AFL Chapter 3

17 1 0
                                    

Gabby's POV

Nakahiga na ako sa kama ko ngayon pero wala pa akong balak matulog. Yakap-yakap ko ang sumbrero ni bebe Seb habang nakatitig ako sa kisame. Inaalala ko ang mga nakakakilig na nangyari kanina. I stared at my hand back and forth habang hindi inaalis ang ngiti sa labi ko.

"We held hands." Sabi ko sa sarili ko. "Thank you for making me this happy."

Nawala ang pagrereminisce ko nang tumunog ng dalawang beses ang cellphone ko. Kung sinuman ang nagtext, isusumpa ko talaga! Kinuha ko sa side table ang phone ko. Alam din ng dalawang baliw na 'to ang tumayming eh.

Carly: Check your IG. NOW.
Kisha: Girl!!! Open your IG. T*ngna. Kilig mats!

Napakunot-noo ako. Instead na replyan sila ay binuksan ko na ang IG ko. May five notifications naman ako. Tatlong new followers at dalawang nag-mention ng name ko sa comment and sina Kisha at Carly 'yun. I opened the image and what the fudge! Nag-post na pala si Sebastian Klein sa IG at wala akong kaalam-alam. Anong klaseng syota ako?!

Charot lang guys. Kalma.

He posted the cap he gave to me.

"Hope to see you again...?" Binasa ko ang caption niya. Nakaramdam ako ng lungkot at panghihinayang.

Tiningnan ko ang cap na nasa lap ko. Nami-miss na niya ang sumbrero niya. Siguro pinagsisisihan niya na ibinigay ito sa'kin. Sobrang halaga siguro nito sa kaniya.

I let out a deep sigh. "May saltik talaga 'yang si bebe Seb 'no? Ibibigay ka sa'kin tapos biglang babawiin. Lakas mang-trip eh. Pasalamat siya lab ko siya." Hinampas ko ng mahina ang sumbrero at niyakap itong muli habang nagpagulong-gulong sa kama ko. Inamoy ko ito at pakingteyp! Ang bango-bango! Ano kayang shampoo niya? Amoy downy eh.

Kanina pa ako naghihintay dito sa gate ng university namin dahil sobrang tagal dumating nila Carly at Kisha. Nagtext ako kagabi na exactly 8am kami magkikita-kita dito pero 8:32 na, wala pa sila! Tch. Baka ma-late na kami kasi 9am ang first subject namin. Hihilahin ko talaga ang mga pilik nila pag dumating sila!

"GABS!!!"

Tumayo ako mula sa pagkaka-upo at tiningnan sila with my mataray look habang naka-cross arms.

"Explain!" Mataray kong sabi nang makalapit na sila sa akin.

"Eh kasi itong si Carly, nagpahintay pa sa kanila tapos ang tagal-tagal mag-ayos ng sarili kaya kami natagalan!" Pilit na natawa si Carly sa sinabi ni Kisha at hinarap ito.

"Whut? Ako? Matagal? Tsaka hindi ko na need ang mag-ayos kasi sobrang ganda ko na." She flipped her hair kaya napa-iling si Kisha. "Ikaw nga 'tong ang bagal dumating sa bahay namin eh. Nangalay na nga ako sa kahihintay sa'yo!"

"Putspa! Ikaw kaya ang matagal."

"Not me. It's you."

"It's you. Not me."

"Ikaw nga sabi!"

"Sabi ngang ikaw!"

"Enough." Pigil ko sa kanila. Langya. Ako pa ata ang magiging dahilan kapag nag-away sila. Ang gulo talaga ng dalawang 'to. Nakakasakit ng ulo. "Sino ba talaga ang nagsasabi sa inyo ng totoo?" Pinaningkitan ko sila.

"Me/Ako."

As expected! Bakit ko pa kasi tinanong kung alam ko rin naman ang isasagot nila? Isa rin ako sa nagpapagulo eh.

Tinalikuran ko na sila at pumasok na sa loob dahil mag-ta-time na. Sumunod naman silang dalawa pero wala pa ring tigil sa pagsisisihan. Oh gahd.

A Fangirl's Love ( ON GOING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon