Chapter 3

62 2 9
  • Dedicated kay CG Barba Sales
                                    

LUNCH TIME …

“Teh, tara na sa schoolfield. Lunch na tayo.” Nagising akong bigla nang kalibitin ako ni Lyn. Nakatulog ako eh, Math kasi last subject namin bago mag-lunch.Trigonometry. Kaya ko naman intindihin ‘yun eh. ‘Yung teacher lang namin ang di ko ma-take. Nakakabagot siya, sobraaaaaa.

“Eto na, eto na, tatayo na po.” Sagot ko kay Lyn. Naghihintay na sila sa labas ng classroom. Kinuha ko na ‘din yung lunchbox ko. Bigla kong naalala yung naiwang lunch ni Luke. Kelangan ko pa nga pa lang ihatid yun sa asungot na ‘yun.

“Ah, mga ‘teh, mauna na lang kayo sa tambayan. May kelangan pa pala akong gawin, eh.” Paliwanag ko sa kanila.

“Huh? Bakit? Ano gagawin mo?” Tanong ni Achelle.

“Nakalimutan nung magaling kong kapatid yung lunchbox niya, kelangan ko pa tuloy ihatid sa building nila.”

“Na naman???” Sabay sabi ni Crista.

“Hayyy .. alam mo, lagi na lang niyang nakakalimutan ‘yang lunchbox niya.” Sabi ni Heather.

“Simula pa nung first year tayo, tagahatid ka na talaga ng lunch dyan sa kapatid mo.” Sabi ni Lyn.

“Baka naman, tinitrip ka nun, para mapagod ka lagi kakahatid.” Sabi ni Crista.

“Guys naman, malay niyo, nakakalimutan lang niya talaga lagi yung lunch niya. Don’t be so hard on him.” Depensa naman ni Licca. Anghel talaga toh eh.

“Pero ang OA kasi, lagi niyang nakakalimutan yung lunch niya. Tignan niyo tuloy, si Mae ang nahihirapang magdala. Pangit na nga yung tao, lalong pumapangit.” Pang-aasar ni Lyn.

“Wow, ah! Akala ko naman worried ka talaga sa akin, yun pala may pahabol kang pang-aasar. Tse!” Sagot ko kay Lyn. Loka-loka talaga ang babaitang toh.

“Haha, joke lang naman, ‘teh. Di na mabiro?” At tawa ng tawa si Lyn.

Bigla namang nagsalita si Heather. “Pero seryoso ah, dapat kausapin mo ‘yang si Luke. Namumuro na eh. Nag-fourth year na lang tayo, lagi pa ring ikaw ang pinagdadala ng lunch niya. Minsan nga, iniisip ko, sinasadya nya lang na iwanan ‘yang lunch nya para pagurin ka. ‘Yang kapatid mo talaga, immature!” Wow, in fairness, ang cute pa rin ni Heather kahit naiirita na. Haha, gandarutay talaga ng besa ko. (Ah, BESA ang tawagan naming magkakaibigan. BESA, short for bestfriend, minsan naman, Ateng ang tawagan namin. Basta kung ano ang matripan namin :)))

“Hayaan niyo na. Sige, mauna na kayo. Hahabol na lang ako.” Wala na rin silang nagawa, nauna na lang sila sa tambayan namin, which is sa schoolfield, at pumunta na ako sa building ng mga lalake para ihatid sa Luke na yun ang lunchbox niya.

Nung nasa harap na ako ng building nila Luke, dire-diretso lang akong pinapasok ng guard. Kilala na niya kasi ako. Alam na niyang si Luke ang sadya ko kasi nga kelangan kong ihatid yung lunchbox niya. First year pa lang kami ni Luke, ganito na lagi ang sitwasyon. Tagahatid ako lagi ng lunchbox niya. Let’s just say na nasanay na si Manong Guard sa paghahatid ko ng lunch.

Hindi naman bawal na pumasok sa building nila, pero hindi ka puwedeng basta-bastang pumasok.

Ano kaya ang mangyayari ‘pag pinagsama mo sa iisang building ang mga lalake?

Grabe! Parang may riot sa building na ‘toh lagi. Yung mga lalake dito, parang may party everyday. ‘Pag pasok ko pa lang sa lobby, nagbabatuhan na ng mga papel na nilukot ang mga first years. May mga naghahabulan, nagkakantahan habang may naggigitara, may mga nakatambay, may mga nakabilog habang parang nagmemeeting de abanse XD, at may mga nangtitrip lang. Lunch time na kasi kaya ganito ka wild ang mga chanak na freshmen.

Sasapakin Talaga Kita, Nerdo!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon