis kana. Nag-luto na nga ako, tapus tatanggihan mo lang." Tinalikuran niya ako.

Tumawa ako at nilapitan ang kanyang likod sabay hawak sa kanyang dalawang balikat.

"Si Ate... nagtatampo." I teased her while beaming.

Siniko niya ako. "Ikaw kaya sa lugar ko, nag effort na nga yung tao tapus tatanggihan lang. Hmp!"Pagtataray niya.

"Eto na nga o, kakainin na." Sumubo ako as I licked my lips, relishing the tastefulness. "Hmmm. Sarap ng itlog!" Ngumiti ako at nag thumps up pa.

She gave me a blank stare. "Niloloko mo ba ako? Ha?"

"Hindi ah. Paano kita lolokohin, eh malakas ka sa'kin... Maupo na nga tayo. Malalate na 'ko neto dahil sa pagtataray mo."

My Love's Perfect SchemeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon