Prolouge

266 10 5
                                    


PROLOUGE

Spark. Maraming pwedeng ibig sabihin ang salitang iyon. Pwedeng spark sa kuryente o fireworks o ang sinasabi nilang may spark daw ang dalawang tao. Malay ba daw natin, doon mo pala mahahanap yung taong mamahalin mo habang buhay. Is it really possible? I don't think so. Hindi ako masyadong naniniwala sa mga ganyan, e. Yung mga kaibigan ko rin kase talaga, ang daming sinasabi sa mga ganyan.



Nagmamadali akong umuwi dahil gustong gusto ko ng makita at makamusta uli si zenox. Nakakapagod masyado ang mga nagdaang araw kaya gusto kong makita kahit saglit si zenox. Ano na kaya ang ginagawa niya? Sana naman ay free siya ngayon para makapag-usap kami.


Pagkarating ko ng bahay, ay dumiretso agad ako sa kwarto ko at sumalampak na sa kama. Mamaya nalang ako magbibihis ng pambahay kapag nakapag-usap na kami ni zenox dahil saktong 6 p.m na ngayon kaya naman paniguradong may oras na siya para sa akin lalo na't friday ngayon. 8:30 p.m na kase doon sa australia, at sa mga oras na iyon ay wala naman ng gagawin si zenox.


Sa paghihintay ng pagreply niya sa akin, nagtingin tingin muna ako sa twitter ko. Habang nagi-scroll down ay natigilan ako sa nakita ko. Nakamention si Zenox.


Pinindot ko ang video at habang nagpe-play iyon, kusang nagsituluan ang mga luha ko sa nakikita ko. Halatang nasa isang bar iyon, may lalaki at babaeng nakaupo, naghahalikan, kitang kita pa ang pagiging agresibo ng babae. Kahit saglit lang ang video na iyon, sobrang sakit ng nararamdaman ko dahil dun. Lalo na at ang lalaking nakikipaghalikan ay si Zenox.


Parang umuulit nanaman. Baket ganun? Anong nangyari? Ano ng gagawin ko? Dapat bang hindi ako maniwala sa video? Pero kitang kita na doon, e. Ang sakit sakit. Heto ako naghihintay sa kanya pero siya nagsasaya lang pala dun sa australia at nagawa pa 'kong lokohin. Ang kapal niya, sobra. Kaya pala hindi siya agad makapagreply.


Umabot ako ng 10 p.m sa paghihintay pero wala pa rin. Wala pa rin siyang reply. Hindi na ko nakakain dahil wala na rin naman akong gana. Nagmessage kanina sa 'kin ang mga kaibigan ko na nakita nila ang post na iyon, hindi na muna ako nakapagreply dahil hindi ko alam ang sasabihin ko at wala pa ko sa wisyo na magreply masyadong nakakapanghina. Gusto kong magrant sa kanila, ilabas yung saloobin ko pero bago iyon gusto ko munang makausap si zenox.


Nataranta ako nang tumunog ang cellphone ko at lumabas ang pangalan ni zenox. Video chat ito, nilakasan ko muna ang loob ko bago sagutin 'yon.


Nakita ko si zenox na halatang pagod at kakauwi lang dahil ang suot niya ngayon ay ang kung anong nakita ko sa video.


"Hey, how's your day?" Hindi agad ako nakasagot dahil nagsipagtuluan nanaman ang mga luha ko. I am not a crybaby, I don't usually cry but here I am crying because of him.


Nakita kong nagulat siya ng makita niyang naiyak ako. Wow, nagulat pa siya niyan ha?


"Ang kapal mo. Ang kapal kapal ng mukha mo para itanong sa akin yan." Nanggagalaiti kong saad.


" Wait, what are you talking about? Love, why are you crying?" Siraulo pala 'to, e.


"Are you seriously asking me that?! What the hell do you think happened, ha? Stop with your act, Zenox! I've watched it. You with a girl, kissing." He was shocked with what I have said. What now zenox? Scared of what I found?

"It's not what you think. Love, let me explain. Napagdaanan na natin yung ganito diba?"

"Mahirap paniwalaan diyan kung ano mang explanation mo. Paano kung totoo na pala 'yan? ha!"


"N-no, love. I'm sorry, Nagka-"


"You piece of shit. You're a damn cheater! Hindi ko kailangan ng sorry mo at ng isang katulad mo!"Binaba ko na ang tawag dahil hindi ko na talaga nakayanan. Masyadong mabilis, masyado akong kinain ng galit, agad. Nakakapagod na. Ayaw ko na. Hanggang kailan ba ko masasaktan?


That little spark that burst into a flame, I guess it's slowly disappearing. But I wish not.




Di ko akalaing magmamahal pala ako ng todo at masasaktan. Wala naman kasi talaga akong pake noon sa mga ganyan. Lalo na't siga ako na may pagkamataray, pero kahit na ganoon marami pa rin ang nagtangkang manligaw sakin. Yun nga lang wala talaga akong balak sa mga ganun. Sa panga-asar ng mga kaibigan ko dahil sa nakwento ko sa kanila, hindi ko alam kung paano at kelan pero unti-unti na pala akong nahuhulog kay Zenox Vand Rafuerte.

Magtutuloy tuloy nga ba ang siklap sa pagmamahalan naming dalawa? O wala na talaga dahil hindi naman kami para sa isa't isa?

It's Serendipity, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon