Chapter 7

11 0 0
                                    


Chapter 7

Malapit na ang acquaintance party ng college namin kaya nandito kami ng mga mongo friends ko sa mall para bumili ng susuotin .

"ano ba ang isusuot mo Amber?" tanong sa akin ni Michelle

"hindi ko pa alam eh. Siguro black dress lang na hanggang tuhod ang haba. Pwede naman yun di ba? Little black dress daw tawag dun."

"oo pwede na yun. Ako gusto ko magpink dress" – Michelle

"ako mag little puple dress ako" singit ni Nicka

"ewan ko sayo nicka! magdedress ka na baklang Amber? Sa wakas babae ka na!" -Paolo

"Tse! babae naman talaga ako ah! Oi bakla kaw mag make up sa akin ha? Dun na lang kayo sa bahay mag ayos para sabay na tayo" yaya ko. Nahihiya kasi ako pumunta ng mag-isa sa venue tapos naka dress pa ako. Sa isang hotel gaganapin ang acquaintance party from freshmen to senior nursing students ang mga dadalo.

"sige. Tapos dun kami matulog sa inyo pagkatapos ng party"-Nicka

"bet ko yan. Agree ba kayo Michelle? Amanda?" tanong ni Paolo

"oo naman. Basta kasama si sweety"-Aman sabay akbay kay Nicka

"sige. Magpapaalam na ako kila Mama. Aalis kasi sila bukas eh. May 2 days seminar si Papa sa Cebu, isasama niya si Mama." – Michelle

"sige sige ako din magpapaalam na rin ako mamaya kila mama at papa na dun kayo matutulog sa bahay this Friday" - Ako

Pumapasok kami sa mga boutiques para magtingin tingin ng mga damit. Tapos pag may nagustuhan kami sinusulat namin sa papel tapos babalikan lang namin pag naka decide na kami kung saang boutique bibili.

"oi ito Amber o. ang ganda! bagay to sayo. Black dress tapos paballoon ang palda. Hindi tube, halter style. Naku! Luluwa ang mata ni Xymon pag nakita kang suot nito." –Paolo

"tsk. Eh di naman niya ako makikita na suot yan eh. Nursing acquaintance party naman yan hindi buong school. Gusto ko nga sana makita niya para magandahan siya lalo sa akin.. hahahah"

"ipagatuloy mo yang imagination mo Amber ha? Suportahan ta ka!" – Aman

"ahahaha.. oo nga Amanda girl. Nag imagine agad sa sinabi ko. Pilingerang froglet!" – Paolo

"amanda girl ka diyan! Tuktukan kita diyan. Ano? Bakla!" – Aman

"Aba! Girl ka naman talaga ah! Gusto mo ata ng away ah. Ano gusto mo? Sabunutan?paramihan ng buhok na makukuha sa kili kili?" – Paolo

Pumasok na ako sa fitting room at sinukat ang napiling dress ni Paolo, habang patuloy pa rin ang bangayan ng dalawa. Pumasok na rin si Michelle sa katabing fitting room para isukat ang pink tube dress na may sweetheart neckline. Rinig ko ang malakas na tawa ni Nicka dito sa loob.

'aba! Bagay nga sa akin. Talagang magaling pumili ng damit ang bakla ah!'

Lumabas na ako ng fitting room. Nauna na pala sa akin si Michelle. Ang ganda nya sa pink dress na napili nya.

"wow! Michelle, bagay na bagay sayo" puri ko kay Michelle

Tahimik lang sila nakatingin sa akin at ni isa walang kumurap

' anong problema nila? Hindi ba bagay sa akin? Mukha ba akong mangkukulam?'

"hoy! Anong nangyari sa inyo? Bakit kayo napatulala? Di ba bagay? Hoy! Magsalita kayo" tanong ko

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Care to text?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon