[1]

65 5 4
                                    

Isa akong jerk. A big one. Alam ko iyon at sa hindi ipinag mamalaking way. Hindi ko mapigilan kasi madali akong mag sawa sa babae. Naka ilang girlfriend na ako at bihira ang tumatagal. Then I met her.

11 months na kami at alam ko na hindi ako naging perfect boyfriend to her. Jerk nga ako hindi ba. Kahit na perfect girlfriend sya ay nagawa ko pa ding mag loko.

Alagang alaga ako sa kanya. Hindi n'ya ko pinaghihigpitan at hindi rin s'ya selosa. Pero wala, nag sawa pa din ako. Nag loko at napabayaan s'ya. Nakakagalit ako no!

Masyado kasi akong naging confident na hindi n'ya ko magagawang hiwalayan o magalit man lang. Sobrang bait n'ya, as in sobra! Yung kulang nalang ay pagsilbihan n'ya ako bilang hari ay gagawin n'ya. Ganun s'ya ka bait. Hindi ko din alam kung papano nag kagusto ang babaeng katulad n'ya sa gagong katulad ko. Kulang nalang ay Bible at ma-ili-linya na s'ya kay Jamie Sullivan sa A Walk To Remember. Sobrang matulungin n'ya din kasi sa iba. Lalo na sa mga orphans. Jamie-ng Jamie hindi ba?

Alam mo yung kantang Para Sayo ng Parokya ni Edgar? Bagay na theme song namin yun. Pinalayo ko s'ya nung una pero mapilit talaga. Napamahal din s'ya sa akin kaya niligawan ko s'ya. Hindi naman s'ya mahirap mahalin eh kaya nagtagal kami. Ako lang talaga ang may problema. At pinili n'yang mabahagian ng problemang ito.

Pero napuno na ata s'ya sa akin. A month before our anniversary ay nakipag hiwalay na s'ya. Di na daw nya kaya, baka daw ikamatay na n'ya next time na mahuli n'ya ulit akong mag loko. She caught me for like a lot of times kissing a girl. Kahit kami ay I still go clubbing with my friends and make out with some girls I'll met there or yung nag yaya. I have flings while I have a girlfriend. Jerk at its best. Hindi ko magawang maging loyal pero hindi ko sya mahiwalayan. Pero inaamin ko, I tried to became loyal, I just failed a lot of times.

Akala ko ay makakahinga ako ng maluwag nang nakipag break na s'ya sa akin like on my past relationships. Yun lang naman ang hinihintay ko, ang makipag break s'ya. Minahal ko din s'ya kaya I would rather make her dump me than me dumping her. No one dumps me, I dump girls and not the other way around. That's how cruel I can get. Pero iba sya. Kaya s'ya ang unang babaeng nakipag break sa akin. Unang nakipag break at unang tumagal ng almost a year. A bragging rights for her for sure.

Ang kalayaang natamo ko ay hindi kasing tamis ng inakala ko. Masakit pala. Bakit ako nasasaktan? Bakit ganito?

I tried to go to her house but wala na sila doon. Isang for sale sign nalang ang nakita ko na nakasabit sa tapat ng mataas na gate nila. Nasa kalagitnaan na ng second sem, bakit sila umalis? Dalawang lingo palang ang nakakaraan mula noong naghiwalay kami at second year college palang kami. Ako pa nga ang escort nya nung nag debut sya a month ago, kasabay din ng monthsary namin. Tuwang tuwa sya noon at medyo naiyak pa sa mga pinag gagawa ng nga pinsan nya na dance and video presentation. Madami syang pinsan and my jerk side get out that day too. I kindda flirt with her hot cousin back then. But still, she forgave me. Ang tanga ko talaga at ginawa ko iyon. I deserve a slap there, but she didn't. We just drown it all up with alcohol.

Pero bakit bigla naman ata ang pag alis nila? Ngayon ko lang napansin, akala ko ay iniiwasan lang n'ya ako kaya hindi ko pa sya nakikita ulit sa university after the break up, yun pala ay umalis na sila. Is it permanent? Parang dinudurog ang puso ko sa isiping iyon. Ang tanga ko. Bakit ang gago ko?

I got depressed. What have I've done? I just let the sweetest, most beautiful girl slip away. The perfect girl. What have I done? I'm such a mess. I don't know what to do.

I want to look for her but I don't know where to start. May pasok pa ako at hindi naman ako mayaman para mag hire ng investigator para mahanap s'ya. Sobrang yaman pa nila kaya baka sa America pa s'ya dinala ng mga magulang n'ya. Wala akong pera papunta doon at malawak iyon at lalo na ang buong mundo. Normal lang akong tao. Hindi mayaman at hindi mahirap. Yung pinang c-club ko ay madalas sagot ng mga babaeng nag yayaya sa akin. Minsan naman ay mula sa ipon ko sa mga padala sa akin ng dalawang ofw kong magulang. Ako lang magisa sa apartment, madalas n'ya akong puntahan at lutuan ng iba't ibang masasarap na putahe. Perks of having an hrm student girlfriend.

I'm crying. I feel so much wasted. I'm lost and broken. Lord, I know I have been a jerk but please, give me another chance. I promise to make it right this time. Alam ko na po ang mga pag kakamaki ko. She's the only one for me and I have a strong feeling about it. Bakit ko sya binasura? Bakit ko sya pinabayaan? Bakit ko sya hinayaang magsawa at lumayo? Bakit ngayon lang ako natauhan?

Natapos ang sem at hindi ko na sya talaga nakita. Accountancy student ako at ito nga, third year na next academic year, dalawang taon pa. Five years kasi ang BSA dito. I always wonder where she is, where she had went? At habang wala pa akong kakayahang hanapin s'ya ay itinuon ko nalang ang oras ko para mapatino ang sarili ko. Wala na akong naging girlfriend or fling after her. S'ya nalang ang gusto ko. I will improve myself para deserving na ako para sa kanya pag nahanap ko na sya. Mag papakayaman ako at gagawin ang lahat para mahanap s'ya at kahit pahirapan pa n'ya ako ay hindi ako aangal. Tatangapin ko ang lahat ng galit nya at mag babakasaling tangapin at mamahalin n'ya ulit ako.

Pero nakapasa na ako sa board exam ay hindi na talaga s'ya nag pakita. Nasaan ka na? Ganun nalang ba n'ya ako kakalinutan? Ang never nang mag pakita sa akin? Hangang dito nalang ba talaga kami? Should I just forget about her and finally move on too? Have she moved on? Baka hinihintay nya lang din ang susunod na pag kikita namin? But if ever I'd try to move on, I can't. I know that I just can't.

Son of A Jerk (A Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon