Sasapakin Talaga Kita, Nerdo!

104 4 6
  • Dedicated kay Lovelyn Martillano Tabion
                                    

This is a property of Flora_Otaku. 

Kahit na may pagkaloka-loka lang ako nung ginawa ko ang istoryang 'toh, mahal ko pa rin 'toh noh XD Kaya huwag niyo subukang nakawin 'toh, hahuntingin ko talaga kayo at papanain sa butas ng puwet niyo!

Echos lang XD 'Di na mabiro?!

---------------------------------------------------------------------------------------------------- v(.^w^.)v

Hay! Naku! Ang mga love stories ........

Paulit - ulit na lang ang mga kuwento.

Sa sobrang paulit - ulit na, mababasa mo na kaagad 'yung susunod na mangyayari.

Kung hindi naman paulit - ulit, kung anu-anong mga somewhat IMPOSIBLENG istorya ang mga naiisip ng mga romance authors.

Andyan na 'yung magkababata si Boy at Girl 'tas pagtanda nila, sila magkakatuluyan.

Mayroon namang instances na si Boy/Girl ay hearthrob sa school nila tas makakatuluyan nila 'yung hindi pansinin na nerd/bully/normal at plain na nilalang/estudyante/kaklase.

May mga istorya naman na magpapanggap yung bidang babae bilang lalake para sa crush nila or vice versa.

May mga pinagkasundo ng mga magulang na magpakasal na sa una, magkagalit 'tas unti - unti nilang magugustuhan 'yung isa't isa.

May mga istorya din na pogi/maganda si boy/girl at ubod ng yaman na para bang kaya niyang bumili ng kaluluwa ng tao tapos makakatuluyan nila 'yung mahirap na kung sino man 'yan.

Meron 'ding mga pangit sila nung simula tas gagawan sila ng make over 'tas may magkakagusto sa kanila and the likes.

Paulit-ulit na lang, nakakatigang na. Masyado ng scripted.

Kung iisipin naman kasing mabuti, hindi masyadong nangyayari sa totooong buhay 'yung mga pinagbabanggit ko. Hindi ko naman sinasabing totally na hindi nangyayari pero, kung totoong buhay lang naman ang pag-uusapan, kahit ipusta ko pa ang nipa hut namin sa tabing ilog, hindi laging nangyayari 'yung mga 'yun.

Mas madalas kung makita ngayon 'yung mga tipong naglulugawan, este, nagliligawan na lang out of the blue 'tas mayamaya sila na agad agad. Kumbaga, wala na 'yung magic. Ang bilis naman kasi! Wala na 'yung patience factor kung saan nag-aantay si girl/boy na mapansin siya ng crush nila. Ngayon kasi, the fast and the furious na ang peg. Malaman lang nung isa na type sya nung isa, papatol agad (hindi naman lahat, hehe :)))))

Pero what I'm trying to say is that, hindi lahat ng love stories bongga kung bongga. Hindi lahat sweet. Hindi lahat katulad ng mga nababasa natin sa mga fairytales. Hindi kasi lahat may happy ending and they live happily forever and after. 

Face it. Sa real life, marami diyang nabobrokenhearted. Maraming hindi mapansin-pansin ng crush nila. Maraming walang lovelife at tumatandang dalaga't binata. Mayroon 'ding bumababa ang tingin sa sarili dahil iniisip nila walang nagkakagusto sa kanila. May mga taong  walang manliligaw (tulad ko? T_T) at meron 'din atang walang nililigawan? (Weh?) xD

Hindi sa lahat ng oras, napakasaya ng lovelife.

Tandaan, when it comes to love, one must be prepared for consequences. Laging nakabaon ang isa mong paa pagdating sa relasyon.

Ang sabi ko nga kanina, hindi lahat ng love stories successful.

Minsan, kelangan 'din nating tumingin sa realidad, tumingin sa ano ba talaga ang totoong love stories sa tunay na buhay......

at tanggapin ang inihanda ng tadhana.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------- \\(^o^)//

FLOKU (short for Flora_Otaku XD, cute naman pakinggan eh, parang nanggagago lang :D) FLOKU's Note: Intro pa lang nagawa ko, naantok na kasi ako XDDDDD Palowbat na 'din kasi 'tong laptop, charge ko lang muna.  Ui, baka inisip niyong pang-emo 'tong story netoh ah. Masyado pang maaga para sabihin ean XD Di ko din alam magiging ending netoh eh, iniisip ko pa lang. Natripan ko lang gumawa ng intro ngayon, heartbroken ako eh XD Chos!

Ohsya, paabang please sa Chapter 1. Sana magustuhan niyo :-)

Sasapakin Talaga Kita, Nerdo!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon