Pagbalik.

6 1 0
                                    

Akala ko noon, kaya ko na.

Matatanggap ko na ang kahit anong bagay na may kinalaman sa kanya.

Para saan pa't umusad na ako.

Pinilit ang sarili na magpakalayo.


Ilang beses na tayong nagkita at nagkasama.

Sa wakas, kaya ko nang sabihin na ako ay masaya.

Ngunit di ko akalain na sa aming pagkikita.

Babalik ang lahat ng sakit na nadama.


Bumalik tayo sa dati.

Ngunit pangalan niya ang parati mong minumutawi.

Sa pag-aakalang wala ka nang nararamdaman para sa kanya.

Ako muli ay nadismaya.


Muli kong hiniling na sana ako ay piliin.

Presensya ko sana ay siyang hanapin.

Ano pa ang laban ko kung sa huli ay siya pa rin.

Tibok ng puso mo pa rin ang siyang susundin.


Sabi mo noon hindi mo na siya mahal.

Hindi ko na siya itinuring bilang isang karibal.

Ngunit takot sa puso ko ay ayaw mawala.

Magbalik ang sakit at pighati ang araw-araw na pangamba.


Di mo man sabihin, aking nararamdaman.

Pigilan mang pilit ng iyong isip, ngunit puso mo ang lumalaban.

 Alam ko balang araw, tuluyan ko nang matatanggap.

Damdamin ko sa'yong di magtatagal ay magiging mailap.


Hilingin ko man sana'y ako na lang.

Ngunit parang ang puso't isipan ko ay masyado nang nadadarang.

Mahalin man kitang pilit ay walang magagawa.

Pangingibabaw ng pagod at sakit ang parating nadarama.


Ayoko nang maulit pa ang sakit na naranasan.

Isang kabanata sa aking nakaraan ayaw ko nang balikan.

Masakit mang ikaw ay iwanan.

Ngunit siguro ay oras na para sumuko sa laban.

Oras at TagpuanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon