Chapter 2
Nandito kami ngayon sa internet cafe nagreresearch. Ang dami daming assignment at kailangan ko pa bumili ng libro sa Algebra. Kasama ko ngayon ang mga mongo friends ko, buti na lang classmates ko pa rin sila. Iisang computer lang nirentahan namin, si Paolo ang nakaharap sa computer at kami ang nasa likod nya. Text lang kami ng text ni Michelle sa aming mga textmates. Boring kasi eh.
"hay.. kaka simula lang ng klase daming assignments at librong bibilhin" sabi ni Aman. Pinapababa nya boses nya para boses lalake daw sya
"oo nga, mukhang mahirap ang Algebra. Huhu. Sabay tayo mamaya bili ng book ha?" pag sang ayon ni Nicka. Pinisil pa ni Aman ilong ni Nicka bilang pag sangayon
"oo nga, naloka ang ganda ko sa dami. Hoy! Kayong dalawa diyan tumulong nga kayo dito?" sigaw ni Paolo
" ano naman maitutulong namin? Iisang computer lang ang gamit natin para makatipid. Kaya mo na yan" sagot ko
"Gaga, Dun ka sa kabilang computer para mabilis tayo dito."
"ayoko nga. Wala akong pera pambayad"
"ano? Sampung piso bawat oras ang renta. Napaka kuripot mo pag school related na gastos pero pag pang load may pera ka"
"eh kasi masaya ako pag may katext eh. Ene be?"
"kukurutin kita"aaksyon na kukurutin ako ni Paolo. Ako naman umaaksyon na nag kukung fu ang kamay tapos nakataas ang ang paa.
"ooooppps.. wag na kayo mag away. Sige na Amber tulungan mo si paolito ako na magbabayad" singit ni Aman. Buti pa si Aman mabait
"yehey! Open ko friendster ko" sabi ko
"ako din." Sabi ni Michelle
"hoy hoy hoy kayong dalawa tulungan nyo muna ako bago kayo magbukas ng friendster nyo" pagkontra ni Paolo. Kahit kelan talaga kontrabida ito
"oo na, oo na" pagsuko ko. Di matatapos kasi ang bangyan pag di sya masunod.
BINABASA MO ANG
Care to text?
Non-FictionKwento ng babaeng mahilig makipagtextmate. Niligawan thru text at sinagot thru text Tumagal sila ng ilang taon ng kanyang boyfriend. Nawala na rin ang pagkahilig niya sa text simula ng naging sila. Ngunit tulad ng ibang magkasintahan dumaan din sila...