Kay's POV
Lunch Time. Nagpunta na kami nina Trish at Tim sa cafeteria. Asan na kaya si unggoy? Itatanong ko sa kanya yung deal eh. Hayy baka takasan pa ako nun. Habang naglalakad nagiisip din ako ng madaling deal. Hmm, asan na kaya yun.
"Bes, bakit parang may hinahanap ka? Kakain ka ba kasi kami ni Tim pipila pa para umorder ng food sasama ka ba?" Trish
"Hinahanap ko kasi si Unggoy. Alis na ako ha hindi kasi ako kakain pupunta lang ako sa may chapel. Bye see you guys later"
"Okay. BYE bes." Trish
"Bye Kay" Tim
Habang naglalakad papunta sa chapel napadaan ako sa music room at narinig ko ang napakagandang melody na gamit ay guitar. Kung hindi nyo natatanong may passion din sa Music. Kasi parang ito ang nagpapagaan sa feelings ko. Pumasok ako sa loob and nashock ako sa nakita ko. Si UNGGOY yung tumutugtog?!!?? 0_0
"0_0"
"Kay, pasok ka alam ko na yung deal natin" sabi ni unggoy
"Ano yun? Bilisan mo at akoy nagmamadali" well, honestly wala naman talaga akong pupuntahan kaya lang gusto ko na umalis kasi ayoko kasama si unggoy.
"Let's have a dinner date tonight"
"WHAATTT?? Are you crazy?? How sure are you na magaagree ako sa deal na yan?" ano ba talagang nasa utak nitong lalaking to?? hayy. -_-
"Kasi kapag hindi ka nagagree edi ibig sabihin ibinibigay mo na yung iPod mo sa akin. This is your last chance kasi ayaw mo akong itour at ipagluto kaya last na to. So ano okay lang ba sayo??" sabay ngiti ni unggoy
"Fine. I will go out with you tonight" -_- I'm trap. :( kakainis naman itong unggoy na to eh. Crap!
"Good. Sususnduin kita ng 8:30 sharp sa bahay nyo ha. Wait for me. ^_^" fvck. I hate him soo much. Ang yabang nya.
"Hey Chris I'm sorry pero you have to leave na kasi may practice na ang Glee Club ngayong lunch" sabi nung girl na friend yata ni unggoy
"Sure Hazel. Thanks nga pala sa pagpapastay mo sa akin ha. Bye" sabi ni unggoy
Umalis na din ako at naglakad papunta sa classroom ko. Habang naglalakad biglang pumasok sa utak ko kung bakit yun yung deal ni unggoy para sa akin. Grabe ang yabang naman nun. Hmm. Anyway, after some while nakadating na din ako sa room good thing hindi pa nagriring yung bell. Umupo na ako at nagisip then biglang lumapit sa akin sina Tim and Trish.
"Bes, saan ka galing?" tanong ni Trish
"Ahh eh may pinuntahan lang ako."
"Okay." Trish
Dumating na din ang teacher namin and since it's the second day of school nagorient lang yung adviser namin and hanggang Friday pa yung irregular class namin. So starting Monday maguumpisa na namin makita yung iba naming teachers. Anyway, natapos nadin ang second day of school ko and unfortunately walang magandang nangyari. Pagkalabas ko ng school dumaan muna ako sa Principal's Office kasama ko si Trish at Tim.
"Miss Mendoza and Miss Atienza, kamusta na ang pagpreprepare nyo for the Welcome Concert?" tanong ni Mr. Magsino (principal)
"Ahm, It's great sir. Everything is under control and we're just hoping na maging successful ang concert" sabi ko.
"Good. Good. So, kailan ang exact date ng concert?"
"Sir, the student body planned na ang concert po ay sa June 11. So, it's gonna be on Saturday"
"Okay. So, I'll just tell na iannounce nalang bukas yung about sa welcome concert. Okay. You both may go"
Pagkaalis namin sa Principal's office umuwi agad ako pero hindi ko kasabay sina Tim and Trish kasi dumaan pa sila sa mall para magdate. Pagkauwi ko kumain muna ako then nanood ng TV. Good thing wala pang homeworks kaya may time pa ako magrelax.
Chris' POV
After class dumaan muna ako sa mall para kumain. Nakita ko si Nicole and lumapit sya sa akin.
"hey Chris, may nakaupo ba dyan sa tabi? Kung wala pde ba tabi na lang tayo?" tanong nya
"Ahm, wala. Go ahead umupo ka na" well, napilitan lang talaga akong paupuin sya dun. Nahihiya lang ako na mapahiya ko sya.
"Thank You. So, make kwento naman about yourself"
"Ano naman ang gusto mong malaman?"
"May girlfriend ka na ba?"
"Wala"
"ahh. So, may nagustuhan ka na ba sa school?"
"Wala" this is freaking me out. nakakairita sya! -_-
"Well, ako available!" Grabe naman tong babaeng to.
"Ganun ba? Sorry I'm not looking for a girlfriend eh. Anyway, I have to go na see you tomorrow na lang. BYE!"
"Okay. BYE Chris. See yah!"
Hayy kakairita naman yung ganung babae. Anyway, after kumain dumiretso akong bahay then nanood ng TV.
"Anak, wala ka bang Homework? Bakit nanonood ka lang ng TV?" tanong ni Mommy.
"Ma, wala pa po. Next week pa po ang start ng regular classes. Ma, aalis po ako tonight ah."
"Saan ka naman pupunta?"
"May date po ako. Ma, maliligo na po ako ha. Bye! ^_^" sabay kiss kay mommy
Naligo na ako then nagbihis for my date. Well, siguro naguguluhan kayo kung bakit yun yung deal ko no? Kasi nagtataka lang ako kung bakit galit na galit sa akin si KAY kaya gusto kong malaman and gusto ko din makipag friend sa kanya. ^_^ Ang weird nga eh kasi kapag kasama ko sya masaya ako kahit nagtataray sya sa akin. Enough with that.
7:45 ako umalis ng bahay kasi magpapagas pa ako. After kong magpagas dumaan muna ako sa flower shop to pick up my order (rose ang binili ko for her). Then dumiretso na ako sa bahay nila. Pinapasok ako nung maid nila then nakita ko si Tita Janika. Parang nagitla sya nung nakita nya ako.
"Hijo, anong ginagawa mo dito?" tanong ni Tita Janika
"Tita, magdidinner po kami ni Kay ngayon. Hindi po ba nya nabanggit sa inyo?"
"Kadadating ko lang kasi hijo kaya hindi nasabi sa akin ng anak ko"
"Ahh, okay lang po ba sa inyo? If hindi po okay lang po sa akin"
"Okay lang sa akin hijo basta wag kayo magpapagabi ha"
"Sure po Tita ^_^"
After 5 minutes bumaba na din si Kay. 0_0 She's gorgeous.
"Chris, sorry ha kasi medyo natagalan ako" agad nagapologize si Tigre. I mean Kay
"Okay lang yun. Shall we?"
"Sure!" sabi nya
"bye po Tita!"
"Ingat kayo hijo. Alagaan mo anak ko ha" bulong ni tita
"Sure po! :)" bulong ko
___________________________________________________________________________
Hey guys. Medyo dumadami na ang nagbabasa pero wala pa din nagcocomment. hahahaha. anyway, sana po patuloy nyong supportahan ang aking storya. :) Abangan kung anong mangyayari sa Dinner date nina Kay at Chris.
Vote. Like. Comment. Recommend.
