Chapter 2 ✨

147 6 2
                                    





"Oy, balita ko may bago raw na student ah. Kilala daw yun, e." Pangchi-chismis agad ni ash nang makaupo kami para kumain. Ash is really good at this.



"Bilis mo talaga sa chismis, e no." Komento ni brie sa kanya.



"Syempre, alam niyo naman pagdating sa ganyan alert lagi ang tenga ko."


"New student lang naman, isa lang naman 'yon. Para namang ngayon lang nagka-new student. So what? Nothing special, duh." Wala naman kasing special dun, ano naman kung may new student? Eh hindi naman na bago yun.


"Panira ka naman ng chismis, e! O, sige ash tuloy mo pa. Alam ko gwapo daw yun, e!" Kinikilig na agad na sabi ni haley. Jusko naman 'tong babaeng 'to, may nadagdag nanaman sa mga crush niya.


"Sus, mas pogi pa 'ko dun, e." Sabat naman ni Romuel kaya naman sabay sabay kaming tumingin sa kanya ng may pandidiring tingin.


"Chonggalang yan, kadiri. Kumain nalang muna nga tayo."


"Oh, tara na magsi-kain muna daw tayo sabi ni lola ava." Sinamaan lang ng tingin ni ava si ash sa sinabi nito. Pagkatapos naming kumain ay nagpatuloy na nga kami sa pag-uusap na naudlot kanina.


"So, ayun nga ang pangalan daw nung lalaki Zenox Vand Rafuerte"


"Zenox? Anong pangalan yun? Sang planeta nakuha 'yong pangalan na yun? Tsaka vand? Parang name lang ng brand ng sapatos, e." Natatawa kong sabi sa kanila.


"Tignan mo 'to. Sige ash, ituloy mo lang wag mo na pansinin 'yang babaeng 'yan." Epal talaga 'to si haley.


"Apo daw yun ng may ari ng JR Corporation. Sabi nila may mga kaibigan daw 'tong susunod na papasok dito pero hindi pa alam kung kelan." Pagpapatuloy ni ash.



"Ah, narinig ko ren yan kanina sa klase, apo daw nung don rafuerte. Eh ano naman? Oh, tapos? Pake ba natin sa mga kaibigan niya. Ano? Meron pa ba?"


"Dami dami mong sinasabe diyan pero magtatanong din naman pala kung ano pa. Ang sabihin mo interesado ka lang din, sapakin kita, e." Pananakot ni brie sa 'kin. As if naman matatakot ako 'no.


"Sus pakipot pa si 'tong si rianne." Sabat naman ni stella.


"Hoy, magtigil ka stella. Porket naiwan ka lang ng childhood friend mo diyan noon, e. O tawagin na nating childhood crush?" Kala niya magpapatalo ako, it's a big no.


"Bwisit ka rianne. Uungkatin mo pa't binaggit mo pa yung wala dito! Ang taga tagal na non, no!" Mukha namang nabadtrip siya dahil dun kaya inalo ko ren siya agad.


"Luh siya, 'to naman joke lang e. Ikaw nagsimula kaya!" Sabi ko at inakbayan ko nalang siya habang siya nakasimangot pa rin at nakapout pa nga ang loka. Kung hindi lang 'to cute nako!


Naggala-gala pa kami bago makapunta sa mga klase namin. Napansin kong mabilis ang pagkalat ng balitang iyon dahil kung saan kami dumaan ay naririnig namin ang pangalang zenox. Gash, gwapong gwapo sila masyado dun. Next na klase ko nga pala sa com lab pa.


When the classes dismissed, we decided to stay inside the library before going home. Madalas talaga natambay muna kami dun bago umuwi, wala lang isa na rin sa bonding naming magkakaibigan. As we enter the library, we saw only 4 persons remaining inlcuding the librarian.


It's Serendipity, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon