"Thank God nandito ka pa." Nakangiti kong sabi sa relo na hawak ko.
*door opens*
"OMYGOD/WHAT THE!"
Sabay naming sabi dahil sa sobrang gulat.
"What are you doing here? Sinundan mo--"
"It's not what you think. Binalikan ko lang 'to kasi naiwan ko." Agad kong sabi at ipinakita sa kaniya ang relo ko. Halata sa expression niya na hindi siya naniwala sa sinabi ko kaya nag-explain pa ako. "Sinamahan ko dito kanina ang friend ko na mag-cr kasi sobrang haba ng pila sa girl's restroom then that time walang tao dito. Promise!" Pangungumbinsi ko.
Napansin ko naman sa expression niya na naniwala siya. Whew! Pasalamat siya crush ko siya dahil kung hindi sinipa ko na 'to. 'Wag kasing assuming bebe Seb.
"S-Sige. Aalis na--"
I was about to leave but he pulled me then the next thing I know is we are already inside this cubicle. Anong binabalak niya? Gusto ba niya akong...
"A-anong--"
"Ssshhh."
"Pre ang gaganda nung mga chicks kanina."
"Nakuha ko nga ang number nung isa eh."
"Whoa. Hanep!"
O-okay. Ako na talaga ang assuming. Sensya naman guys. Hindi naman niya sinabi eh. Psh.
Napansin ko naman ang pwesto namin ngayon. At anak ng tupa! Nasa harapan ko siya at nakahawak ang kanang kamay niya sa left wrist ko while his left hand is pinned in the wall. Ang lapit ng dibdib niya sakin at naaamoy ko ang pabango niya. Damn! Am I in heaven guys? Pakiramdam ko uminit bigla ang pisngi ko. Sheyt! Namumula na ata ako.
"Pffff." Hindi ko na napigilan ang kilig at natawa na lang ako habang takip ang bibig ko gamit ang right hand ko. Baka marinig kami nung mga nasa labas at mahuli pa kami.
Napatingin naman siya sakin at nakita ko na biglang kumunot ang noo niya. Bigla siyang sumeryoso dahil napansin niya na napakalapit namin sa isa't-isa.
"I'm sorry." Iwas tingin niyang sabi kaya tumikhim na ako. Tumabi naman siya sa akin saka sumandal sa wall. Emeged. Sana magtagal pa kami dito. Kyaaa--joke lang naman. I'm sure hinahanap na ako ng dalawang baliw kong kaibigan. Hindi ko naman sila matext kasi empty battery na rin ako kakapicture kanina dito sa gwapong nilalang na katabi ko. Wrong timing naman! Magseselfie sana kami. Hihihi.
Tahimik lang kami habang hinihintay umalis 'yung mga lalaking jumijingle sa labas na daig pa ang tunog ng bukas na gripo. Ugh. I can't take this. Ang awkward kasi!
Moment na sana 'to for me na masolo at makakwentuhan si bebe Seb kaso ang bahong pakinggan ng place kung nasaan kami. Paano kapag kasal na kami tapos tanungin kami ng mga ninong at ninang namin kung saan ang first date namin? 'Diba nakakahiyang sabihing sa men's restroom? Ew.
"Ano pre? Musta na kayo ng girlfriend mo? Pfff."
"Tss. Walang improvement. Eh kayo ba ng syota mo?"
"Ang laki ng improvement pare! Ang wild! Hahahaha."
What the hell!!!?? At talagang dito pa nila balak magkwentuhan ng mga ganyang bagay habang may babae dito sa loob? Ay grabe-- Oo nga pala. Hindi pala nila alam na may babae dito. Sige na nga. Shattap na po.
"You mean, nag-se--"
"Damn it." Hindi ko na narinig ang sinabi ng lalaking nasa labas dahil napako ang tingin ko kay bebe Seb. Nakatakip ngayon sa dalawa kong tenga ang mga kamay niya. Bakit ganun? Why I still hear a knocking sounds on my chest? Hindi ako makahinga ng ayos dahil sa sunod-sunod na kabog ng dibdib ko. "Why do they have to talk about that now? Tsk." Sabi niya habang nakatingin sa pinto nitong cubicle.
BINABASA MO ANG
A Fangirl's Love ( ON GOING )
HumorYou know that feeling? That feeling when you just want Your impossible dream To fall into reality Because it only means that Such a thing is still possible. I want to believe that.