AFL Chapter 4

13 1 0
                                    

Third Person's POV

Simula nang kumalat ang pictures ni Sebastian Klein na may kasamang babae sa mall kung saan ginanap ang kanilang fan sign event ay hindi na umalis ang mga reporters na naghihintay sa labas ng agency ng 5Ace.

"How could you've been so careless Sebastian? Anong tumakbo sa isip mo at ginawa mo 'to?" Pasigaw na tanong ng kanilang manager na si Irene. Tumayo ito at ibinaba ang screen ng laptop na nasa table niya.

Tahimik lang na naka-upo ang 5Ace sa couch habang hindi makatingin ng diretso sa kanilang manager na nagpipigil ng galit. Once in a blue moon lang nilang makitang nagagalit ang kanilang manager dahil palagi itong masaya at bibo. Kaya ngayon, lahat sila ay nakakaramdam ng kaba lalo na ang na-i-isyung si Sebastian Klein.

"I already told you Tita. Tinulungan ko lang siyang makalabas ng men's room because she also helped me to get out from there that time without noticing by some fans. But I never expected that they would recognize me. Believe me, we didn't do anything. That holding-hands thingy is nothing. " Depensa naman ni Sebastian habang nakatitig sa mga mata ni Irene para iparamdam na nagsasabi lamang siya ng totoo.

"You are really out of your mind." She shook her head in disbelief. "Paano mo nasabing hindi ka nila marerecognize? Come on Seb. Fans and medias are everywhere. In fact, mas magaling silang mag-disguise kaysa sa'yo...sa inyo. Yes, wala lang sa'yo ang holding-hands na 'yon but for those who already saw the photos? I doubt it. You should be thankful that they did not see you coming out from that goddamn men's room or else, worst issue ang mangyayari. Ugh. Sumasakit ng ulo ko sa'yo." Umupo ito sa swivel chair niya at sumandal habang hinihilot ang ulo niya.

Napabuntong-hininga na lang si Sebastian at napayuko.

"Haaay..." Tumayo si Blake habang nag-iinat ng braso para mabawas-bawasan ang tensyon sa loob. "Pinapahirapan niyo lang ang sarili niyo. Madali lang naman solusyonan niyan eh. Para matigil na ang issue." Sabi niya habang papunta sa mini ref ni Irene para kumuha ng tubig.

"Ano naman 'yun?" Tanong ni Irene habang nakasandal pa rin sa kanyang swivel chair at nag-iisip kung ano ang dapat gawin para maniwala ang mga media sa magiging statement ni Sebastian.

"But before that, drink this first Tita." He gave a glass of water to Irene.

"Thank you." Umayos ito ng upo at ininom ang tubig.

"Make sure Blake that it would really help." Paalala naman ni Jerard.

"Baka kalokohan na naman 'yan?" Pabirong sabi ni Dwaine.

"Ngayon pa ba ako magloloko. Eh seryosong usapan 'to. Wala ba kayong tiwala sa'kin?" Tanong niya habang kunwari ay nasasaktan.

"Now tell us. Dami mo pang sinasabi eh." Hindi makapaghintay na sabi ni Timothy.

Tumingin naman si Blake habang nakangiti kay Sebastian, na naghihintay rin ng sasabihin nito, kaya napakunot-noo ito sakaniya.

"Tell them that you're dating her."

"WHAT!?"

- - - -

Kisha's POV

Huwaw! Artista na ang aming bestfriend! Trending siya sa facebook at twitter 'yun nga lang, kami-kami pa lang nila Carly, Kuya Kenzy, ate Sandy, Tita Faye at Tito Gabriel ang nakakaalam na si Gabby talaga ang nasa pictures na kasama ni Sebastian Klein. Syempre, idinaldal namin kina Kuya Kenzy at Ate Sandy na si Gabbs 'yon. Sobrang bait kasi namin.

At Oo! PICTURES talaga with 'S' kasi hindi lang isa kundi lima. Kaso 'yung limang pictures na 'yon ay hindi malinaw ang pagkakakuha. Ang makikita mo lang ay blurred, nakatalikod, at side views lang pero mapapansin mo na si Sebastian talaga ang lalaki na nasa picture.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Fangirl's Love ( ON GOING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon