Chapter 1
Krriinngg … Krinngg …!!!
Bigla akong nagising sa tunog ng alarm clock ko.
Umaga na nga pala. May panibagong araw na namang nadagdag sa buhay ko. Thanks Lord for letting me start a new day.
Ngingiti-ngiti pa ako habang sinasabi ‘yun ng utak ko. Sa takbo ng buhay ko, talagang thinking positive na lang ang makakapagpagaan ng kalooban ko. Sa dinami-dami ba namang pagsubok ang dumadating sa akin eh.
Oh well, enough about that, maliligo na muna ako at nang makapaghanda na para sa school. Kinuha ko na ‘yung towel ko at rumampa na papuntang banyo.
Mabilis lang naman akong maligo, isang saboy lang ng tabo then magsasabon at magshashampoo na agad. Minsan naman, hindi na ako nagshashampoo. Sabi kasi ng teacher ko sa MAPEH (health education? Haler XD) nung elementary pa lang ako, 3 times a week lang daw dapat magshampoo para hindi maover sa dryness ang hair.
Pero, wala naman talaga akong pakialam sa buhok ko, sinunod ko lang ‘yung turo ng teacher namin dati kasi sa ganoong paraan, makakatipid ako ng shampoo. Ipun-ipon din ‘di ba?
After kong maligo, nagsuot ako ng uniform ko. Madalian lang. ‘Tas pinatuyo ko saglit ‘yung buhok ko tapos tinalian ko nang papony tail. Ayaw ko na nakalugay ‘yung hairdo ko. Nakakairita sa pakiramdam eh lalo pa’t mahaba ang buhok ko.
Sa sobrang haba ng buhok ko, malapit nang umabot sa puwetan ko, ‘pag nagkataon puwede na ‘tong gawing tissue paper ‘pag dudumi ako. XD
Hindi rin ako nagmemake-up kaya mabilis akong nakakababa sa maliit naming kusina/mini living room para kumain ng almusal.
Maliit lang ang bahay namin kaya iisa lang ang kusina at living room namin.
Two floors lang yung bahay namin ‘tas sobrang masikip. Pero kahit ganun, may kanya-kanya pa rin naman kaming kuwarto, maliit nga lang. Eh sa mahirap lang kami, eh.
Going back to the make-up issue, ewan ko ba, para sa akin, pangmalandi lang ang make-up tsaka bagay lang ‘yun sa mga magaganda, ‘di tulad ko na biniyayaan ng sobrang kapangitan.
Seryoso, ang pangit pangit ko. Pango, pandak (can you believe na kahit 16 years old na ako eh 152 cm. lang ako?) baluga, mataba (52 kilos lang naman ang timbang ko), may napakapangit na mukha, malaki ang eyebugs, may isang bulok na ngipin (at nasa harap pa siya kaya hindi ako palangiti, kasi tiyak, magliliwanag ang bulok na ngipin ko) at higit sa lahat, malabo pa ang mata ko, as in parang Betty La Fea ang effect. Kelangan ko kasing magsuot ng makapal na salamin.( Nerd na talaga ang dating ko sa mga readers ng story na ito. XD)
Pero kahit ganoon, ‘di ko inisip na baguhin ang hitsura ko. Kontento na ako sa kung ano ang binigay sa akin ng Diyos. Kung hindi ko kasi mamahalin ang sarili ko, sino pa ba magmamahal ‘di ba? Ako’t ako lang ang magmamahal sa sarili ko.
At pagkatapos kong maglitanya sa inyo mga readers about my physical appearance, siguro naman puwede na akong mag-almusal? Hehe eklat lang. XD
“Mae! Handa na ang almusal mo! Bumaba ka na!” tinatawag na ako ni mudra para kumain.
“Opo! Pababa na po.” Agad naman na akong bumaba para mag-almusal. Breakfast kaya ang pinakamahalagang meal of the day kaya hindi puwedeng mag-skip.
Ah, oo nga pala. Ako si Jun Maelstrom E. San Martino. Mae for short. 16 years old at graduating na sa high school. Actually, today is my first day as a fourth year high school student and kinakabahan na ako. Siyempre, ito ang magiging stairway ko for college. Kailangang galingan ko.
BTW, siguro nagtataka kayo sa pangalan ko, Jun Maelstrom … Panlalake pakinggan noh? IKR na IKR! ‘Di ko rin alam kung sabog ang mga magulang ko nung pinangalanan nila ako or what. I mean, Jun Maelstrom? Haler! Mukha ba akong lalake? Pero, sa bagay, hindi rin naman ako mukhang babae eh, ‘yung mukha ko ba namang ito. Tinapakan ata ng elepante kaya nawala ‘yung beauty at nagmukhang pangwitch ang aura ko. Anyways, wala na akong magagawa, nasa birth certificate ko na ang JUN MAELSTROM E. SAN MARTINO. Ito na talaga ang pangalan ko.
BINABASA MO ANG
Sasapakin Talaga Kita, Nerdo!
Teen Fiction'Yung mga lovestory ngaun, pareparehas na lang. Mabilis na mabasa ng iba kung ano ang susunod na mangyayari. Paano kung ganito ang mabasa niyo?