Maagang nagising si Lloyd dahil balak na niyang pumasok sa trabaho. Nag handa na siya ng kanilang almusal pag katapos ay naligo. Ginising na niya si Sarah para sabay na silang kumain. Dahan dahang iminumulat naman ng dalaga ang kanyang mata dahil nasisinagan siya ng araw. Umupo ito at nag kusot ng mata at hinalikan naman siya ni Lloyd sa noo.
"Good morning..", bulong niya. Sabay ngiti niya kay Lloyd.
"Good morning.. kain na tayo may work pa ko eh.", saad ni Lloyd at tinulungan niyang tumayo si Sarah. Nag tungo naman si Sarah sa banyo at mabilis na nag ayos ng sarili.
"Babe... mamaya pa yung work ko, hatid mo nalang ako sa palengke. Tutulungan ko muna si nanay", paalam ni Sarah habang nilalagyan niya ng kanin ang plato ni Lloyd.
"Yeah sure.",sagot nito.
.
.
.
Nag aayos ng mga panindang prutas ang Ina ni Sarah ng maabutan niya ito. Hindi na nagbaba si Lloyd dahil malapit na rin siyang mahuli sa trabaho.
"Nay..", bati nito at hinalikan ang kanyang ina sa pisngi.
"Oh..bakit nandito ka? Wala ka bang trabaho ngayon? Nasan si Lloyd?",sunod sunod nitong tanong at balik sa pag sasalansan ng mga ibat't ibang prutas.
"Ah.. 'Nay may work po si Lloyd nag pababa lang po ako dito sakanya... mamaya pa po yong trabaho ko sa Bar", sagot ni Sarah.
"Kamusta naman kayo 'nak, kamusta ka?", nag aalalang tanong ng Ginang. Napatigil naman ang dalaga sa pag aayos ng mga prutas at tumingin sa mga mata ng kanyang ina.
"Ok naman po kami ni Lloyd...Hindi pa rin po sila nag uusap ng mom niya", tugon ni Sarah at umupo sa plastik na upuan. Kumuha naman ng isa pang upuan ang kanyang ina at tinabihan siya.
"Magiging ok din ang lahat 'nak... tiwala lang...Samahan mo rin ng dasal, ipag dasal mo yong matapobreng babaeng yun ng maputulan ng sunggay!", biro ng Ginang. Sabay silang napa tawa at niyakap nila ang isa't isa.
"Salamat 'nay, I love you", ngiti nitong tugon.
***
Itinext niya si Lloyd na papunta na siyang trabaho, nag paalam na rin siya sa kanyang ina. Sumakay na siya ng jeep at nag pababa sa isang Bar kung saan siya nag ta trabaho...ang The Teenage Club. Isa siyang mang aawit dun tuwing alas quatro ng hapon hanggang alas nueve ng gabi.
"Bilisan mo na friend! Malapit na gig mo...",bungad sa kanya ng malapit niyang kaibigan sa Bar na iyon habang nag ngunguya ng chewing gum, isa itong mang aawit kayulad niya.
"Oo sige, dun na ko", niyakap niya ang kaibingan niya at madaling pumunta sa stage.
Hindi pa halos puno ang Bar dahil sa masyado pang maliwanag sa labas kaya naman hindi pa sila ganun kaaligaga. Sa bawat limang kanta ay mag pahinga siya para umimom ng tubig at mag basa ng mga song requests. May iniabot na maliit na papel ang isang waiter. Isang song request galing sa isang binata na ngiting ngiting na kaakbay sa kasintahan nito.
"May nag rerequest at mukhang lalanggamin tayo dito sa loob... sa sobrang ka sweetan nitong dalawa...",biro niya. Ibinulong naman niya ang kanyang kakantahin sa guitarista at nag handa na sila. Sinimulan ng nag pa piano ang tugtog.
"Guys...share ko lang huh?... ang lyrics nitong kakanyahin ko eh nakaka-relate din ako at napa ka swerte ko na makasama ko at makasalo ko sa magandang experience ang mahal na mahal kong Babe. So here you go lovebirds!!.", pahayag niya na pabiro na kinikilig. Huminga siya ng malalim at sinumulan ang kanta.
"There are times when I just want to look at your face" hindi lang minsan... lagi kong gustong titigan ka Lloyd..
"With the stars in the night"
BINABASA MO ANG
In Their Eyes
FanfictionIsang kathang isip patungkol sa buhay ng dalawang tao na patuloy lumalaban sa lahat ng pag subok; pamilya man ito o ang pusong nakiki-hati. PURE IMAGINATION... written in Filipino language some may be written in English.