Chapter 2

108 3 0
                                    

Trisha's POV

Heyy guys I'm Patrisha Anne Atienza. And I'm Katherine's Best Friend. Bes ang tawag ko sa kanya. Babies pa lang kami best friends na kami. hahaha. Mag best friend din kasi yung mga parents namin. Anyways, back to reality.

Kadadating lang namin sa simbahan. 

"Ayun oh may bakanteng upuan dun sa unahan" 

"Osige tara na, Ayy wait" Kay

"Oh anong nangyari sayo?"

"Ito kasing lalaking ito binunggo ako" kay

"Miss naman kasi pahara hara ka dyan alam mo namang maguumpisa na yung misa" pasigaw na sagot nung cute pero mayabang na lalaki.

"Ahh okay lang, diba bes?" kinikilig na sagot ko.

"Anong okay lang? Grabe ha, masakit kaya yun, nadumihan pa yung damit ko" Kay

--Lumakad na papalayo yung lalaking nakabunggo kay bes. And take note, ang cute cute nya. Hmm, ano kayang name nya?

"Naku bes, ang cute nya diba??" 

"Anong cute?, grabee ang yabang nya ha tapos hindi man lang nagsorry. Hay naku nakakainis nasa simbahan pa naman tayo tapos nagtaray ako" Kay

"Okay lang yan bes kalimutan mo na yun. Magsisimula na pala ang misa dito na lang tayo umupo sa may likod"

"Sige."  Kay

Pagkatapos ng misa agad kaming lumapit sa pari para magbless. Pilit kong hinahanap yung lalaking nakabunggo kay bes pero siguro umuwi na sya.

"Bes, ang cte talaga nung lalaking nakabunggo sayo no??"

"Cute? Anong cute dun? Mukha nga syang unggoy eh tapos ang yabang pa nya. Kakainis." Kay 

"Naku baka naman mainit lang yung ulo nya kaya napasigaw sya or baka nabigla sya"

"Hay naku bes, bakit ba natin sya pinaguusapan?? ASlis na nga tayo baka makita pa natin yung unggoy na yun" Kay

Kay's POV

Kagagaling lang namin sa simbahan. Hayy naku kakainis naman ang simula ng araw ko. Nabangga pa ako ng mahangin at mayabang na unggoy na yun. Tapos yung bes ko mkhang nainlove pa sa unggoy. Hayy. Pano pa kaya gaganda ang araw ko?

(Sa Bahay) 

"Oh anak bakit nakasimangot na naman yang maganda mong mukha??" Mommy

 "Eh kasi may lalaking nakabunggo dyan tita, ang cute cute nga nya eh pero masungit ng konti pero cute pa din sya" Trish

"Ha? Sinong lalaki?? Ano ba talagang nangyari kay?" Mommy

"HAY naku mommy long story po eh kaya wag na natin pagusapan"

"Osige. Basta be ready lang ha kasi maglulunch tayo kasama yung amiga ko tapos ipakikilala ka daw dun sa anak nya" Mommy

"Po? Aalis tayo? Sunday ngayon ma and it's my last day of vacation. Tinatamad po ako atsaka gusto ko kasama si Trish para may makausap naman ako"

"Sige isasama natin si Trish basta behave lang kayo dun ha" Mommy

"Sure thing po behave lang kami, right Trish??" (wink)

"Ofcourse bes, tayo pa :D" Trish

 "Oh baby saan ka ba galing kanina sa simbahan ang tagal mo dumating?" Mom

"Ahh yun po ba?, naku long story po eh. Let's not talk about it na lang"

"Ok anak, basta magayos ka na ha. We'll be having a lunch with my amiga and ipapakilala din kita dun sa anak nya. She'll be your first friend sa school. Dun din kasi sya nagaaral sa school na papasukan mo." Mom

"Ok po."

Heyy guys, I'm Christopher Joshua Diaz. But you can call me Chris.  I'm an incoming senior student. Kakabadtrip nga eh kasi kung kailan senior na ako tsaka pa natripan ng parents ko na lumipat dito sa batangas. But on a second thought, I don't really care kasi wala naman akong pakealam sa school. Ang may pakealam lang ako ay ang passion ko which is MUSIC. Bata pa lang ako I really dreamed of being the most popular guitarist dito sa Pinas. (well, kahit abroad na din). Okay na yan diba. Let's get back to the story..

"Haay naku, kakainis talaga yung babae dun sa simbahan. Sya na nga yung nakahara sya pa ang galit. Para syang Tigre. Kakainis, napahiya pa tuloy ako sa madaming tao akala siguro nila mayabang ako.. Hayy." 

"Oh nagsasalita ka na naman magisa dyan. Sino ba kausap mo??" Dad

"Heyy dad. Wala po. Badtrip lang talaga ako. Tapos First day of school na bukas"

"Oh bakit naman badtrip ang unico hijo ko? And don't worry about school sabi ng mom mo yung amiga daw nya ay may anak na magtotour sayo sa new school mo bukas." Dad

"Sabagay sabi nga ni mom na may new friend na daw ako. Anyway, let's not talk about school dad. Let's talk about this girl that I met sa simbahan kanina. Kaya po ako nalate eh kasi pahara hara yung girl tapos nabangga ko sya. Omg dad, she's so masungit at maarte"

"Ahh kaya ka pala late ha. Well, who's the girl? Naku, love at first sight yan anak." Dad

"LOVE AT FIRST SIGHT??!! Now way dad. That's not gonna happen.. Dad, Let's not talk about her."

"Ok. whatever you say son. Oh sya, punta lang ako sa baba ha. Magayos ka na para sa lunch sa Aristocrat. Okay?" Dad

"Yes dad. :D"

@Aristocrat Restaurant:

"Mare, nandito na kami sa restaurant. Asan na ba kayo?... Ah, ganun ba? Oh sya, hihintayin na lang namin kayo." Mom

"Ma, nasan nayung amiga mo?"

"Malalate daw sila ng konti kaya chill lang kayo ha" Mom

"Alright mom. Gagala lang po ako sa labas ha. Magpapahangin lang po"

"Sure thing anak. Basta be back in15 minutes ha" Mom

"Yes mom."

____________________________________________________________________________

Thank you po sa mga nagbasa ng chapter 1. Abangan nyo po ang first meeting nina Kay and Chris. :D

Your Guardian AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon