Crush III

31 0 0
                                    

Ace POV

Naghihintay kami ngayon ni Chris sa labas ng SSC Office dahil ngayon ang schedule ng first day of tutorial ni Chris at talagang si Katniss nga ang magtututor.Hanep ang galing ko talaga,mapalitan nga si cupid pfft.Kaya kahit anong mangyari sisiguraduhin kong mag eend up yung dalawa *evil grin*

"Ace paano ba to? Kinakabahan ako." Pabulong na sabi ni Chris
"Tss.Ayan ka nanaman. Kumalma ka nga! Para ka namang magpropropose niyan e,magpapaturo ka pa nga lang grabe!"
"E nanlalamig na nga yung kamay ko e,ayoko na uuwi na ako" sagot ni Chris habang nakahawak sa batok niya
"Grabe ka naman tol e,pa cool cool ka pa ng dating e,dakilang torpe at mahiyain ka pala hahaha" saway ko
"Hoy hindi ah! At di ko naman talaga to gusto ah,e sa kinakabahan nga ako"
"Wala talaga,kung ganyan ka ng ganyan tol,wala ka talagang pag-asa kay Katniss pfft"
"Tss. Sige na,kaya ko to!" sabi ni Chris sabay hinga ng malalim
"Ayan ganyan nga,maya maunahan ka pa diyan ng iba sige ka"

"Oh Ace kanina pa kayo dyan?" biglang sulpot at tanong ni Katniss
"Ah hindi naman kararating ko nga lang e,pero si Chris kanina pa siya naghihintay sayo" biglang hila ko kay Chris para harapin si Katniss
"Waa talaga? Hala sorry ah,medyo natagalan may konting argument pa kasing nangyari" paliwanag ni Kath

"Oh ano nanamang ginagawa niyong dalawa dito at pinagsosorry niyo si Katniss?!" mataray na sabi ni Pie habang naglalakad papunta sa direksyon namin
"Wala kanang pakialam no! Umuwi ka na nga Pie!" saway ko
"Aba aba! At talagang ikaw pa nag pauwi sakin,baka gusto mong upakan kita at ng makauwi ka nang wala sa oras! Ano?!" sabi pa niya habang hinahawakan yung nakakuyom niyang isang kamay

"Oh,chill ka lang! Masyado ka talagang hot Pie grabe!" Sabi ko habang dahan dahang umaatras
"Tss.Talagang hot ako matagal na" paproud pa niyang sabi
"Sus kaya naman pala kamukha mo si SATANAS HAHAHAHAHAHAHAHHAHAHA" tawang tawa kong sambit habang hinahawakan yung tiyan ko
"Aba't talaga!" Kinuha niya yung libro na hawak ni Chris at tangkang batuhin ako kaya nagtago agad ako sa likod ni Chris
"Waaa Pie joke lang! Mahal yang libro na yan pag yan nasira lagot ka kay Chris!"
"Hoy ano ba naman kayo,Pie akin na nga yang libro na yan, isip bata talaga tss" awat ni Katniss
"Hay lifesaver ka talaga Kat!" sabi ko
"Ehem"singit ni Chris
"Ay,nandyan ka pala tol hahaha,oh shaa Kathniss saan mo ba siya etutor?" tanong ko
"Ahm diyan nalang sa loob ng office dahil wala namang tao at madali lang naman tong ituturo ko ngayon" sabi ni Kat habang nakaturo sa office sa gilid namin
"Ah sige" saad naman ni Chris
"So sige na pasok na kayo at nang matapos na agad yan tss. Bilisan mo Kat ha at nakakapagod maghintay dito" singit ni Pie
"Wag kang maniwala dyan Kat, basta siguraduhin mo lang na matuto si Chris kahit magtagal pa kayo ayos lang" singgit ko agad
"at hihintayin lang din kita dito Chris ah,kaya wag mo akong mamiss pff"pahabol ko pa
"Eww bromance" rinig kong sabi ni Pie sabay upo sa bench sa harap ng office
"Tss. Inggit ka lang" sabi ko naman at umupo sa dulo ng inuupuan niya
"Never"
"Yes ver"
"Tss" sagot niya sabay kuha nung cellphone niya sa bulsa tapos click ng click
"Ano ba yan,weak" sabi ko nung nakita ko anong ginagawa niya sa phone
"Wth?! Ano ba huwag ka ngang tumabi sakin bat ka ba umusog! Chismoso!" Sigaw niya habang tinutulak yung dibdib ko
"Tss weak parin" sabi ko ulit
"Aba! Kung makaweak ka! Baka ikaw,expert na nga ako dito no tss"
"Ako weak? Dumb ways to die lang yan e hahahahahhahahaha" tukso ko
"Aba talaga huh! Akin na nga phone mo!" pautos niyang sabi
"Aba bat ko naman ibibigay? Aba siguro kukunin mo cellphone number ko no? Tss no need babe ako na lang kukuha ng number mo" saway ko ulit

"Langya talaga! ANG KAPAL TALAGA NG MUKHA MO! SAAN KA BA KUMUKUHA NG KAKAPALAN AT BABAGYO NA ATA!" Inis niyang sabi at halatang pulang pula na siya sa galit
"HAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHA Grabe yung pagbablush mo sakin ah,masyadong obvious!" sabi ko sabay hawak sa chin ko at papogi
"AIISHHH NAKAKABWESIT DYAN KA NGA!" sabi ni Pie sabay tayo at lakad palayo sakin
"Hoy wait!" habol ko sa kanya
"Ano nanaman? Papansin ka sakin Ace ah,teka crush mo ako no?" pagtigil at sabay harap na tanong sakin ni Pie
"Ikaw? Crush ko? Hahahahahhaa mukhang sayo ata nanggaling ang salitang "Assuming" HAHAHAHAHA" natatawa talaga ako sa pinagsasabi nitong si Pie pfft
"Aba't langya ka talaga no!" sabi niya sabay suntok sakin
"Hmmm mamaya malaman ko ako pala crush mo e,ikaw ha,kaya siguro lagi mo akong tinatarayan!" sagot ko naman
"Hoy Ace mukhang ikaw ata talaga ang nag pasimuno niyang word na assuming ah, bulag ka ba o bingi? Matagal na akong mataray kahit kay Kathniss wala akong pinipili!"
"Sabi mo e pfft.Pero hindi talaga kita crush Pie,sorry kung nabusted kita ngayon ah,wala lang talaga akong choice dahil boring mag hintay kay Chris dun kaya kita sinundan pfft" pag eexplain ko
"WAG KA NGANG ASSUMING ACE NAKAKAINIS,KAHIT IKAW NALANG ANG NILALANG SA MUNDO NEVER AKONG MAGKACRUSH SAYO!" sigaw sakin ni Pie " At ginawa mo pa akong option sa pagka bored mo! Diyan ka na nga wag mo akong susundan ah,baka mapatay kita seryoso ako!" pahabol pa niya habang naglalakad papuntang cafeteria.
"Pikon pfft" bulong ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 17, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Paano ko napa-ibig si Crush?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon