Alas dos na ng madaling araw ay gising pa rin si Mrs Bernardo. Isinalin niya ang isang alak sa kanyang baso at saka ito inom. Abalang abala siya sa pag aasikaso ng mga papeles ng kanyang negosyo. Puyat, antok,pagod at lungkot man ang kanyang nararamdaman ay hindi niya kayang pabayaan nalang ang pinaghirapan ng kanyang asawa. Batid sa ka alaman ng kanyang anak importante sa kanya ang kanilang negosyo sapagkat hindi lamang ito ang kanilang ikinabubuhay, ay isa itong dahilan kung bakit mas lalong nag kalapit sila ng loob ng kanyang yumaong asawa. Ang kompanyang ito ay saksi ng kanilang tagumpay at kabiguan na hindi alam ng nakararami. Hindi siya kasing galing ng kanyang mag ama sa pamamalakad ng kompanya kaya naman ay nakakaramdam ito ng hirap at pag aalinlangan sa mga desisyon na kanyang ginagawa.
Muli itong nag salin ng Jack Daniels na alak at mabilis nitong ininom, parang isang matalim na bagay ang gumit sa kanyang lalamunan habang dahan dahang dumadaloy ang likidong pansamantalang nakakapagpalimot ng kanyang suliranin. Umi ikot na ang kanyang paningin at mukhang tinamaan na siya ng kalasingan. Dahan dahang pumipikit na ang kanyang mga mata at sa ilang saglit lang ay nakatulog na ito habang ang kanyang ulo ay naka unan sa kanyang kanang braso. Nagkalat ang mga dokumentong kanyang pinag aaralan sa mesa at ilan sa mga iyon ay na hulog na sa sahig. Hahang ang kanyang laptop ay unti unti na ring namamatay dahil sa nauubusan na ito ng baterya.
Maagang nasing naman ang ina ni Sarah at agad na nag luto ng kanilang almusal at ng kanyang dadalhin para sa asawa niyang nasa kulungan. Hindi na niya matiis ang pagkasabik na makita itong muli. Dahil simula ng makulong ang kanyang asawa ay bihira na niya itong dalawin sapagkat hindi niya matanggap na nakapatay ito ng tagapangasiwa sa pinag tatrabahuhan nitong bar kaya naman lubos siyang nasaktan ng malaman niya na kaya pala nitong pumatay ng tao. Itinanggi man ng kanyang asawa na hindi siya ang salarin ay hindi niya ito mapaniwalaan sapagkat meroong ebidensya laban sakanya; isang matalim na kutsilyo na may markang bilog na asul ang nasa hawakan nito at nang sinuri ng polisya ang armas ay bakas ng kanyang kamay at daliri ang tumugma dito. Nakaratay sa loob ng opisina malapit sa kulay kapeng mesa ang katawan ng isang bangkay na lalaki at may malalim na saksak malapit sa kanyang puso at ang kanyang dugo na nagmula sa kanyang sugat ay nagkalat na sa kanyang gilid. Hindi naman makita ang cctv type na makakapag absuweldo sakanya sapagkat may nagnakaw na nito at pinaghihinalaang may mga kasabwat pa siya sa pag patay sa kanilang amo.
Limang taon nang nakakulong ang ama ni Sarah at mabibilang pa rin sa daliri ng iyong kamay kung ilan beses pa lamang nila itong nadalaw sa loob ng rehas na bakal.
"May pupuntahan ho kayo?", antok na tanong ni Sarah habang bahagyang kinakamot ang dulo ng kanyang ilong. Umupo na ito sa isang silya at kumuha ng pagkain.
"Pupunta ako sa tatay mo, matagal ko na rin siyang hindi na dadalaw at isa pa...", nag mamadali nitong isinisilid ang kanyang dadalhin sa isang puting plastik bag.
"Na mimiss ko na sya, 'nak...", napatingin ito sa dalaga na medyo na mula ang kanyang mga mata na tila may nag babadyang luha na papatak sa kanyang mukha, ano mang segundo. Agad namang tumindig si Sarah at niyakap ng mahigpit ang kanyang ina habang hinahaplos ang likod nito.
"Ako rin po, sasama po ako", tugon nito. Mabilis siyang nag ayos ng sarili at sabay silang umalis ng kanilang bahay para dalawin ang kanyang ama.
Tanghaling tapat na ay patuloy pa rin si Lloyd sa pagtawag ng numero ni Sarah. Walang sumasagot sa kabilang linya kaya naman sobra na ang kanyang pag aalala. Hindi na siya nakadaan sa bahay ng dalaga dahil mahuhuli na siya sa trabaho kaya naman ay naisipan na lang niyang tawagan ito sa telepono ngunit wala namang sumasagot. Napagpasyahan naman niyang mamaya nalang ito kontaking muli. Ilang oras ng ang lumipas ay sinubukan na naman niya itong tawagan ulit hanggang sa may sumagot sa kabilang linya. Halos maraming tao sa shop na pinag tatrabahuhan niya na bumibili ng mga kasangkapan ng kotse katulad ng gulong at makina, ang ilan naman ay nagsusuri ng mga kotseng mag kakasunod na nakahanay kung saan ito naka display.
BINABASA MO ANG
In Their Eyes
FanfictionIsang kathang isip patungkol sa buhay ng dalawang tao na patuloy lumalaban sa lahat ng pag subok; pamilya man ito o ang pusong nakiki-hati. PURE IMAGINATION... written in Filipino language some may be written in English.