Chapter 3 ✨

143 7 9
                                    





Days passed by quickly and I am relieved that hell week is finally coming to an end. "Whoo! Finally! We're done na sa exams and may mga konti nalang tayo na ipapasa." I said as we walk towards ava's unit. I feel exhausted these days, physically and mentally.


"Sana ol diba, dami ko pa kayang ipapasa."


"Eh paano ba naman, tamad tamad mong gumawa diyan." Sinamaan ng tingin ni ava si romuel pagkasabi niya non habang binubuksan ang pinto ng unit niya.


"Tapos minsan nawawala pa sa klase, umayos ayos ka kase romuel."


"Ano ba yan brie! Romuel ka dyan? Sabing huwag ako tawagin nun, e." Ayaw na ayaw niya na tawagin yung pangalan na yun, ang bantot daw kasi pakinggan which is true naman.


"Di ka pa nasanay don, Romuel." Sabi ni ash na diniinan pa talaga ang pagkakasabi ng pangalan nito.


"Eh sa nasanay na kami sa romuel, gagawin mo ha? Eh ang bantot din naman ng johuan. Matanong nga si tita bakit ba ganun." Binato ni romuel sa akin yung tissue na ginamit niya kaya naman sobrang nandiri ako. Ew kaya! So unhygienic.


"Ew! You're so kadiri! Ginamit mo yan para sa nose mo then you'll throw it to me?!"


"Ew, you're so conyo." Sometimes, It makes me want to punch his face.


We're here again at ava's place to hang out. Simula talaga nung dito siya tumira, halos araw araw na kaming tumatambay dito. Dati kay romuel kami lagi nakatambay, nagsawa na kami kaya dito naman kay ava.


"Nga pala, hoy rianne! Hindi naman pala diyan sa tabi natuloy si zenox. Chonggala, nakakahiya sabi ko pa naman sa bumukas ng pinto 'hi zenox!' Taeness talaga." Pagaangal ni ava at inakto niya pa nga kung paano niya binati yung natuloy sa kabila. Hindi pala si zenox yung sa katabing unit?


"Eh kase nakita ko siya pumasok dun. Siya pa mismo nagbukas, e."


"Baka namamalikmata ka lang." I looked at stella and rolled my eyes.


"Duh, siya nga kasi yun! I'm 110 percent sure!"


"Masyado na yatang naadik sa mukha ni zenox kaya kahit kanino nakikita niya na mukha non." Binato ko ng unan si brie at sapol naman yun sa mukha niya, ang galing ko talaga mamato. Binato niya ren sa akin pabalik bilang pagganti pero di naman sa mukha ko tumama. I laughed and stuck out my tongue to tease her.


"Ang kadiri niyo! Disgusting sheyt. " I said, imitating a famous korean actor.


"Eh kung hindi si zenox baby yun, sino yung nasa kabila, ava?" My gash talaga 'tong si haley. Hindi ba siya nandidiri sa pagtawag ng baby dun?


"Hindi ko alam at wala akong balak alamin! Bwichet na 'yon akalain ba namang babae ako ni zenox?! Like the fudge? Fudgee bar siya, ang panget niya! Tapos hindi man lang ako pinatapos magsalita, sinaraduhan agad ako ng pinto?! How rude! Ang kaps niya, kala naman niya kinagwapo niya yun? Ha! Taeness niya, siya na nga bibigyan ng pagkain, e! Gigils talaga 'ko." Ava snarled, she was so annoyed. But as who we are, we just laughed at her complaints.


"Kalma hoy, yung dugo mo paubos na nga eh." Sita ni stella sa kanya, padabog naman itong umupo at kumain nalang ng tinapay.


It's Serendipity, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon