"Walang hiya ka! pina-laki kita ng maayos! pinag-aral kita tapos ano?! ito ang igaganti mo?!", bulyaw ng ina ni Lloyd at galit na galit na pinag hahampas ng ina ang kanyang dibdib.
"Ma, tama na... tama na please?", paki-usap nito habang pilit niyayakap ang kanyang ina at pina-pakalma.
"Nasisiraan ka na ba ng ulo? papatol ka sa isang babaeng mas mahirap pa sa daga ang pamumuhay! Hindi ka nababagay sa kanya Lloyd!!",muling iyak ng ina at itinuro ng kanyang daliri ang kinatatayuan ni Sarah na iyak ng iyak.
"Ma, that's my decision.. i love her please support me on this...", paki-usap niya. Nagma-makaawa itong hinawakan ang kamay ng ina at idinampi sa kanyang pisngi.
Tinabig naman ito ng kanyang ina at huminga ng malalim.
"Kung ganon...mapipilitan akong alisin lahat ng meron ka ngayon at itakwil ka sa pamilyang ito kapag pinili mo yang hampas lupang babae na yan kesa sa sarili mong pamilya",mahinahon ngunit madiing banta ng ina.
Nan-laki ang mga mata Lloyd at mabilis na lumingon sa kanyang likuran upang tingnan si Sarah na tila kinakabahan at natatakot sa ano man ang isa-sagot niya.
Ilang segundong limipas hinarap nito ang kanyang ina.
" Hindi na po ba magba-bago ang disesyon mo Ma?", lakas loob nitong tanong.
" No son, my decision is final", nakati-tiyak na sagot ng ina.
.
.
.
.
.
.
.
"Then I guess... this is a good-bye...'Ma'?", paalam nito at mabilis na hinapit ang kamay ni Sarah at lumabas ng pamamahay ng kanyang 'dating ina'.
"Lloyd!!", sigaw ng ina sa kanyang isipan habang pina-panood nitong lumabas ang anak at si Sarah. Tila hindi maka-paniwalang ganoon ang desisyon ng kaisa-isang anak.
Naiwang gulat na gulat at luhaan ang ginang. Napa-upo ito sa sopa at patuloy na umiiyak, na mumula na ang mga mata nito tila sising-sisi sa biglaang desesyon na binitawan niya.
Ngayong mag-isa na lamang siya dahil yumaon na ang ama ni Lloyd ilang taon na ang lumilipas at tanging siya na lamang ngayon ang magpa-patakbo ng kanilang kumpanya.
.
-----------
.
Walang imik na naka-upo sila sa duyan ng palaruan sa parke. Iyak pa rin ng iyak si Sarah habang si Lloyd naman ay pinipilit na pakalmahin ang sarili.
Tumindig ito at lumuhod sa harapan ni Sarah at hinawakan nito ang kanyang mga kamay.
"Kakayanin natin to ha?... nakapag tapos na tayo ng pag-aaral hindi tayo mahihirapang mag-hanap ng trabaho...kaya natin tong lampasan... Mahal na mahal kita",taos pusong sabi nito at matagal na hinalikan ang noo ni Sarah.
"Kakayanin natin to... sobrang mahal na mahal kita... hindi ko alam kong anong gagawin ko pag nawala ka sakin",tugon ni Sarah, niyakap niya ng mahigpit si Lloyd habang patuloy na puma-patak ang kanyang mga luha sa kanyang mga mata.
"Let's go?", tanong ni Lloyd. Tumango naman si Sarah at inakay na syang mag lakad.
"Saan tayo pupunta hindi naman sapat yong pera natin",tanong ni Sarah habang sila ay palabas ng parke.
"Sa bahay...", simpleng sagot ni Lloyd.
" Sira ka talaga... eh galit nga yong Mommy mo sayo at sakin",sabi ni Sarah.
BINABASA MO ANG
In Their Eyes
FanfictionIsang kathang isip patungkol sa buhay ng dalawang tao na patuloy lumalaban sa lahat ng pag subok; pamilya man ito o ang pusong nakiki-hati. PURE IMAGINATION... written in Filipino language some may be written in English.