A/n
BABALA (asawa ni Babalu hahaha):
May mga foul words po kayong mababasa. Kasi parang 'pag hindi ko nilagyan, walang excitement ang story ko hehehehe. Sorry na lang pooooo ^^v
Enjoy reading ...
* * *
Gabby's POV
"KYAAAAAAAH!"
"5ACE!"
"5ACE!"
"WAAAAAAAH!"
"WE LOVE YOU!" Sigaw ko kasabay ng paghiyaw rin ng mga fans na nandito sa fan sign event. Halos hindi ko na marinig ang sarili kong boses dahil sa ingay ng paligid.
"Shocks! Ang gwapo nila sa personal!"
"Ang hot nila. Kyaaaah!"
Kilig na kilig na sabi ng dalawa kong mga kaibigan na daig pa ang mga bulateng binudburan ng asin.
Nagpeperform ngayon ang 5Ace. Sila ngayon ang sikat na sikat at always trending na boy group. They are 5 handsome, charismatic and talented boys. Sina Timothy Araneta, Jerard Kang, Blake Cruz, Dwaine Evans at ang aking pinagpapantasiyahan gabi-gabi na si Sebastian Klein.
"Putspa! Ang puso ko sasabog na." Sabi ko habang titig na titig sa sumasayaw na si bebe Seb.
"Kahit hindi na ako kumain. Busog na busog na ako. Sheyt!" Narinig kong sabi ni Carly na katabi ko lang.
"Tang*na. Na-iihi na ako. Seryoso 'to guys." Napatingin naman kami kay Kisha na nakahawak na sa lower niya.
"Pffft. Ang sagwa mong tingnan girl." Natatawa kong sabi sa kaniya.
"Hahahaha! Go na sa restroom girl. Baka magkalat ka pa dito."
"Samahan niyo ako." Pagdedemand ni Kisha na hindi na magkaintindihan sa upuan niya. Pffff.
"Lumpo lang?/Maliligaw lang?" Carly and I said in unison.
"Pakyu kayo. Sige na please." Pagmamakaawa niya habang naka-pout.
"Tara na nga at baka mahila ko pa ang nguso mo." Biro ko kay Kisha at ngumiti naman siya.
Tumayo na kami ni Kisha para umalis pero bago pa ako humakbang ay tumingin muna ako kay Sebastian. Emeged. Ang hot niyang sumayaw!
Hindi ako sigurado kung sa direksyon ko ba siya nakatingin dahil nasa pinaka-una kami naka-upo o sa likod ko lang pero nginitian ko pa rin siya at kumaway sa kaniya--
"OMYGOD!" Napa-upo ako sa pagkabigla habang hawak hawak ang kaliwang dibdib ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko! Tiningnan naman ako nila Carly at Kisha na napa-upo na rin.
"Bakit?" Tanong ni Carly.
"Nakit niyo 'yun?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Ang alin?" Kunot-noong tanong ni Kisha.
"Si Sebastian... Kinawayan niya ako! Kinawayan niya ako habang nakangiti siya! Kyaaaah!" Daig ko pa ang sinapian ng malanding espiritu sa sobrang kilig.
Nagkatinginan naman 'yung dalawa at sabay na tumawa. Pag-untugin ko sila eh! Support naman diyan uy.
"Look at the back girl." Matawa-tawang sabi ni Carly kaya tumingin ako.
Leche flan! O sige na. Ako na ang assuming. Tch! Eh malay ko bang kumakaway din ang mga fans na nasa likod ko? Nasa likod ko nga eh paano ko makikita?
"'Wag ka ng mag-ilusyon diyan Gabs. Samahan mo na ako kasi sasabog na talaga ang pantog ko."
Disappointed akong tumayo at sinundan na si Kisha habang iniwan dun si Carly na tawa pa rin ng tawa. Pasukan sana ng langaw ang bunganga niya.
BINABASA MO ANG
A Fangirl's Love ( ON GOING )
HumorYou know that feeling? That feeling when you just want Your impossible dream To fall into reality Because it only means that Such a thing is still possible. I want to believe that.