Chapter 19 - I Am Interested To You

118 7 0
                                    

Time: 6:36 PM

Maliwanag ang buong kabahayan, may kuryente na. Habang ang tatlong kapatid, hindi maalis ang mga titig sa mukha ko at kasuotan.

Anong nangyari sa mga ito? Alam ko maganda ako pero over naman.

Habang si mama ay patuloy pinapaganda ang tinalian nitong buhok ko. Kumikislap ang mga mata habang napatitig sa akin.

"Ang piggy noon, ngayon isa ng magandang dilag," ani ni Shill.

"Underestimated... isang enkantada ang nasa harap natin, kapatid." Si Shane naman.

"Mga panget observation niyo at nabubulag kayo," sagot ng kasupladuhan ni Shero.

Masungit pero nandito? Sipain ko kaya?

"You mean, may mas magandang term para kay bunso?"

"Meron... panget."

Tuluyan ko ng sinipa, sa isip ko lang. Hindi pwede gawin ng nakaharap sa inosenteng ina at si Sandy.

"Mag-iingat ka doon, anak." May pag-aalala na ngayon sa ina.

"Hindi naman siguro nila ako papatayin doon?" Pa-inosenteng tanong habang ngumunguya ng grapes.

"Wala silang gagawin kapag sa harap ng mayor," ani ni Shane.

Ang layunin ng mga ito kung bakit pinaalam sa akin ang okasyon dahil para makita ko ang sakop ng kalaban, kung sino ang kakampi o kaaway.

Kailangan pa ba?

"Pero ang mas inaalala ko, hindi ang party o ang Arsela... yang boyfriend mo Gea. Hindi maganda pakiramdam ko sa kanya. Nagkwento sa amin si Shane kung ano ginawa niya sa grupo ni Portus nang magkita kayo. Hindi ako palagay sa personalida--"

"Mas inaalala ko si Portus, gago ang lalaking iyon," singit ni Shero sa sinasabi ni Shill.

"Kung huwag ka na kaya tumuloy?" Mula kay Shane.

Marami pa sila napag-usapan, delikado o hindi. Mas marami ang una. Mas hindi sila palagay makasama ko si Ameru. At ang lalaking iyon, paano magiging delikado kasama hindi nga namamansin. Buong hapon natutulog sa may duyan sa terasa habang naglalaro sa paligid nito si Sandy.

Bakit nagbago ang timpla? Dahil ba sa painting ko kanina? Ano naman doon? Hindi ko rin kaya pansinin? Tingnan kung sasama. Pero nasa lalaki ang invitation. Ano kaya kung itulog ko na lang ito?

May kumatok sa pinto, bumukas at nagpakita ang lalaking nakasuot ng brown suit. Maganda ang pagkakatayo habang sumandal sa hamba ng pintuan. Nag-cross arm at relax naghihintay.

Inalis ko agad ang tingin at nilipat sa pamilya. "Alis na kami."

Tumayo at naglakad papunta sa lalaki. Wala sana balak pansinin ito pero inilahad ang mga braso, sinalubong ako ng yakap. Bago pa balak umiwas ay nakapaloob na sa mahigpit nitong pagkakayakap.

"Sweetheart."

Mabango ang naaamoy galing sa damit nito, parang mahirap lumayo. Pero kung hindi gagawin, nasa likod ang pamilya at maraming audience.

"Let's go." Kumawala sa yakap at hinawakan ko siya sa kamay, nagpatianod sa akin. Sabay papalabas sa amin ang nakasunod na pamilya, si papa ang wala.

"Ingat kayo doon anak, Ameru," ulit ni mama.

Parehas sa mga kapatid. Hanggang makasakay sa sasakyan, nanatili ang mga ito sa may pintuan.

Parang labanan ang pupuntahan ko ha? Anong drama? Kung horror o action kaya? Totohanin ko sa party? Huh.

"I don't want you to be with other men, aside from me," mula sa katabi.

At bumalot ang mapanganib na pakiramdam sa ere.

BOOK 7 - CONCEALERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon