Chapter 4
Nakasimangot akong bumaba ng hagdan papuntang kusina. Nakabihis na ako at ready na for school. Pero parang tinatamad ako pumasok. Ayokong makita mga pagmumukha ng mga kaibigan kong mga may topak. Ako talaga ang pinagtripan kagabi. Huhu
Alam mo yung sobrang kinikilig ka na, may pa gulong gulong pa sa kama sa sobrang kilig. Tapos nag iimagine ka na ng kahit ano tulad ng nagpropose sya sa akin habang nakaharap sa dagat at palubog ang araw at sabihin nya "Amber, you're so pretty. Matagal na kitang gusto. Pwede ba kitang maging girlfriend?". Tapos habang iniimagine ko yun ang mata ko nagtitwinkle twinkle. Tapos pinagtripan ka lang pala ng mga kaibigan mo.
Sh*t lang di ba? Para akong hiniwalayan ni Xymon kahit hindi ko pa boypren. Huhuhu. Wala akong gana pumasok sa school. Hindi na rin ako nagreply sa mga text messages this morning.
Nadatnan ko si Mama sa baba na naghahanda nang almusal. Nasa mesa na si Papa umiinom ng kape habang nagbabasa ng newspaper. Only child ako kaya spoiled ako konti. Konti lang
"morning" bati ko. Pabagsak akong umupo at kumuha ng kanin at corned beef.
"Good morning future nurse. Oh! Bakit nakasimangot ka?" bati ni Papa nilapag nya ang newspaper sa mesa at tumingin sa akin.
"wala po Papa. Nabadtrip lang ako kagabi"
"bakit naman iha?" nag alalang tanong ni Mama
"kasi po pinagtrpan po ako nila Amanda kagabi. Akala ko po katext ko na si Xymon"
"Xymon yung crush mo?" sabay na tanong nila Mama at Papa. Sabayang pagbigkas ba ang trip nila?
"opo. Si Xymon Von Reyes." nakanguso na sabi ko
BINABASA MO ANG
Care to text?
Non-FictionKwento ng babaeng mahilig makipagtextmate. Niligawan thru text at sinagot thru text Tumagal sila ng ilang taon ng kanyang boyfriend. Nawala na rin ang pagkahilig niya sa text simula ng naging sila. Ngunit tulad ng ibang magkasintahan dumaan din sila...