Chapter 2

170 2 1
                                    

***Ringing***

.

.

Lubog na ang araw ng tumunog ang telepono ni Sarah. Ito ang kanyang ina, agad niya itong sinagot at kina-usap.

"Ma?..", nanginginig na salubong niya sa kanyang ina.

"Bakit hindi ka umuwi kagabi?!... may nang yari ba na masama sa iyo??..'ni hindi mo manlang ako tinawagan ng hindi ako nag hintay hanggang madaling araw kung darating ka! Hindi kita ma-contact kanina, dahil naka patay yang telepono mo.. ngayon gabi nanaman hindi ka parin nakaka uwi", sunod-sunod na saad ng kanyang ina. May bahid na inis ngunit lamang ang pag aalala.

Hindi alam ng dalaga ang sasabihin... saktong pasok naman ni Lloyd sa kusina kung saan naroon si Sarah. Nakita niya itong hindi mapakali at tila na uutal.

"Ma... low battery po kasi ako kanina...K-kasama ko po si L-Lloyd...nandito po kami sa bahay niya", utal na ani nito.

"Jusko naman!! sinabing huwag kana munang makipag kita sa lalaking yan ginu-gulo nilang ang buhay natin!! nasan ka ba ngayon at susunduin kita..", galit na saad sa kabilang linya.

Senenyasan siya ni Lloyd na siya na ang kaka-usap sa ina ang dalaga. Agad namang ibinigay ni Sarah ang telepono.

"Ahmm... Tita...s-si Lloyd po ito...", pakilala niya sa kabilang linya.

"Iuwi mo na ang anak ko, kung hindi ako mismong susundo sa kanya jan!!...", galit na saad ng ginang.

"Sige po pero gusto ko rin po kayong maka-usap pagka-hatid ko po sa anak niyo...", magalang napaalam nito.

Narinig niyang bumuntong hininga ang ginang. Hinawakan naman siya ni Sarah sa kanyang kaliwang kamay na ipinapahiwatig kung 'sigurado ba ito'.

"O..'Sya..Sya.. sige", pag payag ng ginang. Napangiti naman si Lloyd habang nakahinga naman ng maluwag ang dalaga.

***

Agad namang kinuha ni Lloyd ang susi ng kanyang kotse nag maneho ito patungo sa tirahan ng dalaga habang hawak ang kanang kamay nito.

"Sigurado ka na kakausapin mo ang magulang ko?", tanong ng dalaga sa kanya.

"Oo naman.. para medyo mapanatag ang loob ko..at ikaw rin", agad nasagot nito.

Kalahating minuto rin ang byahe para makarating sa maliit na lugar nina Sarah. Agad nilang nakita ang Ina ng dalaga na nag aabang sa kanilang dalawa. Huminto sila sa harapan ng bahay nito at madaling pinag bukasan si Sarah.

"Sarah..", agad na niyakap ng mahigpit ng ina ang dalaga at tinugon naman niya iyon.

"Ma.. sorry po..", naiiyak niyang saad. Nang umalis na ang ina sa yakap ay sinabihan muna niya ang dalaga na 'Mag-uusap tayo mamaya' at agad niyang hinarap si Lloyd.

Pumasok na ang dalaga sa munti nilang bahay at nag hintay na matapos mag usap ang dalawa.

***

Ang ina ni Sarah ay nag titinda ng mga damit sa palengke sa tuwing nauubos na ang mga paninda niyang mga prutas. Siya ay nakapag tapos ng haiskul ngunit hindi nakatuntong ng kolehiyo sapagkat laki siya sa hirap at walang pang tustos ng kanyang pag-aaral ang kanyang mga magulang.

Naka pangasawa siya ng isang musikero na ang tangging trabaho ay tumugtog sa isang bar na kung saan ay sanhi ng pag kakakulong nito sapagkat napagbintang na isa ito sa nagnakaw at pumatay sa tagapamahala ng kanyang pinag tatrabahohan.

Kaya naman iginapang niya ang pag aaral ni Sarah ng kolehiyo upang mabigyan ito ng magandang kinabukasan, na ang lagi niyang sinasabi sa dalaga ay... 'magsumikap ka sa pag aaral...dahil tanging iyan lamang ang maiipa-pamana namin sa iyo ng tatay mo'' at tinupad naman ni Sarah iyon.

In Their EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon