Crush II

59 0 0
                                    

Chris POV

"HOY, HOY CHRIS!" 
"Ha?" gulat kong sambit kay Ace
"Kanina pa ako nagsasalita dito, ano?!"
"Ace, siya yung babae kanina yung nakabangga ko"
"Ha? Saan?" tanong agad ni Ace
"Yung kaibigan nung Pie yung"
"YUNG PRESIDENT? SI KATNISS?" singit agad ni Ace
"Oo, siya nga. Ang ganda niya diba?"
"baliw ka ba tol, matagal nang maganda yan ngayon mo pa napansin, e mag bubuwan ka na dito sa classroom nato?! Saan ka ba galing ha?Palibhasa tulog ka kasi ng tulog!Akala ko kung sino pa yung crush mo e,classmate lang pala natin tsk"
"Tol tulungan mo ako,paano ba to?" hays ang ganda talaga ni Katniss,pangalan pa lang niya gusto ko nang ikiss,ay ano ba yang iniisip ko.
"e di magpakilala ka at kaibiganin mo ang dali lang naman niyan e, kailan mo gustong simulan?"
"Bakit hindi ko kaya siya napansin noon,ang tanga ko talaga Ace no tsk"
"HOY CHRIS! ABA! KANINA KA PA AH! Iba ang sagot mo sa mga sinasabi ko! Ano to lokohan? bahala ka na nga dyan, canteen lang ako" badtrip na sabi ni Ace tsaka naglakad
"Ha? Problema nun? Hoy Ace teka!" sigaw ko sabay sunod 

 @CANTEEN

"Hoy Ace sige na tol, tulungan mo ako" pagkulit ko kay Ace
"Hay nako,sigurado akong kilala ka na ni Katniss" sagot ni Ace habang umiinom ng coke in can
"Ha?Talaga? Paano mangyayari yun e,hindi nga ako siguro pansin nun"
"Tsk,Syempre matalino si Katniss,kilala nga niya halos lahat ng studyante sa campus o di kaya siya ang kilala ng lahat.Isipin mo classmate tayo, kaya sure akong kilala ka niya"
"E kung ganun anong gagawin ko?"taka kong tanong kay Ace
"Sus,e di magpapansin ka nga! Sinabing kaibiganin mo e" sagot ni Ace
"Paano?" tanong ko ulit kay Ace, hays hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.
"Chris?! Seryoso?Anong paano?Hindi mo alam makipagkaibigan?Kaibigan ba kita?" pikon na sagot ni Ace
"Nahihiya ako"
"HAHAHAHAHHAHAHA, ganyan ka pala magka-crush ang weird mo tol, tsk halika nga"

Biglang tumayo si Ace kaya sinundan ko agad siya,mukhang papunta siya sa mesa ni Katniss at Pie. Sht ang bilis naman ata,gusto ko na yatang bumalik sa classroom.

"Hey! Katniss pwede ba kaming makishare ng upuan?" tanong ni Ace kay Katniss
"Okay lang" sagot naman ni Katniss
"Aba?Anong okay lang,makikishare ka e,mukhang tapos na nga kayong kumain e,kaya no, shooo na Ace" singit naman agad nung Pie
"Thanks Katniss bait mo talaga, hoy Christian! Halika na nga,umupo kana" tawag naman sakin agad ni Ace.Kaya wala na akong nagawa kundi umupo na lang.
"Aba, ang kapal talaga netong si Ace,hoy ano ka gwapo at iniisnab mo ako?!" mataray na sabi nung Pie
"Ay sorry Pie di kita napansin, maganda ka ba?" papoging gesture naman ni Ace 
"Aba aba talaga loko ka talaga!!" galit na sabi ni Pie
"Ehem,guys,nasa canteen tayo ano ba, give me some break" sabi naman ng pinakamagandang babae sa buhay ko hays Katniss kahit saang ang gulo bakit ang ganda mo?
"Ay tama nga pala, sorry sis, nakakaasar kasi bakit ka pumayag maki-upo sa atin ang isang unggoy dapat si Christian lang e, ayan tingnan mo ang behave na, na... nakatitig sayo?Hahahahaha" sabi naman nung Pie
"Ha?" agad namang nagulat si Katniss na tumingin sakin,shit nag-eye-to-eye na kami ang ganda talaga ng mata niya ayan hays,nahiya tuloy ata siya.
"HOY CHRIS!" 
"Aray! Ano ba Ace?Bakit mo ako binatukan?"
"Ano kaba,lumilipad nanaman utak mo,kung anu-ano kasi iniisip,pasensya ka na Katniss ha,puyat lang ata tong si Chris" sabi naman ni Ace na nakatingin kay Katniss
"Ah ayos lang" tipid na sagot ni Katniss
"Ah ah sorry" tanging nasabi ko
"Tss. Katniss kilala mo na si Chris diba?" tanong ni Ace
"Syempre naman classmate natin yan e haha" 
"Good!" sagot naman ni Ace
"Bakit naman nagtatnong ka niyan Ace ha?! May intensyon kayo kay Katniss ano?!" singit nanaman nung Pie
"Tumahimik ka nga Pie,hindi ikaw ang kausap ko tsk, so Katniss huwag kang makinig dyan sa kaibigan mong adik. Ano kasi Katniss e" sabi ni Ace habang kinakamot yung batok niya
"Ano?" tanong naman ni Katniss
"Si Christian kasi" sabi ni Ace sabay akbay sakin
"Hoy Ace anong ako?! Tumigil ka nga aalis na ako" sht nahihiyang sabi ko kay Ace
"Tsk,mahiyain ka talaga, So Katniss, nahihirapan kasi si Christian na mag cope-up sa mga lessons natin lalo na na malapit na ang exam, alam mo na laging tulog,tapos kailangan niyang pumasa kasi baka pag bumagsak lang siya sa exam natin e, epatransfer agad siya ng parents niya, ayoko namang mangyari yun kasi ayokong mawala yung bestfriend ko diba? So Katniss diba isa ka sa mga nag tutor dito sa mga students nanahihirapan yung sa club mo na isa, yung sa peer. Favor naman Katniss, turuan mo ang kaibigan ko"
"Hoy Ace,pinagsasabi mo?"bulong ko kay Ace,anu-ano kasing ine-embento hindi ko alam to.
"Shh,mabait yang si Katniss so ano Katniss?" tanong ni Ace
"Ahh, sure walang problema tsaka vacant naman pa naman ako kasi wala pang ina-sign sakin so, I guess ikaw na lang Christian ang e tutor ko." sagot ni Katniss sabay tingin sakin at ngiti. Sht ang ganda talaga.
"Ha, sige" ngiting pilit naman ang binigay ko.

*Kriiiiiiiiiiiiiiiiing* [Doorbell sound effect ay este bell pala na tapos na ng recess]

"Tara na Sis. balik na tayo dali" sabi nung Pie at umalis na sila.
"Hoy Ace ano ba yung mga sinabi mo! Bakit ka nagsinungaling?" tanong ko agad kay Ace
"Tsk.Pasalamat ka nga at mas makilala mo na siya may oras na siya para sayo sus wala bang thank you?"
"Ha? Oo nga e, pero nagsinungaling ka rin"
"Tsk. Ano ka santo? parang yun lang, you owe me for what I did, tara"
"What the?!" AT AYUN NA-IWAN AKONG NAKAUPO SA CANTEEN.
 

Paano ko napa-ibig si Crush?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon