CRUSH I

90 2 2
                                    

"Hoy!! Anong tinu-tunganga mo dyan?!"
"Ay, ah , eh , wala tol!"
"Anong wala, kanina kapa naka-nganga jan eh! So ano bang iniisip mo?!"
"Ano kasi eh! Kanina may nakabangga lang akong babae, sobrang ganda niya, lalo na ang mga mata niya!"
"Oh? Bakit naman, anyare?"
"Ganito kasi,

[FLASHBACK]
 Tumatawid ako ng kalsada habang nakaheadset syempre soundtrip tapos noong malapit na ako sa kabilang dako may tumulak sakin sa likod at sakto namang may babae palang patawid sa kabilang kalsada at ayon nabangga ko siya at nadapa kaming dalawa "ay hala kuya sorry po" "pasensya na po nagmamadali lang! byieeee !" sabi noong mga batang bumangga sakin sakto namang natanggal ang headset ko at nabigla na lang ako nang mataohan ako na nakadapa pa pala ako sa harap ng isang babae. "Ahm" sambit niya "....."  "Ehem pwede na po ba kayong tumayo? " "Ang ganda mo" "Huh?!" "Ahh oo, so-sorry miss ah di ko yun sinasadya binangga kasi ako nung mga bata" sabi ko habang tumatayo at inaalok ko siya ng kamay ko para tumayo pero tumayo siyang mag-isa "Ayos lang, sige una na ako" sabi niya at tumakbo na siya patawid nang kalsada.  
[End of Flashback]

"At alam mo tol, noong natumba ako sa kanya ang bilis ng nangyari mga 20- 30 sceonds pero para sakin parang ang tagal, para bang nag slow mo ang lahat. Kitang kita ng dalawang mata ko ang maningning niyang mga mata at maamong mukha at dinig na dinig ng malinis kong tenga ang boses niyang mala-anghel."

"HAHAHAHAHHAHA!" tawang-tawa si Ace na pati lamesa sa upuan namin ay pinalo palo niya.
"at anong nakakatawa?"
"HAHAHAHA! Ang bakla mo talaga!"
"Anong bakla? baliw ka?"
"Ang bading bading mong magsalita e, may mala anghel kapang sinasabi!"
"E totoo naman" sambit ko
"Haha ang korny mo, inlove ka ata, tama, nalove at first sight ka tol!"
"Love at first sight?"
"Oo, mahal mo siya sa unang tingin mo pa lang"
"parang trinaslate mo lang e, mali pa."
"ahm minahal mo siya noong una mo siyang nakita?"
"tss. loko ka talaga Ace, ikaw yung mas korny pa sakin e"
"Ano ba yan, nahawa ata sayo Chris haha"
"Tsk"
"Pero maiba ako tol, kilala mo na ba kung sino yung nabangga mo?" tanong ni Ace
"Hindi e"
"Sus! Ang slow mo! Di mo man lang ba naitanong kung anong pangalan niya?!"
"E nagmamadali nga siya diba?"
"Reasons, sadyang mabagal ka lang talaga pag dating sa girls"
"Tss. de ikaw na, kaya tulungan mo nalang ako na makilala ko siya"
"Hmmm sige na nga, pero ano ba yung natatandaan mo sa kanya? Yung buhok niya, yung mukha niya, ano bang suot niya?"
"Maganda siya, mahaba at straight yung buhok at yung suot niya!"
"Oh anong suot?"
"Natatandaan ko yung uniform niya, may logo ng school natin pero minsan ko lang makikita yung magsuot ng ganun hindi siya karaniwang uniform ng girls"
"Ah, baka nurse yun hahaha" sabi ni Ace sabay tawa
"Hindi siya nurse! Masyado siyang bata at maganda para mag nurse!"
"Sus, nurse yun e hahaha"
"Wag na nga, di ka nakakatulong"
"Haha joke lang tol, CAT at SSC officers lang naman yung iba yung uniform dito e, tulad ngayon monday, kaya sigurado akong ganun yung uniform ng nakita mo" Sabi ni Ace sabay turo sa kaklase naming babae na nakatalikod 
"Halika sundan mo ako" sabay tayo, kaya sinundan ko naman siya
"Diba tol katulad nitong suot niya? baka siya nakita mo"
"Hindi yan tol" sambit ko

"What are you doing here? Why are you starring at me ?!!" sabi nung babae
"Tss. feeling mo naman" sagot ni Ace
"Anong feeling e nasa harapan na kita at ano?! May kailangan ka?! Umalis ka na wala kang mapapala! " sigaw nung babae
"Wala akong kailangan sa panget mong yan!" sabi ni Ace sabay balik sa upuan namin kaya sumunod ako.
"Anong sinabi mo?!" Galit na sigaw nung babae at pumunta sa upuan namin tapos hinawakan niya ang tenga ni Ace tsaka kinaladkad paalis.
"Hoy bitiwan mo nga ako Pie! Panget! Guilty!" Sigaw naman ni Ace sabay tapik sa kamay nung Pie.
"Sabihin mo insecure ka sa beauty ko, wala pang nagsasabi sa akin ng panget kaya bawiin mo sinabi mo!"
"Ayoko nga, hindi ako marunong magsinungaling" Pang aasar ni Ace
"Isa! Unggoy ka talaga! bawiin mo sabi"
"Kung unggoy ako? e ano ka nalang? ahh alam ko na sa lahi niyo nagsimula ang unggoy, Uwa uwa ah ah" dagdag ni Ace habang umaarte na unggoy, habang kitang kita naman na asar na yung babae
"EEEEEEYYYYYYYYYS! HUMANDA KA NGAYON DI MO TALAGA BABAWIIN AH"
"GO PIE ! GO PIE! ! " Huwag ka patalo Ace" "Sino kaya mananalo" sabi nung mga kaklase namin na nakapalibot na sa kanila.

"Tsk. loko talga Ace" bulong ko nalang at sinandal ang ulo ko sa mesa, matutulog na lang ako
" QUIET PLEASE! Bakit ang ingay-ingay niyo dito?! Anong gulo to?" sigaw nang isang babae
"Ahm, halika tulungan mo ako si Ace ang may kasalanan"- Pie
"Sus, nagpapalaban ka pa e, hoy Ms. President yang bestfriend mo nagsimula"
"Pie, SSC ka pa naman ano nanaman tong ginawa mo?" sambit nung babae, familiar yung boses niya kaya napaupo ako ng maayos
"E Kat, siya kasi nang-aasar"
"Tama na nga yan,  tandaan niyo Seniors na tayo tapos  nag-aaway pa kayo sa walang kwentang bagay"
"Tama, galing mo talaga idol" sabi ni Ace dun sa babaeng nakatalikod sakin at siya,  siya nga yung babae na nakita ko kanina President yung nakalagay na print sa uniform niya sa likod.
*Kriiing * Kring [Sound Effect yan ng school bell na ibig sabihin Break na nila]
"Tsk. Halika na nga Kat, basta unggoy parin yan" sabi ni Pie sabay kabit sa braso ni Kat tsaka lumabas sila.

Paano ko napa-ibig si Crush?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon