Laban.

9 1 0
                                    

Ilang beses nagpakatatag at patuloy na sumuong para patunayan na kaya pang lumaban.

Lumaban para umasang sa huli ay mananalo.

Umasa na sa huli ay siya ang pipiliin.


Sa kabila ng kabiguan, sinubukan pa ring sumulong pa kahit unti-unti nang nauubos ang kahit anong bagay na tinitira niya para sa sarili niya.

Kahit nasasaktan, ipagpapalit ang kasiyahan iparamdam lamang ang pagmamahal.

Kahit napapagod, isasakripisyo ang oras iparamdam lamang na may karamay ito.


Hindi magagawang isumbat ang panahon na inilaan.

Hindi kailanman nabawasan at sa halip, patuloy lamang na nadaragdagan ang pagmamahal na iniaalay.

Ngunit ang pagmamahal din pala na ito ang nagdulot sa kanya na tuluyan nang mapagod... at sumuko.


Saan pa nga ba kukuha ng lakas kung ang tanging pinagkukunan niya nito ay walang mabigay na kahit ano pabalik?

Ano pa nga bang magagawa kung isa na lang ang patuloy na lumalaban?

Habang-buhay nga bang magtitiis kahit na nabubuhay na lamang siya sa sakit na dulot ng pagmamahal na ito?


Hindi inaasahan na isang araw, magigising na lamang na wala na ang lahat.

Kusang sumuko ang puso sa pagmamahal na di kayang ibalik at ipaglaban.

Dumating na ang oras kung kailan dapat nang sundin kung ano ang tama - umatras kung kailan may panahon pa.


Hindi ito madalaing tanggapin.

Hindi ito ang kaniyang inaasahan.

Hindi ito ang gusto niyang katapusan.


Sa kabila ng lahat, walang pagsisisi sa nagawang desisyon.

Ibinigay at ginawa niya ang lahat nang walang pag-aalinlangan.

Nagmahal kahit na masasaktan.


Dahil sa nangyari, natutong pahalagahan at mahalin lamang kung ano ang kinakailangan.

Natutong piliin lamng kung ano ang dapat panindigan.

Natutong magtira para sa dapat paglaanan.


Gaya ng kahit anong laban, pagkakataon na ang magsasabi na kinakailangan nang tumigil na.

Marahil, may mga laban na hindi sadyang maipapanalo.

Ngunit may mga laban na nakatadhanang simulan upang mabuo at makilala muli ang sariling pagkatao.

Oras at TagpuanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon